Chapter 82

1.4K 86 2
                                    

Nakapalibot kami sa brothel, natatago sa dilim. Kasama naming lulusob ni Nekone sa loob ay tatlo sa elite ten, lima naman ang mananatiling bantay sa labas para sa maaring dumating, si Princess at Lunaria naman kasama ang dalawa sa elite ten ang bahala sa rescue at transport sa mga bihag patungo sa rendevouz point namin ng tatay ng informant.

"Pumasok na si Lunyar," ulat ni Nekone na minamatyagan ang loob gamit ang pamilyar.

"... Merong trentang bago," sabi niya "pinasok na nila sa isang kwarto."

"Game na?" tanong ko kung papasukin na namin ang loob.

"Wait, tinipon niya ang lahat, makikinig muna ako," sabi ni Nekone.

"What the! Pasukin na!" utos niya kaya agad kong sinipa ang front door at sa utos ni Nekone, dumiretso sa kinatutunguan ni Lunyar.

Naalarma ang mga empleyado pati na rin ang mga babae; may mga bumunot ng baril pero mas mabilis ako at ginamitan ang lahat ng binding spell.

"Well well well, ang pekeng tagapangalaga," sabi ng isang lalaki nang pumasok sa loob si Nekone.

"Lunyar," sabi ni Nekone sabay halukipkip "ba't mo ginagawa ito?"

"Para sa bansa, hindi mo syempre maiintindihan peke," sagot niya kaya ginamitan ko siya ng <Mind Reader> at agad na tinutukan ng espada sa leeg.

"Se-"

"Itigil mo ang mind chanting," utos ko kay Lunyar.

"Paano kung hinde?" tanong niya "<Unbind>!" sigaw niya at biglang nawala ang lubid na yari sa apoy na siyang pumipigil sa kilos niya at biglang tumakbo at tumalon sa bintana upang makatakas.

"Nekone, ikaw na ang bahala sa kanila," sabi ko.

"Kailangan natin siya ng buhay," sabi ni Nekone at napansin kong napahigpit ang kapit niya sa mga braso niya.

"Alam ko," sabi ko at agad na sinundan si Lunyar.

Madali kong naabutan si Lunyar ngunit bago ko pa siya mahablot ay bigla siyang nawala, literal na biglang nawala. Gumamit agad ako ng <Despell> sa pag-aakalang gumamit siya ng illusion magic ngunit hindi siya lumitaw.

"Tch, natakasan ako," sabi ko at kunot-noong bumalik sa brothel.

"Anyare?" salubong na tanong ni Nekone sakin pero tumango lang siya nang makita ang itsura kong nakakunot noo parin marahil ay nahulaan na niya na nakatakas si Lunyar.

"So ano ang revision?" tanong ko dahil baka sundan ni Lunyar ang mga babae.

"Sasabihan ko na lang sila na magtago-tago, of course kailangang niyang magpanggap na walang-alam," sagot ni Nekone tinutukoy ang tatay ng babaeng informant at ang mga kasama niyang tauhan.

"Ok, ikaw na ba ang bahala?" tanong ko at tumango siya.

"Kita tayo sa rendevouz point," sabi ni Nekone tinutukoy ang camp site kaya dinala/kinaladkad na namin ang mga empleyado patungo roon samantalang dinala na ni Nekone ang mga nailigtas sa meeting place.

Nang makarating kami sa camp site, nakita namin doon ang apat na karwahe na binabantayan ng dalawang retainer na agad umalis nang dumating kami. Agad naming pinasakay/hinagis sa karwahe ang mga nahuli at inantay si Nekone.

Sampung minuto ang lumipas matapos mapasakay ang mga bihag ay dumating na si Nekone kaya agad na kaming umalis. Gamit ang mahika ko, ni Nekone, at ni Lunaria, ay nagawa naming matago ang mga bihag sa mga nakakasabay namin sa daan gamit ang ilussion+silence spell combo upang magmukha silang mga bagahe.

Dalawang araw ang lumipas nang makarating kami sa bagong hideout, agad silang dinala sa selda nila at matapos mag-ulat kay Heneral Luna ay plinano na namin ang susunod na gagawin. Nilagay si Nekone sa pangangalaga ko kaya pinahiram ko sa kanya si Princess at Lunaria na ginawa niyang desipulo for unknown reason.

Soria: World's GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon