Chapter 46

1.7K 108 2
                                    

"<Analyze>" gamit ko sa skill ng lumapag ang ibong halimaw isang metro ang layo samin pero walang lumabas na window tulad ng madalas mangyari.

"Lyfa, alam mo kung anong halimaw yan?" tanong ko kay Lyfa na umiling.

"Isang bagong halimaw," narinig kong sabi ni Eriole.

'Kaya pala walang lumabas,' sabi ko sa isipan dahil ang analyze ko ay nanggaling sa mga compilation ng mga kilalang halimaw.

"Celine, mamaya na tayo mag-duelo," sabi ko at binalik ang wand sa inventory at binunot ang espada sa likod-bewang.

"Oh, parehas tayo ng nasa isip," sabi niya at hinigit ang sinulid ng pana niya.

"Yung mga sagabal mag-tago," sabi ko tinutukoy ang mga sundalong paniguradong isang atake lang ay wala na pero walang nagtago sa halip ay lahat sila ay naghanda sa pakikipaglaban.

"<Regeneration>" sambit ni Lyfa at nabalutan kami ng enerhiya at kung ibabase sa pangalan ay magpapataas ng regeneration speed namin "<Power Up> <Defense Up> <Speed Up> <Elemental Resistance: All>" sunod-sunod na sambit ni Lyfa at sa bawat salita niya ay nababalutan kami ng enerhiya.

"<Weapon Enchant: Poison>" sabi ni Celine at nabalutan ng kulay lilang usok ang crystal na nasa pana niya.

"<Fire Shield>" sambit ko at nabalutan kami ng mga bolang apoy na umiikot sa paligid namin.

Nang sumigaw ang ibon ay napansin kong puno ng sugat ang katawan ng halimaw, marahil ay may lumaban na sa halimaw at tumakas lang.

"<Quadruple: Piercing Arrow>! sigaw ni Celine kasabay bitaw sa sinulid ng pana niya.

Apat na palaso ang kumawala sa pana ni Celine at ng mga tumama ang mga palaso ay tumagos iyon sa halimaw kaya napa-atras ito lalo na ng tamaan ang mga sugat.

Dali-dali akong sumugod at hiniwa ang buntot nito, hindi ko man nagawang maputol ang buntot ay nagawa kong basagin ang mga talim ng buntot nito na nagliwanag at hinigop ng singsing ko.

'Buti na lang tinuro ni Luxerra ang yung auto-loot,' sabi ko sa isipan kasabay ng pagside-step dahil sa wasiwas ng buntot ng halimaw.

"<Flame Slash>!" sambit ni Eriole at gamit ang nag-aapoy na espada ay hiniwa niya ang halimaw.

Sumigaw ang halimaw at ibinuka ang mga pakpak at ng dahil sa shockwave ay tumalsik kami ni Eriole. Ginamit ko ang <Flight> para mapigilan ang pagtalsik ko at sumugod uli.

"<Arrow Vulcan>!" sigaw ni Celine at nagpakawala ng palaso sa langit, maya-maya'y bumagsak ang ilang malalaking tipak ng yelong nahuhugis sa mga palaso na nagpaatras sa ibon ng tamaan at siyang ginamit ni Lyfa na tsansa upang magpakawala ng dalawang palasong magkasunod na tumama sa pareho nitong pakpak.

Sumigaw ang halimaw at nagsimulang may maipong enerhiya sa paligid niya.

"LAYO! AOE SKILL!" sigaw naming pareho ni Celine at nang sumigaw uli ang ibong ay umikot ito at nakita kong nabalutan ito ng buhawi na mabilis ding nawala.

Nagpakawala uli si Lyfa ng palaso at tumama ito sa tuka ng halimaw malapit sa may kanang mata kaya nang sumabog ang palaso ay nadamay nito ang mata.

"<Fire Ball>" sabi ni Eriole at mula sa kamay niya ay isang bolang apoy ang lumabas at tumama sa halimaw.

Bahagyang umaangat ang halimaw ng ipagaspas nito ang mga pakpak at nang magbigay ito ng isang malaking pagaspas ay nagsitalsikan ang mga balahibo nito na animo'y mga throwing knives na tumama sa mga normal na sundalong naghahanap ng tsansang umatake at agad nilang kinamatay.

Soria: World's GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon