Chapter 71

1.3K 87 0
                                    


Bago pa man magdilim ay agad na kaming nagtungo sa meeting place, nagtago, naghanda at nag-antay na magsimula ang transaction nila.

Nang magdilim ay agad kong nakita sa scope ko ang dalawang partido, nag-usap-usap sila, kamayan at nag goods checking, cue ko para ilagay ang daliri sa gatilyo, pigilin ang paghinga at siguraduhing isang bala lang ang kailanganin ko.

"Ako, ang prinsesa ng Nocturia, ikalawang asawa ng apoy, hinihingi ang tulong ng pinagmulan ng lahat," baybay ko habang inaasinta si Heneral Naldo "tubig, ako'y iyong dinggin, sarili ay hulmahin, sa sibat ay magyari, at tumama sa aking mga kaaway."

Itinutok ko sa may ulo ang baril at nang mag-abutan na ay agad kong kinalabait ang gatilyo.

****************************************************************

Hindi ko narinig ang putok ng baril dahil sa silencing spell, pero ang cue ko para sumugod is either bumagsak ang target o maging alerto sila.

Bigla na lang bumagsak si Heneral Naldo sa sahig, kaya naman agad akong sumugod.

Binunot nila ang mga baril at pinaulanan ako, pero sa paningin ko, sobrang bagal ng mga bala, para bang nasa slow motion 5x ang bagal kaya nagagawa kong ideflect ang mga balang patama sakin.

Pinaslang ko ang mga elf at mga lumabang dwarf. Tumakbo, dala-dala ang mga baril, ang isang dwarf na agad kong hinabol pero wala itong panama sa bilis ko kaya naabutan ko ito at pinatay.

'Something is off,' sabi ko sa isipan 'shipment pero handheld ang mga dalang baril at bakit patago silang nagkita?' habang pabalik ay patuloy ko pa ring pinag-iisipan ang dahilan, at nang makita ko ang bangkay ni Heneral Naldo ay agad akong lumapit at tinignan ang mukha nito.

"Lintik na," sabi ko at pinuntahan si Mimir.

"Mimir, aalis tayo agad, natunugan nila-" naudlot ang sasabihin ko dahil bigla na lang kaming napaulanan ng mga bala at salamangka kaya napilitan kaming magtago.

"Damn it," sabi ko "Mimir, meron tayong dalawang option, ang luma-" napatigil ako dahil nakita ko siyang nanginginig at napadesisyunan kong wala siya sa tamang estado para lumaban kaya agad kong ginamit ang <Retreat> upang mapunta sa entrance at bumalik na sa may kampo.

"Tulad ng dapat kong asahan," sabi ni Heneral Luna nang makarating kami sa kampo.

"Sa totoo lang, pumalya kami," sabi ko na ikinaalarma niya "Mimir, magpahinga ka na muna," sabi ko at binaba siya.

"Tara," sabi ni Heneral Luna na nagsimulang maglakad patungo sa command tent.

Nang makarating kami roon ay agad kong inulat ang mga nangyari, sinabi na rin ang theory ko sa nangyari.

"Maari ngang iyon ang nangyari," sabi niya "maari ngang pinatay na ang informant bago pa kayo makarating at gumawa ng patibong para hindi kayo maka-alis ng buhay, pero paano kayo nakatakas?" tanong niya.

"Teleportation spell, sabihin na lang nating ganun," sagot ko at tumango ang heneral "anong susunod nating galaw?" tanong ko.

"Lie low ka muna," sabi niya sakin "nakita ba ang mukha niyo? Kung oo, wala na tayong magagawa, mahihirapan ka ng gumalaw."

"Roger," sabi ko "pero kung blits mission, ako na ang gagawa, ayokong mamatay sa kawalan ng magawa."

"Hmm... walang magawa? Marunong ka bang magluto?" tanong niya at parang alam ko na ang ipapagawa niya sakin.

"Gagawin mo akong tagaluto?" sabi ko at tumango siya, tulad nga ng sinabi mo, pumunta kami sa may bayan na tinutukoy mo at hinanap ang babae, at binigyan suporta tayo ng buong pamilya nila, at ngayon marami ng makakain, sayang nga lang kailangan pang ipadala sa bansa niyo ang mga refugee."

"Ayos lang, naiisip ko rin kasi na kung sakaling matunton tayo dito, madadawit sila, doon na lang sila, ligtas sila doon," sabi ko "so, asan ang kusina, may-alam din ako kahit papaano pero wag kayong magrereklamo kung hindi masarap."

"Ayos lang, basta ang mahalaga ay may laman ang sikmura dahil mahirap lumaban ng walang laman," sabi niya at dinala ko sa kusina.

****************************************************************

"Ano nangyari dito?" tanong ko sa sarili nang makarating sa tinutukoy na brothel ni Mark Anthony.

"Binibini, wag kang pumasok at iniimbestigahan pa ang nangyari," sabi ng isang sundalo sakin.

"Sabihin mo anong nangyari dito?" sabi ko at tinaggal ang hood ng suot kong roba.

"Mahal na Tagapangalang Nekone," sabi ng sundalo at yumuko bilang tanda ng pag-galang "nagkaroon po ng pamamaslang sa lugar na ito, iniimbestigahan pa po ang mga narekoberang patay upang malaman ang eksaktong araw at oras na ginawa ang krimen."

"Papasok ako," sabi ko.

"Mahal na tagapangala, sasabihan ko na po kayo, hindi pa nababago ang loob kaya..." sabi ng sundalo pero pumasok parin ako at sumalubong sakin ang mabahong amoy ng nabubulok na karne na halos ikasuka ko na.

Nagtakip ako ng ilong at pumasok sa loob, tinignan ko ang interior, walang kasira-sira ang loob, pati ang mga kwarto, na para bang walang nanlaban sa may gawa ng pamamaslang, nang makarating ako sa tuktok ay agad akong bumaba, dali-daling lumabas, andun pa rin ang sundalo pero hindi na niya ako tinanong, dali-dali akong nagtungo sa isang eskinita at doon nilura ang mga kinain kanina.

'Sinong halimaw ang pwedeng makagawa nun,' sabi ko sa isipan nang maalala ang nakita sa pinakatuktok.

Nagkalat ang mga dugo doon na para bang isinaboy sa paligid, at naiimahe ko ang nangyari doon para magkaganoon ang itsura ng silid.

'Ugh... nagsisisi na akong pumasok pa doon,' sabi ko sa isipan at nakita sa di kalayuan ang isang bitak sa pader, being curious, lumapit ako at nakita ang isang malaking butas sa pader na para bang ginamit na lagusan, proweba ang mga hindi mabilang na bakas ng paa lupa.

'Uhm... tatlong pares ng naka-bota tapos lahat na ay naka-paa,' sabi ko sa isipan at nang makitang nagtutuloy-tuloy iyon ay sinundan ko kung saan patungo ang mga bakas.

'Hmm... parang may nagkampo rito,' sabi ko matapos makita ang dulo ng mga bakas 'ano 'to?' tanong ko sa sarili at pinulot ang isang kwintas, ang kwintas ay may kulay asul na bato na may insignia ng isang kung ano.

'Must be a clue para malaman ko kung ano yung nangyari doon,' sabi ko 'sana ayos lang yung mga kailangan niyang iligtas, wait pano kung siya yung may gawa nun?' at agad akong umiling nang maramdamang umiinit ang mga pisngi ko 'wala naman siyang awa kung siya nga ang may gawa.'


Soria: World's GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon