Chapter 168

939 39 0
                                    

-Ventus' POV-

Nang atakihin ako nung white-tiger werebeast ay agad akong lumayo sa kanila, sabi nila one on one pero wala akong balak na sundin yun kaya nang makalayo kami ay agad akong nagseryoso at nilabas ang <Ether Weapon> ko na si Zephyrus, isang long straight sword na may habang 90cm.

"Ey, bakit ako?" tanong ko dahil hindi ko talaga makuha kung bakit ako ang inatake niya.

"Hindi mo pa ba ako natatandaan? Well siguro dahil iba na ang itsura ko pero ang pangalang Loui, tanda mo?" sabi niya.

"Ah! Yung pedo kong pinsan, I see... okay, now die," sabi ko at pinalagitik ang daliri at biglang nagkaroon ng black hole sa likuran niya at hinila siya pero nilubog niya sa lupa ang kanang kamay para hindi siya mahila ng black hole.

"Ey, insan, wag mo akong titigan ng ganyan, simpleng science lang yan," sabi ko dahil tinititigan niya ako with the expression full of surprise.

"Hindi mo alam? Okay, bibigyan kita ng science lesson," sabi ko "alam mo ba kung paano nagkakaroon ng kidlat? Dahil sa friction ng air current, nagkakaroon ng spark, then masusuno ang oxygen at ayun, kidlat na; ang freezing point ng tubig ay -100°C; hydrogen plus oxygen is water," sabi ko habang leisurely naglalakad papunta sa kanya habang ang mga nasa paligid ay hinihigop ng black hole "bakit ko sinasabi sayo? Simple lang, dahil kaya kong gawin yun, kaya ko ring gumaw ng apoy by using a very hot air to the point na masunog na ang oxygen, so paano ako nakagawa ng black hole? Alisin mo ang mga element sa isang lugar at magkakaroon na ng void, now forcefully ibalik mo yun at high-speed, and there you have it; sa outer space, dahil sa star explosion nawawala ang mga onting element na mayroon doon, making the void, now dahil imposibleng magkaroon ng void, ibibigay ng surroundings ang mga nawalang elements para mawala ang void, making the black hole in the process; that is a simple science, my dear cousin," at pinutol ko ang kamay niya para mahigop na siya ng black hole "ewan ko nga lang sa ibang timeline, pero ganyan ang explanation sakin ni Mark, now... pay for your sins in hell, specially for rape-slaying Eri," sabi ko dahil sa timeline ko, nahuli siya at binitay for rape-slaying Mark's little sister.

Nang mahigop na siya ay agad kong inalis ang black hole at napansin ang isang yellow gem with purple hue sa gauntlet na naiwan nang putulin ko ang kamay ni insan, kinuha ko iyon at gamit ang nililihim kong <Identify> ay nalaman kong ang tawag sa gem ay <Soul Gem of Wrath>, nilagay ko iyon sa inventory at tutulungan na sana sila pero nakita kong namimili pa sila ng mga kalaban nila ng bumalik ako.

"Nothing to do," sabi ko dahil mukhang balak nga talaga nila ang one on one kaya napagdesisyunan kong tulungan na lang ang mga asawang best friend kong si Mark.

Madali lang naman ang trabaho nila, atakihin ang buong siyudad, wreck havok and all, at dahil naalala ko ang kaibigan na kinidnap ay sinagip ko sila; nasa isang mansyon sila, wearing all those erotic tights na hindi dapat sinusuot ng mga batang nasa edad anim hanggang dose.

'Mukhang isa lang yung dumukot sa kanila,' sabi ko at naalala ang mukha ng pinsan kong pedo.

"Haah..." buntong-hininga ko at dahil natatakot sila ay pinaliwanag kong ililigtas ko sila.

Halo-halo ang mga batang andoon, may elf, dwarf, human, werebeast, at meron ding fairy na pinutulan ng pakpak na nakaka-awang pagmasdan. Inilabas ko silang lahat sa mansyon habang pinapatay ang mga haharang samin.

Nang makalabas na kami sa mansyon ay pinasakay ko sila kay Boreas, ang familliar dragon ko at pinadala sa pinakamalapit na bansa, ang <Nocturia>.

Matapos kong maipadala ang mga bata along with the telepathy for a certain hybrid na alagaan muna sila ay pinagpatuloy ko na ang pagsira sa siyudad.

Nakita ko sila Lyfa at Mimir, magkahiwalay sila pero same lang ang level of destruction nila.

Magpapakawala si Lyfa ng isang palaso sa langit tapos pagpabagsak na ang palaso ay dadaan ito sa isang magic circle at magiging bulalakaw na sumisira sa siyudad.

Si Mimir naman ay nasa ibabaw ng bubong, may hawak na rifle na hindi ko alam kung saan niya nakuha. Nagkaroon ng kuryente sa gun barrel and after a few seconds ay nagpakawala ang baril ng isang laser like something sa barrel at sa lahat ng dinaanan ng laser, ay wala ng makikita, kundi ang sahig na lang at ang proweba na may nakatayo doon ay ang mga gusaling may butas na siyang dinaanan ng laser.

"Kailangan pa ba nila ng tulong?" tanong ko "mukhang hinde."

Agad akong umalis at nakita si Celine na kalaban yung tinawag nilang Hephaestus.

Dahil cornered si Celine ay hinarang ko ang suntok ng lalaki by using a wall made of wind.

"Isa itong one-on-one!" sigaw niya.

"Sino may sabing pumayag ako?" sabi ko at tinutok sa kanya ang espada "<Plasma Bolt>!" at mula sa nakatutok na espada, isang makapal na kidlat ang kumawala at tumama sa kanya, incinerating him to ash, leaving only his gauntleted left arm na may crystal na kulay violet with green hue.

"Seriously, ewan ko kung magpapasalamat ba ako or what dahil sa ginawa mo," sabi niya.

"Well, ayaw ko sa mga 1-on-1 fight development," sabi ko "team tayo, and besides, si Noir lang naman ang nag-suggest na sinang-ayunan nung white-tiger," sabi ko at natawa siya.

"Okay, fine, you win," sabi niya at kinuha ko ang gem at hinagis sa kanya.

"Baka pwedeng maging replacement ng gem in case," sabi ko.

"Okay, tara na sa palasyo!" sabi niya at nagpunta na kami sa kinalalagyan ni Eri at dahil nakita kong patumba si Eri ay agad kong binilisan ang takbo at sinalo siya bago siya natumba ng tuluyan.

"Ascension fatigue?" tanong ni Noir.

"Siguro, mauna na kayo, susunod kami," sabi ko at nauna na sila.

Dinala ko siya sa isang lilim at inunan sa hita ko, may mga epal na demons pero pinapatay ko sila using <Wind Blade>.

'... Ang cute niya, maganda pa ang proportion,' sabi ko sa isipan at inilagay ang kamay sa ulo niya at hinagod iyon 'hindi ko nakita ang siya nung bata pa, pero kung ganito siya ka-cute, no wonder mawawalan ng kontrol ang insan ko.'

"Hoy, anong ginagawa mo sa kapatid ko?" sabi ni Mark in very low voice making me scared.

"Wag mo akong takutin," sabi ko "hinahagod ko lang yung ulo."

"Heeh... ba't may pink aura?" tanong ko.

'Eto ba yung tinatawag na protective brother intuition na sinasabi ni Celine ng timeline ko about kay Mark?' tanong ko sa isipan habang nakatitig siya sakin with slit eyes.

"A-anyway, mauna na kayo, tapos na lahat sa laban nila, si Nekone?" sabi ko iniiba ang topic.

"Now you mention it, hahanapin ko," sabi niya at may pinindot, mukhang may map function si espren, kaso sa mundo niya hindi kami magbespren.

"Hindi siya gumagalaw, titignan ko kung ano nangyari," sabi niya at umalis na after magbigay ng warning about sa gagawin niya if ever my gawin ako kay Eri.

"Warzone! Nasa warzone tayo!" reklamo ko sa papa-alis na siya.

Soria: World's GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon