Chapter 81

1.4K 82 0
                                    

"Paano nga pala natin papasukin ang brothel?" tanong ko kay Nekone dahil kung ako ang masusunod, papatayin ko na lang silang lahat dahil naalala ko ang mga rapist ng kapatid ko.

"Ah! For that," sabi niya at naglapag ng isang manilaw-nilaw na crystal "7th grade spell crystal, <Vision Taker>," sabi niya.

"<Vision Taker>?" tanong ko.

"Yun yung pangalan ng crystal, dahil nakaselyo sa crystal ay ang mahikang <Sight Stealer>, gagana lang yan once na lagyan mo ng onting mana ang crystal kaya dapat ibato mo agad, wanna try?" tanong niya at tumango ako kaya kinuha ko ang crystal.

"Saglit lang ako," sabi ko at lumayo sa kampo nang makakita ako ng kumpol ng mga halimaw ay agad kong nilagyan ng mana ang crystal, at hinagis iyon sa gitna ng grupo, maya-maya pa ay nagpakawala ng isang nakakasilaw na liwanag ang ctystal na tulad ng sa ginamit ni Luxerra noon.

Dahil sa liwanag ay hindi nakakilos ang mga halimaw kaya nagawa ko silang mapatay gamit ang isang <M9> pistol na itinago ko sa <Inventory>.

"Flashbang," sabi ko habang naglalakad pabalik dahil iyon ang epekto ng crystal.

"Okay, continue," sabi ko nang makabalik at naglabas uli siya ng isa pang <Vision Taker>.

"Ibibigay mo ito sa informant natin para bukas, ngayon bukas nang gabi, mag-aabang tayo sa labas at ang signal natin ay ang liwanag nito, mapaparalisa sila dahil sa liwanag, tsansa para satin na dakpin na agad sila," sagot ni Nekone.

"Paano kung nasa pinakatagong kwarto sila?" tanong ko at natahimik si Nekone.

"Suggestion, kung gumamit na lang kaya ng <Flame Hurler>, tapos ihagis sa labas pag may sumabog-"

"Tapos may natamaang sibilyan," sabi ko.

"Sorry po," sabi niya.

"Ganito na lang, gagamitin niya ang <Vision Taker> para makatakas siya then labas ng kwarto hagis sa loob ang <Flame Hurler> and voila, sugod, mabilis ka naman Sevilla diba? Sagipin mo na lang kung mahuli siya," sabi ni Nekone.

"Kung ganito na lang kaya, infiltration ng pamilyar," sabi ko at napatigil si Nekone, marahil ay hindi niya naisip na pupuwede iyon.

"Okay, familliar infiltration, pero kailangan nang maipasok natin doon si <Neptune>," sabi ni Nekone.

"Okay, papasok na ako sa loob at ipapaalam ko na sa informant natin," sabi ko at tumango sila.

"Wag kang gagamit ah!" sabi ni Nekone.

"Oo, alam ko, kung may spell siya <Despell> lang ang katapat," sagot ko habang naglalakad palayo.

****************************************************************

Nang makarating ako sa brothel, pagpasok na pagpasok ko ay agad na tinawag ang informant at agad naman kaming nagtungo sa isang kwarto.

Pagpasok na pagpasok ko ay agad kong nilagyan ng <Silencio> ang pinto at ginamitan siya ng <Despell>.

"Okay, ganito ang plano," panimula ko.

"Ibig sabihin bukas ng gabi ay makakalaya na ako dito," sabi niya.

"Oo," sagot ko at napabuntong-hininga siya na para bang nabunutan ng tinik ang lalamunan niya.

"Asaan nga pala ang ginagamit na silid doon?" tanong ko.

"Dulong silid, opisina ni Lunyar," sagot niya kaya agad kong kinontak si Nekone at sinabi ang lugar.

'Nakita na ni <Neptune>, pero maaring ibahin kaya uutusan kong on stand-by sa pinto at sundan na lang si Lunyar,' sagot niya.

'Maaring may back-door at doon sila dumaan,' sabi ko.

'Point taken, waiting in front of office door,' sabi niya.

'Pano ba nagiging invisible yang pamilyar mo,' tanong ko.

'Ewan, basta kaya nilang maging intangible at invinsible,' sagot niya.

"O...kay," sabi ko "now, mag-aantay na lang ako."

"Ginoo, salamat, maraming salamat," sabi ng informant sakin.

"Wag mo na isipin," sabi ko.

"Salamat pa rin," sabi niya "wala akong maisip na maaring ibigay sa iyo bilang pasasalamat kaya kung iyong nanaisin, ibibigay ko sayo ang katawan kong niligtas mo."

"Ibigay mo iyan sa lalaking minamahal mo," sabi kong naka-ngiti.

'Mark Anthony Sevilla, uulitin ko, wag kang gagamit,' sabi sakin ni Nekone.

'What, naka-connect pa rin,' sabi ko 'oo, hindi ako gagamit,' at sinara ko na ang linya.

Nang matapos na ang isang oras ay agad na akong umalis, of course binayaran ko ng malaki para hindi na siya uli magamit. Habang naglalakad ay nakapansin ako ng isang pamilyar na silhoutte kaya agad ko iyong nilapitan.

"Ayan ang brothel, andyan ang mahal kong anak," sabi ng lalaki at nang maliwanagan ng buwan ang lalaki ay nakita kong ito ay ang ama ng informant kaya agad ko siyang hinawakan sa braso "ikaw ay ang..." sabi niya nang makita ako.

"Uulitin ko, wag kang gagawa ng kung ano," sabi ko.

"At hayaan na maghirap ang aking anak sa loob!" sigaw niya.

"Naiintindihan kita pero kumalma ka nga," sabi ko at sinampal siya dahil niyuyugyog na niya ako.

"May plano na para iligtas sila," sabi ko nang kumalma ang lalaki.

"Talaga? Ano?" sabi niya.

"Kami na ang bahala, ang kailangan namin ay matataguan ng mga maililigtas," sabi ko.

"Kami na ang bahala! Anong gusto niyong gawin namin!" sabi niya.

"Halika at sumunod ka sakin," sabi ko at dinala siya sa kampo.

"Sino namam yan?" tanong ni Nekone nang makita ang tatay ng informant.

"Ama ng informant natin," sagot ko.

"Ano ginagawa niya rito?" tanong niya.

"Gusto niyang tumulong," sabi ko.

"Hmm... May carriage kang dala?" tanong ni Nekone sa kanya.

"M-meron po, pinaglalagyan ng mga palaso at espada," sabi niya.

"Ah, oo nga pala, nakaligtaan ko," sabi ko at tinignan ang elite ten ng rebel army "may mga espada kayo in case na malapitan?" tanong ko at lahat sila ay naglabas ng kutsilyo, mukhang unspoken rule na sa rebel army ang magtago lagi ng patalim.

"Ilan?" tanong ni Nekone sa tatay ng informant.

"Mga nasa... tatlo," sagot niya.

"Paumanhin pero kukunin ko ang tatlo, maghanap na lang kayo nang iba," sabi ni Nekone.

"Masusunod po tagapangalagang Nekone," sabi ng lalaki sabay yuko.

"Kailangan bang lahat?" tanong ko.

"Oo, sa totoo pa nga'y kulang ang tatlo dahil maaring marami tayong madakip na empleyado," sagot niya.

"M-mahal na tagapangalaga, saan ko po iiwan ang mga karwahe?" tanong niya kay Nekone.

"Dito, iwan mo dito," sagot ni Nekone.

"Masusunod po," sabi niya.

"Oo nga pala, pagkaligtas na pagkaligtas namin sa mga bihag, umalis na kaagad kayo at baka madawit kayo sa maaring humabol na guwardiya," sabi ni Nekone na ikinalito ng lalaki kaya ngumiti si Nekone at sinabing "Pagtapos nang gabing ito, matatanggal ang estado ko bilang tagapangalaga."

"Huh? Bakit?" tanong ko.

"Nahuli ako, salamat lang sa sinabi mo nung isang araw kaya naging maingat ako at nagawang makatakas," sagot niya at nakita ko sa mga mata niya ang lungkot marahil dahil sa tinuring sa kanya doon.

"Dapat pala nating asahan na hihigpit ang depensa ng brothel since nahuli ka," sabi ko nang maka-alis na ang lalaki.

"Patawad," sabi ni Nekone.

"Wag mo na isipin," sabi ko.

Soria: World's GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon