Chapter 155

956 42 0
                                    

Lumipas ang ilang araw, madali lang ang production ng black board, chalk ang mahirap kaya pinalitan ko na lang ng «Limestone», sikreto lang kung saan nagmula ang stone pero dinudumi iyon ng isang «Lime Wyvern» kaya never ko ng hahawakan ang limestone, sana ata hindi ko na tinanong si Calyx na siyang tumanggap ng request ko.

A total of 20 ang nahanap ni Lyfa, lahat marunong magsulat at magbasa ng lahat ng language, dalawa sa bente ang walang production skill kaya sila ang itatalaga kong mga gurong magtuturo sa pagsusulat at pagbabasa, the rest ay teacher na ng mga production class; inilagay ko din doon si Lili para maturuan sila ng self-defense.

"Haah... now okay na, wala na akong —"

"Mark, nakatanggap ako ng ulat na nagbabalak ng revolt ang simbahan," sabi ni Lyfa kaya napa facepalm ako.

"Ahh, Lyfa, kulang na ako sa Lyfanium, yakapin mo ako," sabi ko at napangiti siya.

"Hindi ako makukuntento sa yakap lang," sabi niya.

"Ikaw itong nagsabing wag muna diba?" sabi ko.

"Bahala na," sabi niya at sinara na ang pinto at lumapit sakin.

****************************************************************

"Oi, ano yung narinig kong may nagbabalak ng revolt ang simbahan?" sabi ko nang pumunta ako sa palasyo.

"Ah, tulad ng sinabi mo, nagbabalak nga sila, sinasabi nilang peke ka lang at hindi totoo dahil hindi ka daw nagpapakita sa kanila," sabi ni P-knight.

"I see... asaan sila ng masipa ko!" sabi ko.

"Oi— well, meron namang tala na isang tyrant ang fire guardian, pero sure ka?" sabi niya at natigilan ako.

"Suppression through fear? Wag na lang," sabi ko.

"Then anong gagawin mo?" tanong ni P-knight "hindi hawak ng palasyo ang simbahan."

"Hmm... nakaka-asar naman," sabi ko "late gamer, ngayon lang umepal after nung mga pinaggagawa ko."

"Well, ang latest ay lupain ng <Mountoria> so of course, iisipin nilang ginagamit lang ng palasyo ang pangalan mo," sabi niya kaya napabuntong-hininga ako.

"Haah... simbahan vs gobyerno, kahit saan atang mundo, nag-aaway sila," sabi ko.

"Oo nga pala, miyembro ng fire guardians faith ang hari," sabi ni P-knight.

"Hmm..." sabi ko "ah! Tama! I-name change natin ang simbahan, tutal naman alam namin ang true history," sabi ko.

"True history?" tanong ni P-knight kaya ikinuwento ko sa kanya ang tunay na kwento.

"Wow... hindi ko alam na ganun pala ang tunay na history, while all those times, iniisip namin na si Noir ang pumatay sa limang first gen," sabi ni P-knight.

"No wonder, nag-iba siya ng pangalan," bulong ko at napabuntong-hininga "sino ang pope ng fire guardians faith?" tanong ko.

"Anong gagawin mo?" tanong niya.

"Mag-uusap lang naman kami," sagot ko.

"Bakit pakiramdam kong ibang meaning ng mag-uusap mo?" sabi niya.

"Imagination mo lang yun," sabi ko.

"Sana nga imagination ko lang," sabi niya.

****************************************************************

Nang malaman ko na kung ano ang pangalan ng pope ay agad akong nagtungo sa may simbahan. Maraming tao doon, specially mga werebeast at elf.

Eh? Ano meron? Di ba dapat ang sinasamba nila ay ang forest guardian at water guardian?

"Anong kailangan mo iho?" tanong ng isang pari.

Ah! kilala ko itong pari na 'to, siya rin yung nagtanong sakin nung una akong magpunta dito.

"Ah, nagtataka lang ako, ang daming mga werebeast at elf," sabi ko.

"Sinasamba nila ang tagapangalagang apoy dahil ayon sa kanila sinagip sila ng tagapangalaga," sabi ng pari at namukhaan ko ang isang werebeast, yung iniligtas ko noong unang punta ko sa <Nocturia>, nakita ko rin ang isang elf, yung sinagip ko dun sa illegal brothel sa may <Hydroria>.

'Anong ginagawa nila dito?!' sabi ko sa isipan.

"Ikaw, iho, iniligtas ka din ba ng tagapangalaga at ngayon ay mananalig ka na at hindi sa Roman Catholic na sinasabi mo?"

"Ah, tanda mo pa pala ako," sabi ko at napangiti "nope, devoted follower ako, besides hindi mo nga alam ang tunay na history."

"Tunay na history?" sabi ng pari "alam ko ang tunay na history."

"Then, ikuwento mo," sabi ko at kinuwento niya sakin ang fake history "mali ka," sabi ko, hindi na siya pinatapos at ikinuwento ang tunay na history.

"Hindi ako naniniwala!" sabi ng pari.

"Hindi kita pinipilit," sabi ko at tumalikod na "oo, nga pala, pari ka diba? So dapat alam mo kung anong singsing ito," at pinakita ko ang singsing na suot ko at umalis na with a satisfied look dahil sa nakalaglag-pangang expression ng pari.

****************************************************************

"Aahh... what a tiring day," sabi ko at naupo sa sofa sa may salas.

"Mark," tawag ni Mimir at naupo sa tabi ko.

"Ano yun?" tanong ko.

"Hindi ka nagkukulang sa Mimirnium?" tanong niya.

"Hinde," sagot ko at inunanan ang hita siya "pero sa Mimirin, oo, nagkukulang ako."

"Wag mo isiping patutulugin kita mamaya," bulong ni Mimir sakin.

"... ... ... Do it moderately, goal niyong magpalevel hanggang sa hindi na ma-read ng world system ang stats niyo diba?" tanong ko at ngumiti lang si Mimir.

Seriously... ano meron sa kanila? sabi nila wag muna tapos ngayon... haah... maybe... in estrus?

Soria: World's GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon