Chapter 55

1.7K 110 1
                                    


Nang makabalik kami sa kapitolyo ay agad kaming sinalubong ni Princess.

"Mahal na tagapangalaga, ipinapatanong ng mahal na hari na kung ikaw raw ba ay handa na," tanong niya.

"For recon? Oo handa na ako," sabi ko "pero nais ko munang turuan pa si Mimir, bigyan ng oras upang ihanda ang sarili."

"Bakit? Handa na ako," sabi ni Mimir.

"Nagawa mo na bang kumitil ng buhay ng isang tao?" tanong ko at napatigil siya.

"May civil war ang Hydroria, at pinanigan natin ang lumang reyna kaya naman kailangan mong isipin na kikitil ka ng buhay ng isang tao," sabi ko.

"Alam mo, hindi lahat ng ginagawa ko, kaakit-akit," sabi ko "minsan, kailangan kong kumitil ng buhay."

"T-then..."

"Wag mo pilitin ang sarili mo, maiwan ka nalang dito," sabi ni Lyfa "nung kelan ka lang naging isang adventurer," sabi niya.

"Aalis na ba?" tanong ko kay Princess.

"Opo, pupunta tayo sa port city sa may kanluran at pupunta sa may Hydroria," sabi niya at tumango ako.

"Tara na, teka, pinag-aralan niyo ba yung mga anti-mage magic na tinuro ko?" tanong ko sa kanya dahil ang grupo niya ang makakasama namin.

"Opo, pinag-aralan na namin ang <Mana Burn>, ang <Silencio> at pati na rin ang <Mana Channel>," sagot niya "ngunit kahit pinag-aralan na namin iyon, wala pang perpektong nakakagamit ng <Mana Burn>."

"Okay, sapat na ang <Silencio> kung isa lang ang kalaban," sabi ko at naglakad na kami patungo sa palasyo.

****************************************************************************************

"So, kelan tayo aalis?" tanong ko kay reyna Emeralda nang makasalubong namin siya sa palasyo.

"Bukas na bukas rin," sagot niya.

"I see... than Lyfa, alam mo na gagawin mo," sabi ko at ibinigay sa kanya ang <Storage Ring> ko.

"Tara Mimir, samahan mo ako, at may kailangan din tayong pag-usapan," sabi ni Lyfa at hinila ang kakambal.

Pagka-alis nila ay pumunta kami sa meeting room, yung ginamit namin noong <King Goblin> incident, at doon nakita ko ang hari, at ang iba pang heneral.

"Okay, magsimula na tayo," sabi ng hari at lumapit sa lamesa na may mapa ng Floria at mapa ng Hydroria.

"Teka, may extrang mapa ba kayo ng Hydroria?" tanong ko at ibinigay sakin ng isang prinsesa ang isang mapa "andyan ka pala?" sabi ko na nginitian lang ako at bumalik sa puwesto niya.

Tulad ng sa dati, nang hawakan ko ang mapa ay kusang nag-update ang <Map> ko at isinama na doon ang Hydroria na nakapuwesto sa kontinente ng amerika, earth world map standard.

"Okay, game, updated na yung mapa ko," sabi ko at tumango ang hari.

"Ang plano ay paunahin ang reconnaissance team sa pamumuno ni Mark," sabi niya "ang mga miyembro ay si Prinsesa Lyfa, si Prinsesa Mimir, si Prinsesa Princess, at ..."

"Ako, si Lunaria, ang ikalawang prinsesa ng Hydroria," sabi ng babaeng nag-abot sakin ng mapa.

"... Teka, ba't lahat prinsesa?" tanong ko kay P-knight na nasa tabi ko lang.

"Hindi ko alam, wag akong tanungin mo," sabi niya "Mahal na hari, ba't lahat daw prinsesa!" sabi niya.

"Hoy!" sabi ko.

"Nagkataon lang," sagot ng hari "awtomatikong kasama mo si Lyfa at Mimir na Prinsesa ng Nocturia; si Princess naman ang magsisilbing bantay niyo, kahit siya ang unang prinsesa, magaling pa rin siya sa mahika; at si Prinsesa Lunaria naman ay magaling sa mga ilusyon dahil meron siyang mahikang liwanag."

"Pero seryoso, ba't lahat babae?" tanong ko at tinignan na ang status ko at seryosong hinanap ang dahilan sa mga titulo ko dahil baka nandodoon iyon.

"Mamaya ka na maghanap at makinig sa pagpupulong," saway ni P-knight.

"Ba't bad trip ka ngayon?" bulong ko sa kanya.

"Nagoyo nanaman si Adelaide sa isang damit, akala niya <Robe of Light> na ang nabili niya, replika lang pala," sabi ni P-knight at naimahe ko ngang mangyayari iyon "makinig ka na sa pagpupulong."

"Ngayon, sa oras na makarating kayo sa Hydroria, ang una niyong pupuntahan ay ang bayan ng," sabi ng hari at may tinuro sa mapa ng Hydroria "<Oceanus>."

"Anong gagawin namin doon?" tanong ko.

"Alam na ni Lunaria ang gagawin sa oras na naroon kayo, ang kailangan lang ay manatili kayong tago at kahit anong mangyari, hindi kayo kikilos," sabi ni reyna Emeralda.

"Anong dapat naming asahan sa oras na tumuntong kami roon?" tanong ko at hindi na makasagot ang reyna, gayun na din si Lunaria "okay... I'll expect carnage and chaos."

"Salamat sa iyong pag-intindi," sabi niya at yumuko.

"Ngayon, meron ba kaming dapat hanapin sa lugar na iyon?" tanong ko.

"May base ng mga queen Emeralda faction sa bayan na iyon, doon kami patungo sana nang mahuli kami ng mga mang-aalipin," sabi ni Lunaria.

"Then yun yung magiging base of operation namin?" tanong ko.

"After non, ipapadala na namin ang vanguard, consisting of Xian and Mira," sabi ng hari.

"And us?" tanong ni Calyx.

"Kung sakaling malaman nila na tinutulungan natin ang reyna Emeralda, maaring sumugod sila dito at kayo ang sasagupa sa ipadala nila," sagot ng hari at tumango sina P-knight at Calyx.

"Pwede naman kaming magdala ng <Chirtso> 'di ba?" tanong ko.

"Sana nga, pero walang <Chirtso> sa Hydroria kundi mga <Oyabak>," sabi ni reyna Emeralda.

"Ano itsura?" tanong ko dahil wala iyon sa librong nabasa ko.

"Isa itong halimaw na ginagamit sa sasakyan at panghila sa mga kariton tulad ng <Chirtso>, meron itong isang sungay sa may noo at sinasabing ang kauna-unahang <Oyabak> ay kayang manipulahin ang kidlat," sagot ni Lunaria sa tanong ko.

Marami pa kaming mga pinag-usapan at nang matapos ay agad na akong lumabas at nakita sina Mimir at Lyfa sa may gate ng palasyo kaya kasama sila, ay pumunta kami sa kainan na pinagtratrabahuhan ni Sophia at matapos kumain ay bumalik na kami sa posada at doon ko sinabi ang mga pinagpulungan namin.

"Maaga nanaman tayong aalis niyan siyempre," sabi ni Lyfa na tinanguan ko.

"Gaano kaaga?" tanong ni Mimir na para bang may insight na sa mangyayari.

"Sinabi ko sa kanya ang nangyari nung patungo tayo ng Nocturia kaya may alam na siya... kahit papaano," sabi ni Lyfa.

"Okay, thanks Lyfa, at Mimir sa oras? Dapat bago sumikat ang araw, gising na tayo at nakapaghanda na," sagot ko.



Soria: World's GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon