Ako si Mark Anthony Sevilla, isang average guy na may edad bente. Nakatira ako sa isang apartment hindi kalayuan sa university na pinapasukan ko.
Since high school, nakakahiligan ko na ang maglaro ng mga online games at ang nagpakilala sakin nun ay ang kababata kong babae, tulad ko university student na rin siya at madalas na bumisita, minsan nga makikita ko na lang siya nasa loob na, para lang linisin ang kwarto ko and everytime na maglinis siya, lagi akong nawawalan ng damit pero makikita ko uli after niyang maglinis uli.
Marami akong kaibigan, karamihan nga lang eh mga babae, kumbaga sa sampu kong kaibigan, siyam dun babae.
Sa lahat ng mga kaibigan ko maliban kay childhood friend, ang isa ko pang best friend ay si rich friend. Nagkakilala kami noon sa isang seminar, out of place siya dahil sa suot niyang puro branded kaya naman walang nangahas na lumapit sa kanya dahil nahihiya sila sa kanya. Nung mag-lunch break sa seminar ay agad ko siyang nilapitan at nakipag-usap sa kanya at doon ko nalaman na onti lang ang kaibigan niya at lahat sila ay wala sa university kaya ang nangyari ako ang naging first friend niya doon sa university. Hindi ko siya ginagamit, promise, hindi kasi kakayanin ng pride kong ilibre ng isang babae, anyway silang dalawa ang naituturing kong mga tunay na kaibigan ko kaya pinakilala ko sila sa isa't-isa but it ended in a fight between them kaya ginagawa ko na ang lahat para hindi sila magkita pero sadyang maliit lang ang mundo at nagkikita at nagkikita sila at natatapos sa bangayan nila pero kahit ganun, masaya naman until that day...
Papasok na ako sa apartment ko galing sa computer rentals dahil naglaro ako ng paborito kong online game nang...
"Anong ginagawa mo dito?!" narinig ko ang boses ni rich friend mula sa loob.
"Ikaw ang dapat kong tanungin, anong ginagawa mo dito?!" narinig ko naman ang boses ni childhood friend sa loob.
'Kayo ang dapat kong tanungin, anong ginagawa niyo diyan sa loob ng apartment ko, paano kayo nakapasok and all' sabi ko sa isipan at pinag-iisipan ko kung papasok pa ba ako o aantayin na matapos na lang sila sa sigawan pero nawala iyon ng marinig kong may nabasag na kung ano sa loob kaya dali-dali akong pumasok at nakita silang dalawa nagsasabunutan.
"Marami kang pera! Marami ang nagkakagusto sa'yo! Nasa 'yo na ang lahat kaya sukuan mo na siya!" sabi ni childhood friend.
"Si Sevilla lang ang para sakin! At sigurado akong mas sasaya siya sa piling ko!" sabi naman ni rich friend.
"Hindi ikaw ang dapat magdesisyon kung saan sasaya si Anthony!" sabi naman ni childhood friend.
"TUMIGIL NGA KAYONG DALAWA!"
Dahil sa sigaw ko, pareho silang tumigil at kumalma at sabay na sabi ng:
"Sevilla?" si rich friend
"Anthony?" si childhood friend
Parehong bakas sa mukha nila ang gulat siguro dahil sa nakita kong nagsasabunutan sila.
"Anong rason ng pag-aaway niyo?" tanong ko.
"SABIHIN MO SA BABAENG 'TO NA LUMAYAS SIYA SA PAMAMAHAY NG BOYFRIEND KO!" sabay nilang sagot.
"ANG KAPAL NG MUKHA MO! AKO ANG GIRLFRIEND NI SEVILLA!" sabi ni rich friend.
"SA PANAGINIP MO! AKO ANG GIRLFRIEND NI ANTHONY!" sabi ni child hood friend.
"SABIHIN MO SA KANYA NA AKO ANG GIRLFRIEND MO!" sabay nilang sabi at nang marealize na sabay sila ay nagtitigan sila ng masama.
'What?Kelan ko kayo naging girlfriend? pero kung ako pala ang ugat, kailangan ko langmamimili pero...' sabi ko sa isipan 'hindi matatapos 'to ng basta-basta kaya...' bumuntong hininga ako at nagsinungaling nang sabihin ko ang:
"Wala sa inyo ang girlfriend ko at malayo nang mangyari since may girlfriend na ako at alam niyo ang policy ko: never akong magtratraydor sa girlfriend ko, in fact kakagaling ko nga lang sa bahay nila."
Napaupo si rich friend na para bang nilambutan ng tuhod dahil sa sinabi ko samantalang si childhood friend naman ay napatungo at pumunta sa lababo, akala ko iinom siya ng tubig pero nagkamali ako dahil bumalik siyang may dalang kutsilyo at walang emosyon sa matang itinaas iyon.
"NILAAN KO SA'YO LAHAT NG ORAS PERO BAKIT!?" sigaw niya at tinignan si rich friend "KASALANAN MO 'TO!" at binalak niyang saksakin si rich friend.
Inagaw ko kay childhood friend ang kutsilyo para pigilan siyang maging mamamatay tao nang makaramdam akong may tumusok sa sikmura ko, tinignan ko kung ano 'yun at nakitang may nakasaksak na kutsilyo sa sikmura ko, nang tignan ko naman ang may ari ng kamay na may hawak ng kutsilyo ay nakita ko si rich friend, nang marealize ko ang nangyari ay dun ko lang naramdaman ang sakit na gawa ng sugat at gayun din ang pagdugo.
"Akin ka lang... akin ka lang... akin ka lang" sabi ni rich friend "at para maging akin ka lang, papatayin kita... tapos... magsasama tayo sa langit" at hinugot niya ang kutsilyo kaya naman napa-atras ako at nawalan ng balanse.
Masakit, sobrang sakit, wala akong maramdaman kundi ang sakit. Tinawag ko si childhood friend, hinihingan ng tulong, lumapit siya sakin at lumuhod sa tabi ko... at walang sabi-sabing sinaksak ako sa dibdib. Mas marami ang dugong nilabas ng sugat ko sa dibdib to the point na kumalat na sa sahig. Nanginig ang buo kong katawan, sumigaw ako pero walang boses na lumabas sa bibig ko, unti-unti na ring nawawala ang init sa katawan ko at nahihirapan na rin akong gumalaw.
"Kami ang magsasama sa langit ni Anthony, dun ka sa impiyerno" sabi ni childhood friend.
"Ha? Dun ka sa impiyerno mag-isa!" sabi naman ni rich friend.
"Bulag ka ba? Ako ang pumatay kay Anthony, so kami ang magsasama sa langit" sabi ni childhood friend.
"Buhay pa siya," sabi ni rich friend nang hawakan niya ang leeg ko "wait lang Sevilla, tatanggalin ko na ang paghihirap mo" at sinaksak niya ako sa leeg.
"Wag ka nga mangi-alam!" sabi ni childhood friend at sinaksak ako sa kung saan.
"Ikaw ang dapat hindi mangi-alam!" sabi ni rich friend at sinaksak din ako sa kung saan.
Patuloy lang sila sa pagsaksak sakin na para bang nakasalalay dun kung sino ang mamahalin ko. Nawala na ang pakiramdam ko at unti-unti na ring lumalabo ang mga may luha kong mata... hanggang sa dumilim na ang lahat.
BINABASA MO ANG
Soria: World's Guardians
FantasyMark Anthony Sevilla, your average guy, ay pinatay at napunta sa ibang mundo, at doon ay... This story is just a light-dark story with a weak storyline(?). The first chapter(book) of the Administration Series ...