Chapter 136

1K 39 0
                                    

"Uulitin ko, mag-respetuhan kayo ng opinion, specially ikaw, Nekone," sabi ko.

"Okay," sabi niya.

"Oh, napadalaw ka," sabi ni Hephaestus ng makita ako "sila ay?" tanong niya nang makita sina Nekone.

"Ang nangangalaga sa gubat at tubig," sabi ko.

"Pasok muna kayo," sabi niya sabay bukas ng pinto.

"Aalis ka ba?" tanong ko.

"Oo, bibili sana ako ng ilang mga materyales at may nagpagawa sakin ng espada," sabi niya habang naglalagay ng tubig sa isang takure at ilang dahon.

"Ako na," sabi ko at naghagis ng isang maliit na apoy sa kalan na nagpaliyab sa mga gatong na naroroon.

"Salamat," sabi niya at gumawa ng dalawang upuan na yari sa bato.

"Wow... nagagawa mo na yan," sabi ko.

"Ah, oo, nang matuklasan ko na ako ang nangagalaga sa lupa, napagtanto kong nakokontrol ko ang mga lupa," sabi niya "maupo kayo," sabi niya kina Celine na agad naupo.

"Hayaan niyo akong magpakilala, ako si Eric Montres, pero tawagin niyo na lang akong Hephaestus," pakilala niya "isa akong engineer ng militar sa mundo ko, at ayokong bumalik doon," sabi niya kaya napatingin lang si Nekone.

"I see..." sabi ni Celine "Pangalan ko ay Celine Montemayor, Celine na lang ang itawag, isa akong simpeng college student sa mundo ko, di ko alam kung makakabalik ako sa mundo ko o hinde kasi namatay na ako."

"... Nekone, isang cosplayer, Industry name ko ang Nekone, at gusto kong makabalik samin dahil sa mga kaibigan at pamilya ko," sabi ni Nekone "maari bang malaman ang dahilan kung bakit ayaw mong bumalik?"

"Wag ka magagalit, si Sevilla, bahagyang nainis nang ikuwento ko ang mundo ko," sabi niya.

"Promise," sabay nilang sabi kaya kinuwento na ni Hephaestus ang mundo niya, at habang nagkukuwento ay hinahainan niya kami ng tsaa.

"C-corrupted," sabi ni Celine nang matapos ang kwento niya.

"Naiintindihan ko kung bakit ayaw mong bumalik pero... what if kung isang requirement na para makabalik ang isa ay kailangan lahat tayo ay babalik? I mean, sa mga manga and light novels ganun ang catch," sabi ni Nekone.

"Manga? Light novel? Ano yun? For sure hindi prutas yung manga," sabi ni Hephaestus.

"Yung manga, isang uri iyon ng comics na gawa sa bansa ng japan, at ang light novel mga novels sa japan na nahahati sa mga volumes basta isang buong novel na hinati-hati sa mga ilang parte known as volumes," paliwanag ni Nekone.

"Japan... ibig sabihin sa mundo mo buhay pa ang bansang japan," sabi niya na ikinapagtaka ni Nekone, well, understandable dahil hindi niya sinabi ang estado ng mundo niya, sinabi niya lang mga nasa paligid niya pero hindi niya sinabi na wala na ang mga ilang bansa.

"Bakit? Paano mo nasabi?" tanong ni Celine.

"Sa mundo ko, matagal ng wala ang Japan, ayon sa history books, nasakop ang Japan ng Philippine Empire around year 3033, matapos pabagsakan ang bansa ng Nitrogen Bomb," sabi niya.

"Nitrogen? Baka Hydrogen?" sabi ko.

"Hindi, Nitrogen Bomb, ang nitrogen ay isang flammable gas, hindi ko alam kung paano sumasabog ang Nitrogen Bomb pero ang lakas ng bomba ay matindi pa sa hydrogen bomb, sabihin na lang natin na nung pinabagsakan ng pilipinas ang china nung year 3021, 15% ng populasyon ng china—"

"Ang namatay?" tanong ni Celine.

"Hinde, 15% lang ang nabuhay, pero nagtamo sila ng mga grabeng sunog na ikinamatay pa ng 7% nung mga natira," sagot ni Hephaestus "now balik tayo sa topic, galing ako sa year 4056."

"Sa taon na yun, tanging ang buong kontinente ng amerika, parehong north at south na lang ang hindi pa nasasakop ng Philippine Empire," sabi niya.

"... Wag na natin pag-usapan itong sobrang bigat na bagay na ito," sabi ni Celine "kung ganoon nga ang mangyari, majority vote na lang, tutal lima tayong hindi tagarito."

"Okay," sabi nila.

"Now then... dahil sa sabi mo na maaring may chance na bigla na lang ikaw ibalik sa mundo mo, kaya hindi mo aalagaan ang bansa mo diba?" sabi ni Nekone "pero kahit ganoon, maari bang malaman ang paraan ng pagpapalakas mo, yung tanging sayo lang."

"Okay ang method ko—"

"Teka saglit, Nekone, palit tayo, <Ancient Dragon Leather> sa <Raranoa Fiber> mo,"

"1:1," sabi ni Nekone.

"Wag na lang, bibili na lang ako ng tumpukan," sabi ko.

"Okay," sabi ni Nekone "tuloy mo na, Hephaestus," at sinabi na ni Hephaestus ang method niya "Mark! Trade, <Raranoa Fiber> to <Ancient Dragon Leather>, 50:1."

"No, thank you, bibili na lang ako ng tumpukan, kanina nakikipag-palit ako," sabi ko "bahala ka."

"Anthony, trade," sabi ni Celine "uhh... wala akong mai-trade!" sabi niyang puno ng paghihinagpis.

"Maari din bang malaman ang method niyo?" tanong ni Hephaestus kaya sinabi na nila Nekone ang kanila.

"Heh... <Copper Gauntlet>, STR +2," sabi niya.

"Ano na nga pala plano mo?" tanong ko "level 100 ka na diba?"

"Ah, balak kong maglakbay patungong kapitolyo," sabi niya "gaganapin na kasi ang taunang torneyo, kung saan ang pinakamalakas ang mananalo."

"I see," sabi ko "kelan alis mo?" tanong ko.

"Hmm... siguro pagtapos pa ng ilang araw, mag-iipon muna ako ng Gold," sabi niya.

"I see, then maari mo bang sabihin kung saan ang pinakamalapit na minahan?" tanong ko.

"Kahit saan na may bato," sabi niya.

"Huh? Paki-paliwanag," sabi ko.

"Sa <Mountoria>, mayaman ang mga batong materyal dito, ores, jewels, may mga langis nga din at uling," sabi niya.

"Ah... I see, bilang pasasalamat, kopyahin mo," sabi ko at inihagis ang <Flame Oveerseer's Gauntlet> sa kanya.

"Oh... Nice, <Fire Fist> skill," sabi ni Hephaestus matapos makopya at maibalik sakin ang guwantelete.

"Mauuna na kami," sabi ni Nekone at may pinindot sa hangin, ganun din si Celine kaya ginaya ko na rin sila, ang ilagay sa <Friend List> si Hephaestus.

"Aalis na kayo?" tanong niya.

"Oo, kailangan ko pang mag-handa at nagbabalak akong magpunta sa kapitolyo, pero dahil sa sinabi mong method, maghahanap ako ng materyal sa may <Dragon Valley>," sabi ni Celine.

"Ah, tama, sasama ako sayo papunta doon, papunta lang doon, pero pag-dating natin doon hiwalay na, after all,"

"First come, first serve!" sabay nilang sabi.

"In that case, isama niyo sina Mimir at babalik ako ng <Floria> bukas," sabi ko.

"Ah, oo nga pala," sabi ni Nekone at humarap kay Hephaestus "mauuna na kami."

Soria: World's GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon