Nang makalabas ako ay agad kong tinawagan sina Lyfa at Mimir para sa estado nila at napag-alamang gumagawa sila ng ruta palabas ng bayan dahil hindi na pwede pang tirahan ang bayan dahil sinumpa na ang lupa at magbubuhay ng mga undead.
Matapos ang mapatay ang linya kina Lyfa ay nakatanggap ako ng mensahe mula kay Luxerra, tinatanong kung anong gusto kong pasalubong kaya sinabi kong lahat na ayos na buto.
"Sorry, dragon bone powder na lang makukuha mo, wait, may isa— dalawang butong ayos pa, femur at isang rib bone," sabi niya.
"Okay, pasama na lang din yung bone powder," sabi ko dahil baka may pag-gamitan ang bone powder.
"Okay," sabi ni Luxerra at pinatayan na ako ng linya.
Nilagyan ko ng firewall ang mga dadaanan ng mga shrine maiden at nang maalala ko ang batang sinagip ay tinawagan ko sina Lyfa at sinabihang magtanong kung may naghahanap ba ng batang apat na taon at sinabi ko narin ang suot ng bata.
'Okay, gagawin namin yan,' sabi ni Lyfa.
Nang matapos akong gumawa ng daan hanggang sa baba ng shrine ay bumalik ako na ako sa may shrine.
"Saan na kayo pupunta?" tanong ko sa head maiden "sa guild o sa labas na ng bayan since hindi niyo na matitirahan itong bayan," sabi ko at napatingin nang makitang may humihila sa laylayan ng suot kong coat.
"Kuya, hahanapin natin si mama diba?" tanong ng batang sinagip ko.
"Sinabihan ko na ang mga kaibigan ko at hinahanap na nila ang mama mo," sabi ko sa bata "sorry pero, saglit na lang ha."
"Mahal na tagapangalaga," sabi ng head maiden "nais naming makatulong sa iyo, kaya napagdesisyunan namin kanina habang ikaw ay gumagawa ng ruta na sumama sa iyo kahit saan ka magpunta."
"Teka lang saglit," sabi ko "alam mo ba ang sinasabi mo?" tanong ko "masyadong delikado kung sasama kayo sakin."
"Alam namin kaya ginawa namin ang iyong suhestiyon, at sinabi nilang gusto nilang sumama sa iyo," sabi niya.
"Totoo ba?" tanong ko sa mga shrine maiden na agad sumang-ayon kaya bumuntong-hininga ako dahil desisyon nila yun kaya wala na akong magagawa kundi siguraduhin na hindi magiging sobrang delikado ang paglalakbay para sa kanila "fine, pagtapos nito, babalik na ako sa kapitolyo, doon magsisimula kayong magsanay sa pakikipaglaban, galingan niyo dahil iyon ang proprotekta sa inyo, madami kayo kaya hindi ko kayo lahat mapoprotektahan."
"Okay!" sabay-sabay nilang sabi kasabay ng pagtawag ni Mimir.
"Mark," sabi niya.
"Ano yun?" tanong ko.
"Bad news," sabi niya at nahihinuhan ko na ang susunod na sasabihin niya "walang naghahanap sa bata, at ayon sa town mayor, madami ang mga naitalang patay kaya..."
"Sabihin mo na," sabi ko.
"Kaya, marami ang mga naulila, kinakausap na ni ate ang mayor sa kung ano ang mangyayari, pero... parang hindi nila aalagaan ang mga batang naulila dahil sa nangyari," sabi niya.
"Tulad ng inaasahan ha," sabi ko sabay buntong-hininga "maglagay ka ng notice dahil baka may nagtago lang sa mga ibang bahay na kukupkupin ko lahat ng naulila."
"Tulad ng inaasahan, kaya sobrang mahal kita kahit nakakatakot ka pag-galit," sabi niya at pinatay na ang linya at tinignan ko ang mga bata at ang head maiden.
Binulong ko sa head maiden ang mga nangyari at ipinaubaya na sa kanya ang pang-aalo sa bata.
Malumanay kong sinabi sa bata ang mga nangyari, at bago pa ako matapos at masabi na baka nagtago lang sa ibang bahay ang mama niya ay umiyak na siya at bigla siyang niyakap ng head maiden, inaalo.
BINABASA MO ANG
Soria: World's Guardians
FantasyMark Anthony Sevilla, your average guy, ay pinatay at napunta sa ibang mundo, at doon ay... This story is just a light-dark story with a weak storyline(?). The first chapter(book) of the Administration Series ...