Chapter 143

1K 43 0
                                    

Nakahanap na kami ng posada nang matiwasay, iyon sana ang gusto kong sabihin pero sinubukang dukutin si Lulu, na nagtapos sa pagkawala ng mga kamay nila matapos bunutin ni Lulu ang twin blade <Hati&Skoll>.

"Haah..." buntong-hininga ko "kailangan ko nang isiping isang matanda si Lina at Lulu, kaso pag-ginawa ko yun, lalabo na ang description ng bata, para sakin."

"Then, kuya, aakto na lang ako bilang bata," sabi ni Lulu na may ngiti sa mukha.

"Wag na lang," sabi ko "maituturing kitang bata, usapan ay usapan, matanda na kayo," dugtong ko "at ibig sabihin din nun, hindi na ako magpipigil," sabi ko at nakitang tumigas ang katawan nila at tinitigan ako "mauutusan ko na kayong pumatay ng tao, matanda na kayo eh," sabi ko.

"Kuya, ano yung sinasabi mo kanina na ayaw mong pumatay ng inosente," sabi ni Lina.

"Ayaw ko nga, pero sa giyera, kung hindi ka papatay, ikaw ang mamatay, ang nais kong iparating sa sinabi kong mauutusan ko na kayong pumatay, ay maisasali ko na kayo sa giyera."

"Ano po ba balak mo kuya kung hindi?" tanong ni Lina.

"House-sit," sagot ko "doon lang kayo sa may kampo."

"Oo nga pala, bukas, lilibutin natin ang buong kapitolyo," sabi ko "at dahil tiwala akong kaya niyong protektahan ang sarili niyo, maghihiwahiwalay tayo, hahanapin natin ang base ng Dark Carnage."

"Dark Carnage?" tanong ni Lulu "yung guild ni master Noire?"

"Oo, pero Mountoria branch," sagot ko.

"Kuya, maari ko bang kunin yan as libre kaming gawin ang gusto naming gawin?"

"Oo, pero lie-low, andito si Cecile, Envy, at Rhozanse," sabi ko.

"Okay," sabi nilang sabay.

Kinaumagahan, matapos mag-almusal ay agad naming nilibot ang siyudad, medyo masarap ang pagkain dito sa kapitolyo, at medyo maayos naman, kahit papaano, tatlo pa lang ang nababalian ko ng kamay. Sa paglilibot ko ay namimili na rin ako ng mga halamang gamot, ilang ore, at kung ano-ano pa.

"Maari bang malaman kung sino ka?" tanong ko sa isang nilalang na nagtatago sa may dilim nang maglakad ako sa isang eskinita.

"Guhehehe," tawa ng nilalang "ako ang bise-presidente ng Dark Carnage."

"Great, hinahanap ko rin ang himpilan niyo," sabi ko at humarap sa nilalang, isa siyang dwarf na may eyepatch, nakasuot ng purong leather armor at sa bewang niya ay dalawang kutsilyo.

"Guhehehe, sumunod ka," sabi niya.

Dinala ako ng lalaki sa isang liblib na lugar sa unang tingin isa iyong simpleng tavern, dumiretso siya sa may pinto at kumatok ng 3-2-4-1. Bumukas ang silipan sa may pinto at sinabing

"Sino ka at ano ang iyong kailangan,"

"Ako si <Shadow Cat> at nais kong kumain ng <sorbetes> para sa dalawa yung kasama ang panghimas sa isang alagang <Dragong Asul> at <Kalapating Itim>," sagot ng kasama ko at bumukas ang pinto at pinapasok na kami.

Dinala kami ng gatekeeper sa isang silid at nakita ko doon si Nekone kasama si Galice.

"Yo," bati ni Galice.

"Musta," sabi ko at nakitang umalis na ang dalawang naghatid sakin dito.

"Ayos naman, oo nga pala, gumawa ka ng codename," sabi ni Galice.

"Bakit?" tanong ko.

"Para alam nila ang itatawag sayo, sample, ako ang <Dragong Asul>," sagot ni Nekone.

"<Fire Bird>," sabi ko.

"Okay, Fire Bird," sabi ni Galice.

"Ikaw lang mag-isa?" tanong ni Nekone.

"Sa ngayon, pero nasa kapitolyo din sina Lina at Lulu," sagot ko.

"Okay, anong balak mo dito?" tanong ni Nekone.

"Sinamahan ko lang si Hephaestus," sagot ko.

"Ang tagapangalaga ng lupa," sabi ni Galice "asaan siya?"

"Somewhere sa capital, sasali siya sa patimpalak," sabi ko.

"I see, may pasasalihin din ako doon, kailangan kasi natin ng espiya," sabi ni Galice "oo nga pala, si Lulu yung dwarf diba? Asaan siya?" tanong niya.

"Nag-gagala," sagot ko hindi pinapansin ang sinasabi ni Nekone na 'dwarf si Lulu?!'

"Pasalihin mo din, mabuti na ang may back-up tayo," sabi ni Galice "on second thought, wag na lang, baka mamaya mapano pa yun, <Night Walker>," tawag niya at mula sa likod ni Galice ay isang lalaki ang lumapit "hanapin mo si <Dark Templar>, siya ang back-up, tertiary back-up si <Sleepy Dog>."

"Masusunod," sabi ni Night Walker at umatras at hindi ko na maramdaman ang presensiya niya.

"Wag ka magulat, isang assassins guild ang <Dark Carnage> dito sa <Mountoria>," sabi ni Galice.

"Nakikita ko nga eh," sabi ko.

Nang makabalik ako sa posada ay nasa kwarto na sina Lina at Lulu, nagkukuwentuhan.

"Nakita ko na yung guild house," sabi ko "dadalhin ko kayo doon bukas."

Kinaumagahan, first thing in the morning ay dinala ko sila sa may guild, at ang code name nila ay: <Snow Owl> kay Lina at <Black Wolf> kay Lulu.

"Hmm... so ang kailangan lang namin gawin ay info gathering, ano-anong info ang kukunin namin?" tanong ko "banned ako sa may palasyo at alam mo na, andoon si Cecile."

"Hmm, alam ko na ang gagawin mo," sabi ni Galice.

"Ano yun?" tanong ko.

"I-mapa mo ang buong siyudad at nang mailaan ko ang lahat ng guild member sa info gathering," sabi niya "isama mo na rin ang mga route na gagamitin, at ang mga madadaanang bayan at baryo, kailangang pagkatiwalaan na nila kayo ng army niyo."

"Okay, after naming mamapa ang buong siyudad, didiretso na kami sa mga madadaanang baryo at bayan," sabi ko at umalis na at nagdiretso sa isang general merchandise, bibili ng mga papel at panulat nang maiguhit ko ang street map ng siyudad mula sa <Map> ko.

Agad kong ginuhit ang mapa ng buong siyudad, at dahil hindi ako magaling mag-drawing inulit-ulit ko iyon hanggang sa maging isang perfect copy na, pero nagsayang ako ng halos libong papel.

"Lulu, pakibigay 'to kay Galice," sabi ko at inabot ang mapa kay Galice at ang isang kopya ay itinabi ko for future reference, "Lina, tara at maghanda, pupunta tayo sa ibang bayan for the groundwork."

"Okay," sabi ni Lina at lumabas na kami at namili ng mga kakailanganin para maging maganda ang relasyon namin sa mga village chief at town mayor.

Ang preparation ay aabutin ng limang araw bago matapos, kaya sa loob ng limang araw na iyon ay hinanap ko si Hephaestus at nakita siya, kausap ang isang babae na agad kong tinaguan ng makita ko.

'Galice,' tawag ko through connect 'nakita ko si Cecile kausap si Hephaestus, anong gagawin ko?'

'Kung hindi ka pa nakikita, retreat na, mahirap na baka makita ka pa,' sabi ni Galice kaya agad akong umalis pero nagbigay ako ng huling tingin bago umalis at nakita si Rhozanse sa may likuran ni Hephaestus at bigla siyang sinuntok sa dibdib kung saan tumagos ito at nakita kong nasa kamay na ni Rhozanse ang puso ni Hephaestus, may binulong si Rhozanse kay Hephaestus bago pinisa ang puso niya at nang alisin na ni Rhozanse ang kamay sa katawan ni Hephaestus ay agad silang umalis matapos kuhain ni Rhozanse ang katawan ni Hephaestus.

'Galice, bagsak na ang tagapangalaga ng lupa,' ulat ko 'sorry, biglaan, hindi ako naka-kilos.'

'Bumalik ka na dito,' sabi ni Galice sakin na agad kong ginawa.

Soria: World's GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon