Chapter 137

1K 43 1
                                    


"Good morning Lyfa," bati ko nang magising siya bago lumubog ang araw.

"Morning?" tanong niya.

"Biro lang, pagabi na, matagal ka lang magising," biro ko at sumimangot siya at pinalobo ang pisngi.

"Babalik nga pala tayo sa Floria," sabi ko at umupo sa may tabi niya.

"Bakit?" tanong niya.

"Hmm... kasi iiwan kita dun," sabi ko.

"Eehh?!" gulat niyang sabi "bakit?"

"Well... kasi... kailangan kong masiguro ang kalusugan mo, pangit at halos walang sustansiya ang mga pagkain dito," sabi ko at inakbayan siya.

"Bakit? Ano ba meron sakin? May sakit ba ako kaya ako nawalan ng malay?" sunod-sunod na tanong ni Lyfa.

"W-wala, well... paano ko ba masasabi to," sabi ko at tinignan siya sa mata "kasi dinadala mo ang magiging anak ko, ayokong mapahamak ka kaya iuuwi kita sa may Floria."

"I hate you! Pinakaba mo ako!" sabi niya ngunit naka-ngiti.

"Yun ang dahilan kung bakit kailangan kitang ibalik sa may Floria, mahirap na kasi," sabi ko.

"Okay, kailan tayo aalis?" tanong niya habang sinasapo-sapo ang sikmura.

"As soon as possible," sabi ko at tumango siya.

"Kasama ba sina Mimir?" tanong niya.

"Hinde, mangongolekta sila ng materyales," sabi ko.

"For refine?" tanong niya at tumango ako "I see... Mark..."

"Ano yun?" tanong ko.

"Ipagluto mo ako, gusto ko yung niluto mo dati sa yung may kulay itim na kung ano," sabi niya "yung gawa sa beans."

"Soy sauce?" tanong ko.

"Yun, ipagluto mo ako nung ginamitan mo nun," sabi niya.

"Okay, ipagluluto kita ng adobo," sabi ko at tumayo na "kaya tara na sa baba."

"Okay," sabi niya at tumayo na.

Nang makababa ako ay agad kong nakita sina Mimir kasama sina Nekone, nakaupo sa harap ng tatlong pinagsamang mesa.

"Maupo ka na dun," sabi ko at nang maka-upo na si Lyfa ay binati siya ng mga babae, seriously, kailangan bang batiin ng malakas to the point na magsitinginan ang mga tao.

"Oi! Papa! San ka punta!" sabi ni Celine.

"MANAHIMIK!" sabi ko.

"Saan ka nga pupunta," sabi ni Celine.

"Sa kusina, humiling si Lyfa ng adobo, kaya magluluto ako," sagot ko.

"May soy sauce ka?" tanong ni Celine.

"Oo, may nakita akong soy beans na itinitinda sa may Floria, ginawa kong soy sauce," sagot ko bago tuluyang pumasok sa may kusina upang magluto.

Matapos kong magluto ay agad ko iyong inihain, at nakalinga lang ako saglit, ubos na ang niluto ko, buti na lang nakakuha na ng marami si Lyfa.

"Luto ka pa," sabi ng may sala sa biglaang pagkaubos ng niluto ko na si Celine.

"Tam—"

"Mark..." sabi ni Lyfa at tinitigan niya ako with her puppy eyes na hindi ko ma-hindi.

"... Fine," sabi ko at bumalik na sa kusina at nagluto uli, this time, 100 kilos na ang niluto, tutal, hindi naman napapanis ang adobo.

"Ahh... di ko aakalaing makaka-kain uli ako ng adobo," sabi ni Celine.

"Hoy, alam mo ba kung ilang kilo na niluto ko," sabi ko.

"Uhmm... around 50?" sagot niya.

"Hinde, 100 kilos na ang niluto ko, at naubos niyo yun," sabi ko.

"A...hahahaha," tuyo niyang tawa.

"Bigyan mo nga ako ng recipe," sabi ni Nekone.

"Oh," sabi ko at ini-abot ang isang papel na sinulatan ko ng recipe ng parehong adobo at soy sauce.

"<Yosa>?" tanong ni Nekone.

"Ah, masarap yan, ginigiling namin yang <Yosa> tapos pinapakuluan namin para maging gatas," sabi ni Mimir "paborito namin ni ate ang gatas na gawa sa <Yosa>."

"Soy beans nga pala ang <Yosa>," sabi ko at natigilan si Nekone at tinignan sina Lyfa at Mimir "oh... so proven na," sabi niya.

"Ang alin?" tanong ni Celine.

"Na nakakapag-palaki ng dibdib ang soy milk, mali, sa mundong ito, <Yaso Milk> siguro ang tawag dun," sabi niya at napatitig ang lahat ng babae sa grupo namin, maliban lang kay Lyfa na ginagawang unan ang hita ko at kay Lulu na hindi maintindihan ang ginagawa nila, sa kanya-kanya nilang dibdib na para bang ipinagkukumpara sa isa't-isa.

"Sisimulan ko ng uminom," sabi ni Alissa.

Nang tumayo na kami ay nagdiretso kami sa may kwarto namin at doon nagpahinga. Sa kwarto namin, seryoso, bakit sa kwarto namin, pinag-uusapan nila kung kanino sila sasama at ang napagdesisyunan ay si Mimir kay Celine at sina Lina at Lulu naman ay kay Nekone.

"Mark," tawag sakin ni Lyfa.

Nakahiga kami sa may kama, nakapatay na ang lampara at tanging ang liwanag na lang ng buwan na tumatagos sa siwang ng bintana ang nagbibigay liwanag sa silid, rinig ko na rin ang ritmotadong paghinga nina Mimir, Lina at Lulu, senyales na tulog na sila.

"Ano yun?" tanong ko, hinahanda ang sarili sa kung anong hilingin niya, dahil base sa mga nababasa at napapanood ko noon, kahit hating-gabi kung magustuhan ng isang buntis na kumain ay kakain siya at walang makakapigil sa kanya.

"Yakapin mo ako," sabi ni Lyfa.

"How anticlimatic," sabi ko dahil matapos ang mga pag-plano sa mga gagawin in case na hilingin niya ay kung ano, isang yakap lang ang kanyang hiningi na siyang agad kong binigay.

"Mark..." tawag niya.

"Mm..."

"Natutuwa ako na kinakabahan," sabi niya "sa sinapupunan ko ay ang anak natin pero... wala akong alam sa pangangalaga sa bata."

"Gusto mo dalhin na lang kita sa Nocturia, kina Lamiah, o kaya naman ay dalhin ko na lang sina Lamiah sa Floria," sabi ko.

"Wag mo na sila guluhin," sabi ni Lyfa.

"Kung sa bagay may malapit naman," sabi ko "sabi sakin ni Head Shri— Maid, na may mga iniiwang sanggol sa dambana nila kaya marunong silang mag-alaga ng bata."

"Head Maid?" tanong ni Lyfa.

"Si dating head shrine maiden, nakalimutan ko na pangalan niya eh, pero sure akong 'N' ang simula ng pangalan niya," sagot ko na bahagyang ikinatawa ni Lyfa.

"Anong balak mo nga pala sa <Mountoria>?" tanong niya "sabi mo balak mong ibahin ang pamamalakad ng gobyerno diba?"

"Oo, pero di ako sure kung magagawa ko ba yun within nine months," sabi ko.

"Nine months?" tanong ni Lyfa.

"Ah, sorry, ibig kong sabihin ay, 270 days, bali 5 months and 9 days... teka," sabi ko at gumawa ng apoy sa kamay upang maging liwanag at tinitigan ang sinapupunan ni Lyfa.

"A-anong ginagawa mo?" namumulang tanong ni Lyfa.

"Sinabi ko sa'yo noon na may skill ako na nagbibigay sakin na makita ang lahat diba?' tanong ko at tumango siya "tinitignan ko kung ilang araw ka bago manganak."

"Makikita mo?" tanong niya.

"Oo, meron pang 265 days, 14 hours, 56 minutes and 3 seconds and counting down," sagot ko "pero hindi absolute ang nakikita ko dahil may pre-mature childbirth at may mga delay na siyang delikado."

"Mark... I hate you, tinatakot mo ako," paiyak na sabi ni Lyfa kaya pinawala ko na ang apoy at niyakap siya.

"Shh... sorry, sorry kung natakot kita," sabi ko.

Soria: World's GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon