"So, eto yung lawa," sabi ko nang makarating kami sa may gilid ng lawa, alam ko dahil sa linaw ng tubig ay nakikita namin ang mga lupa, damo at kung anong halaman ang nasa ilalim ng tubig.
"Ang liit," komento ni Mimir dahil 5 meter radius ang estimang laki ng lawa.
"Paano natin tatawagin yung spirit kung totoo nga ang sabi-sabi," sabi ni Lyfa kaya napa-isip kaming tatlo.
"Mag-alay kaya tayo?" suhestiyon ni Mimir.
"Ano naman i-aalay natin?" tanong ni Lyfa.
"Uhm... bulaklak? Prutas?" patanong na sagot ni Mimir.
"Okay, tatawagin natin si harvest goddess," sabi ko referencing that farm game at napa-huh ang dalawa kong kasama "wala, wag niyo na lang akong pansinin," sabi ko at naglabas ng mansanas from <inventory> at inihagis iyon sa lawa.
Matapos ang tatlong segundo ay nagkaroon ng mga bula ang lawa at maya-maya pa ay lumabas mula sa tubig ang isang magandang babae, base sa kanyang itsura isa siyang teenager around 15-17 years of age, nakasuot siya ng katulad ng sa mga shrine maidens sa mga palabas, meron siyang kulay lilang buhok na umaabot hanggang bewang at kanyang ulo na nagmimistulang tiara ay isang wreath ng mga bulaklak.
'Lumabas nga si Harvest Goddess,' di ko mapigilang sabihin sa isipan.
"Ano ang aking maipaglilingkod o' mga manlalakbay," sabi ng babaeng may ngiti sa labi at bakas ng kaba sa mata.
"Ikaw ang spirit ng lawa?" tanong ko.
"Ako nga," sagot niya.
"Maari bang hupain mo na ang baha?" tanong ko "maraming ang hindi makadaan, kung may problema ka at ginagawa mo ito ay tutulungan kita."
"Ahh... ginawa ko iyan dahil nais kong mamahinga ng tuluyan dahil sa walang nag-aalay sakin at humihingi ng tulong," sagot niya.
"Huh?" sabay-sabay naming sabi kaya inulit ng lake spirit ang sinbi niya.
"Okay, please paki-paliwanag," sabi ko.
"Isa ako sa mga nananahan sa <Arun Village> limang dekada na ang lumilipas," sabi niya "nang i-alay ako sa lawa, napagdesisyunan nang ako ang hahalili sa naunang espirito kaya matapos niyang ibigay ang kapangyarihan niya sa akin ay naglaho na siya, nagkaroon ako ng kapangyarihan na pangalawa lamang sa mga tagapangalaga ngunit kapalit noon ay hindi ako maka-alis, at para matugunan ang hiling ng mga aking kabaryo ay inalis ko ang baha, sa loob ng unang dekada nang palitan ko ang nauna sa akin, laging nag-iiwan ang aking mga magulang, kapatid at kasintahan ng mga bulaklak ngunit hindi ko magawang magpakita sa kanila dahil hindi nila hinahagis sa lawa."
"Wait, ibig sabihin humihingi ka lang ng kapalit? Bakit?" tanong ni Lyfa.
"Dahil sa nababagot na ako at wala akong magawa o maka-usap man lang dahil sa walang nag-aalay ng tama," sagot niya.
"Ano ang mga kaya mong gawin?" tanong ko.
"Kaya kong: bigyan enerhiya ang lupang taniman upang mas maging malusog ito at magbigay ng maraming ani; magbigay tulong sa mga namomroblema sa pag-ibig; magpagaling ng kahit anong sakit; marami pa ngunit ang sabi ng nauna sakin iyan ang madalas kong gagawin hindi siya sigurado dahil hindi siya inalayan simula ng maging espirito siya hanggang sa mapalitan ko, pero tinuro niya naman kung paano ko gagawin iyon," sagot niya.
'... Harvest Goddess nga,' sabi ko sa isipan "so dahil sa bored ka na naghanap ka na ng makakapalit?" tanong ko "mawawala ka diba?"
"Kesa naman sa mabagot ng ilang libong taon tulad ng sa pinaka-unang espirito ng lawa," sabi niya kaya napabuntong-hininga ako.
"Paano kung ituro kong mag-alay sila sayo-"
"Nag-aalay sila! Pero mali! Iniiwan nila sa tapat ng lawa tapos pag-alis nila kinakain ng mga maliliit na halimaw kaya iniisip nilang ako ang may gawa!" putol sakin ng babae.
"Okay, kalma, ituturo ko ang tamang pag-aalay sa kanila nang hindi ka na mabagot kaya pwedeng hupain mo na yung tubig?" sabi ko.
"Ayoko! Gusto ko ng mamahinga!" sabi niya na medyo kina-inis ko kaya nilublob ko ang kanang kamay sa lawa.
"Anthony?" sabi ni Lyfa.
"A-anong ginagawa mo?!" sabi ng babae nang kumulo ang tubig sa lawa.
"Inaalis ko yung tubig, sabi mo gusto mo na mamahinga diba kaya pinapakuluan ko nang maging vapor at kumalat sa hangin," sagot ko.
"Hah! Tanging tagapangalaga lang ang makakagawa niyan," sabi ng babae na para bang nanghahamak.
"Talaga? Then good," sabi ko at pinalakas ang apoy sa kamay na dahilan ng pagkulo.
Sumigaw ang lake spirit kasabay ng pagkawala ng kalahati ng tubig sa lawa at pagiging transaparent ng lake spirit.
"What a logic breaker," sabi ko dahil imbis na umagos pabalik ang tubig sa lawa dahil sa kakulangan ng tubig ay nanatili iyon sa may lupa.
"P-paanong," sabi ng lake spirit kitang-kitang ang takot sa mga mata, hinawakan niya ako sa may ulo kaya agad na itinutok nina Lyfa at Mimir ang hawak sa spirit.
"... Ikaw ang ..." sabi ng spirit.
"Yes, isa akong tagapangalaga, now susunod ka ba o hinde?" tanong ko at pina-apoy uli ang kamay handang magpakawala ng isang malakas na <Fireball> para tuluyan ng mag-evaporate ang tubig sa lawa.
"T-teka saglit, susunod na ako, susunod na ako! Ayokong maglaho ng dahil sa naglaho ang tubig sa lawa, masakit!" sabi niya at biglang umagos pabalik ang tubig sa lawa kasabay ng pagkawala ng transparency ng spirit.
"Hmp, next time alamin mo kung sino kausap mo," sabi ko, umaarteng galit para sumunod sakin "oo nga pala, huwag mong subukang magpabaha uli, sasabihin kong naghahanap ka lang ng kapalit kaya pipigilan ko yung pag-aalay nila ng mga babae," dugtong ko "tara na!" sabi ko kina Lyfa sabay talikod at alis.
"Phew..." buntong-hininga ko matapos makalayo "hirap umarte," reklamo ko kaya napahagikhik ang dalawa "kayo na ang bahalang magpaliwanag, ayokong mainis kung ipagpilitan nila."
"May mga taong ipagpipilitan ang human sacrifice?" tanong ni Mimir.
"Sa pinang-galingan ko meron," sagot ko 'sa mga movies and novels at least,' dugtong ko sa isipan.
Nang makabalik kami sa may kweba, agad naming tinungo ang village chief at sinabi nina Lyfa at Mimir ang mga nangyari at kung paano masosolusyunan amg problema, sinabi rin nila kung anong meron sa lawa kaya nagtungo ang buong village doon upang mapatunayan kung totoo nga ang sinasabi namin at napag-alaman namin na yung village chief ay ang kasintahan ni lake spirit at ang napiling sakripisyo ay ang apo ng kapatid niya kaya tumangi na siya nung sinabi ni Lyfa sa alok na kapalit, at kung ano na ang mga sumunod na nagyari, hindi ko na alam dahil nagpatuloy na kami sa paglalakbay.
BINABASA MO ANG
Soria: World's Guardians
FantasyMark Anthony Sevilla, your average guy, ay pinatay at napunta sa ibang mundo, at doon ay... This story is just a light-dark story with a weak storyline(?). The first chapter(book) of the Administration Series ...