Chapter 132

1K 43 0
                                    

-Lyfa de Sylfaen Nocturia-

Matapos kaming maipakilala ni Mark sa tagapangalaga ng lupa ay agad ko siyang inimbita sa party at matapos mag-paalam kay Mark ay agad na kaming umalis na may intensyong magpalipas ng dalawang araw sa <Dragon Valley>.

"Ang sabi ni Mark, free boost all loots ours, sabi niya maiintindihan mo na daw yun," sabi ko habang naglalakad kami papunta sa tarangkahan.

"Ah, okay, naiintindihan ko, pero pwede bang magmina na din?" tanong niya.

"Hmm... okay, lahat ng minina mo sa'yo, pero lahat ng mga makukuha sa halimaw, amin," sabi ko at tumango siya.

"Okay, dalawang araw tayo sa <Dragon Valley> tapos may tatlong araw na paglalakbay balikan bali limang araw tayong maglalakbay—"

"Hinde, dalawang araw lang," putol ko kaya binigyan niya ako nagtatakang tingin.

Nang makarating kami sa may tarangkahan ay agad kong tinawag si <Pomona>. May tumubong puno sa harap ko, palaki ito ng palaki, hanggang sa bigla itong gumalaw at unti-unting nag-itsurang dragon. Nang makita ng tagapangalaga ng lupa si <Pomona> ay napanganga siya.

"Tara na," sabi ko at tumalon na kami papunta sa likod ni <Pomona>.

"... Uhmm... Originally, int-built ako kaya mababa ang str ko, so... mababa ang talon ko," sabi niya kaya pinahiga ko si <Pomona> at dun lang siya tumalon.

Nang makasakay na siya ay agad kong pinalipad si <Pomona>.

"Say, sabi ni Sevilla, mga desipulo kayo, ano yun?" tanong niya.

"Mga piling tao na biniyayaan ng mga tagapangalaga ng kakayahan na magawa ang halos lahat ng nagagawa nila, kabilang na doon ang method nila pampalakas, status, skills, kung ano ang meron sila, basically meron din kami pero hindi lahat," sabi ni Mimir.

"Anong meron sila na wala kayo?" tanong niya.

"Mapa at inventory," sabi ko.

"Guardian mark," sabi ni Lulu.

"Madali silang matuto ng skill," sabi ni Mimir.

"Elemental nullification," sabi ni Lina.

"... Mapa? Guardian mark? Elemental nullification? Ano yun?" tanong niya "alam ko yung meaning ng mapa pero hindi ko makuha."

"Sa mapa, si Mark na lang bilang halimabawa, sa oras na humawak siya ng isang buong mapa ng isang bansa, magkakaroon na siya ng replika sa paningin niya, di ko alam kung paano niya nakuha yun pero lagi siyang naghahanap ng kumpletong mapa ng bansa," sabi ko "tapos magkakaroon lang kami ng inventory kung may suot kaming <Storage Ring>."

"Guardian mark, yung palatandaan na isa kang tagapangalaga," sabi ni Lulu "tulad na lang kay Kuya Mark, yung singsing niya na hindi maalis sa katawan niya, pwede niyang ilipat sa ibang kamay pero hindi maalis sa katawan niya, yun ang sabi ni Miss Miteruna," dugtong niya at napatingin siya sa guwantele na nasa kaliwang kamay niya.

"Elemental Nullification, complete resistance sa elementong sinisimbolo ng isang tagapangalaga," sabi ni Lina "ayon kay Gurong Luxerra, hindi daw sila tinatablan ng elemento nila; sabi din ng guro, meron siyang kumpletong resistensya sa atakeng mahika ng liwanag, mataas na resistensiya sa ibang elemento at mahina siya sa dilim."

"Ako, lupa, ibig sabihin hindi ako tatablan ng elemento ng lupa?" tanong niya.

"Oo, pero kung aatakihin ka ni Ate Lyfa, na may elemento ng kagubatan, malaki ang bawas sa HP mo," sagot ni Lina at napa-ngiwi siya.

"S-say, paano mo naman nasasabi yan?" tanong niya.

"Elemental Theory," sagot ni Lina "ang makakatalo sa apoy ay ang tubig; ang makakatalo sa tubig ay ang hangin; ang makakatalo sa hangin ay lupa; ang makakatalo sa lupa ay ang kagubatan; at ang makakatalo sa kagubatan ay ang apoy; ang makakatalo sa liwanag ay dilim, at ang makakatalo sa dilim ay ang liwanag, iyan ang paliwanag ng guro."

"... Ah... Ahh..." sabi niya at saktong bumaba na si <Pomona> sa tarangkahan ng <Dragon Valley>.

"Okay, handa na kayo?" tanong ko at tumango sila sabay kanya-kanyang handa ng sandata.

Kumuha si Lulu ng ilang de-hagis na kutsilyo, kinasa na ni Mimir ang baril niya, kinuha na ni Lina ang sword-staff niya mula sa <Inventory> niya, at kinuha ko na rin ang pana ko sa <Inventory>, dahil sa bagong method na nalaman ni Mark, ang mga gamit namin ay may [+7] na, dapat mas mataas pa doon pero dahil sa kakulangan ng materyal kaya napahinto kami sa +7.

"Okay, game!" sabi ko at tumalon na kami pababa.

Pagkapasok na pagkapasok namin ay nakakita kami agad ng isang lesser dragon at upang mapalakas din si <Dryad> ay tinawag ko siya at mukhang ganun din ang naisip nila dahil tinawag din nila ang pamilyar nila.

"<Multiple: Explosive Arrow>!" sabi ko at nagpakawala ng isang palaso. Ang palasong pinakawalan ko ay dumaan sa isang magic circle at mula sa magic circle, tatlong sumasabog na palaso ang lumipad patungo sa sa dragon.

'Mababa pa proficiency ko sa <Multiple> technique, tatlo pa lang, kelan kaya magiging lima ang mga palaso na lalabas sa <Multiple>?' tanong ko sa isipan habang pinapanood si Lulu.

"<Multiple: Explosive Dagger>!" sigaw niya at naghagis ng isang de-hagis na kutsilyo, ang kutsilyo, tulad ng palaso ko, ay dumaan sa isang magic circle at mula naman doon, limampung mga kutsilyo ang lumipad patungo sa dragon at sa bawat tama ng kutsilyo ay sumasabog ang mga ito.

'Ang duga, sana ako din, ganun kadami, no, ako ang ate dito, dapat hindi ako maiingit,' sabi ko sa isipan at hinarap ang tagapangalaga ng lupa "umatake ka rin, kahit isang beses lang, hindi ka magkaka-exp," sabi ko kaya nagpakawala siya ng batong hugis palaso na ayon kay Lina ay isang <Stone Arrow>.

'Hmm... nahihilo ako, kulang siguro ako sa tulog,' sabi ko sa isipan at nagpakawala ng <Lightning Arrow> kasabay ang <Wind Bolt> ni Lina.

-Mark Anthony Sevilla-

Nang umalis na sila Lyfa ay agad akong naglibot sa siyudad. Kumalat agad ang ginawa ko kahapon kaya walang sumusubok na gumawa ng masama sakin, at sa tuwing bibili ako lagi nilang binibigay sakin ng walang bayad, maganda sana pero naiisip ko na binubully ko sila kaya nagpipilit akong bayaran ang gusto ko ending with a 80% discount, nung hindi ako pumayag ay ginawa nila agad na 95%, di man lang ako pinatapos kaya nang sabihin kong 30% discount lang ang ibigay sakin ay laking tuwa nila although Cole ang ginagamit kong pambayad.

Matapos kong bumili ng prutas na mapakla ang lasa ay agad akong nagpunta sa guild at kumuha ng isang <Gathering Quest>, ang kukunin ko ay ang bulalak ng Arumanfi, isang cactus like plant, pero isang halimaw talaga, na may lason, at ang gamot ay ang mismong bulaklak nito.

Nang makakuha na ako ng quest ay agad akong pumunta sa counter pero hindi ako pinagbigyan ng receptionist na babae.

"Sorry, pero hindi kita kilala kaya wag kang umasang bibigyan kita ng quest," mataray niyang sabi habang nagkikilkil ng kuko.

"Right... power is everything nga pala dito," sabi ko at lumayo ng onti, maya-maya pa ay bigla akong humarap sa kanya, gumawa ng <Burning Lance> at inihagis iyon sa babae, nadaplisan ang mukha niya pero sapat na iyon para gumulong siya sa sakit, panigurado magkakaroon siya ng peklat sa mukha dahil sa ginawa ko kaya pinagsisihan ko iyon at sana <Mana Javelin> na lang ang ginamit ko pero wala na, nagawa ko na.

Agad akong nagpunta sa katabing counter ng hinagisan ko ng <Burning Lance>, dun kukunin ang reward pero nagkunwari akong walang pake at inilapag sa harap niya ang <Quest Form> at ang card ko, hindi na ako nagsalita tinitigan na lang siya, nakuha niya naman ang gusto kong sabihin dahil inasikaso niya agad ang quest ko at nang makuha ang card ko ay agad akong umalis ng guild, at nang lumabas na ako ay narinig kong may mga nagtakbuhan dun sa may loob, tutulungan siguro yung receptionist.

'Ah... gusto kong baguhin itong pamamalakad dito sa <Mountoria>, pagdating nina Celine, seryoso akong sasabihin sa kanila ang mga hinanaing ko,' sabi ko sa isipan habang naglalalad palabas ng siyudad.

Soria: World's GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon