"Nanahimik sila?" tanong ko dahil limang araw ng walang aksyon na ginagawa ang rebel army.
"Pwede ring nabigyan natin sila ng isang malaking pinsala," sabi ni Celine.
"Mark," tawag ni Nekone.
"Igawa mo nga ako nito... nito!" sabi niya habang tinuturo ang suot ni Lina.
"Limang araw na kami dito, ngayon mo lang yan napansin?" tanong ko.
"Ano ba yan?" tanong ni Celine at tinignan din ang damit ni Lina.
"ANO TONG DIVINE LEVEL EQUIPMENT NA ITO?!" sigaw niya "Anthony! Saan mo nakuha 'to!"
"Hindi niya nakuha iyan, ginawa niya yan, pindutin mo yung <Lina's Robe>," sabi ni Nekone at nakita kong may pinindot si Celine sa hangin "makikita mo diyan yung history nung damit, at kung sino ang may gawa," dugtong ni Nekone.
"Anthony!" sabi ni Celine at nakita si Lyfa kaya nilapitan niya ito at hinawakan ang damit "wag mo sabihin lahat ng mga gamit niyo divine class equipment?!" sabi niya.
"Oo, maliban lang sa baril ni Mimir, lahat ay divine class," sabi ko.
"Gawan mo kami!" sabi niya.
"Bayaran mo ako," sabi ko "at mangalap ka ng materyales," sabi ko.
"Ano yung mga materyales na ginamit mo?" tanong ni Nekone at malakas ang pakiramdam kong nakabukas ang inventory niya.
"<Raranoa Fiber>," sabi ko at naglabas siya ng 36-inch size na <Raranoa Fiber> "<Armored Armadillo Underhide Leather>," at naglabas din siya non "at <Ancient Dragon Leather>," sabi ko and this time si Celine naman ang naglabas ng leather.
"Saan kayo nakakuha niyan?!" tanong ni Nekone
"Sa <Dragon Valley>, nakita ko lang nung sumama ako sa pag-harvest ng mga shedded skin ng dragon," sagot ni Celine.
"Sa <Dragon Graveyard>, yung <Gravekeeper> ay isang Ancient Dragon, hiningi ko yung shedded skin niya kapalit ng isang pabor, pero pabor niya, mas pabor sakin," sabi ko.
"Kuu... Celine, trade tayo," sabi ni Nekone.
"Ayoko nga, maliit na lang ito," sabi ni Celine.
"Kakasya pa dyan ang tatlo, kaso nga lang nakadepende sa design niyo yung magagamit na materyales," sabi ko.
"Yung katulad nung kay Lina!" sabi ni Nekone.
"Yung katulad ng sa suot ko," sabi ni Celine at yung kay Alissa, itulad mo na lang din sa suot niya, and for..."
"Ayos na po sakin ang suot ko, boss," sabi ni Rhozanse.
"Sigurado ka?" tanong ni Celine.
"Opo," sabi ni Celine.
"Kinopya ko na nga ang <Oracle's Robe> ni Luxerra, tapos kokopyahin mo pa, Nekone," sabi ko.
"Kuu... then... ito!" sabi niya at may pinakita saking larawan ng isang damit na pinapakita ang lahat ng side.
"Ooohh... damit yan ni Roxy diba?" tanong ni Celine.
"Sino yun?" tanong ko.
"Roxy, isang character sa m*shok* t*ns*i," sabi ni Celine.
"Hah?" taka kong sabi.
"Napanood mo din yun?" tanong ni Nekone.
"Ha? so ibig sabihin magkaibang time-line tayo, sa timeline ko manga lang yun eh," sabi ko.
"Sa mundo ko—"
"Hoy," putol ko sa dalawa.
"Ah, sorry," sabi nila at binigay na sakin ang papel na may guhit ng damit na gusto ni Nekone.
"Eto ang mga materyales," sabi nila at binigay sakin ang mga materyales.
"Di pa ako pumapayag," sabi ko pero hindi nila ako pinansin.
"Para naman sa... Lyfa, archer ka diba? Pahawak ng pana mo," sabi ni Celine kaya nang hawakan na niya ang pana ay nakopya na niya iyon.
"Babayaran ka namin sa oras na matapos na," sabi ni Nekone.
"Okay, sige," sabi ko at inilagay na sa inventory ang mga binigay nila "now, pwede na ba tayong bumalik sa talagang topic natin?" tanong ko.
"Okay," sabi nila kaya pinag-usapan na namin ang mga pwedeng pinagtataguan ng rebel army.
"What if kung ang pinagtataguan nila ay sa least expected place," sabi ko nang maalala ang sinabi ni Heneral Luna.
"Least expected place?" tanong ni Celine "saan naman?" tanong niya.
"Pwedeng, nasa kapitolyo sila," sabi ko.
"Oh! Tulad nung sa nangyari dun sa Hydroria, 'di namin alam na nasa kapitolyo pala ang base nila all-along pero nung nalaman na ay lumikas sila sa malayong lugar," sabi ni Nekone.
"Tch, Rhozanse, magdala ka ng ilang kawal, pagdamitin mo na parang mga adventurer at libutin niyo ang buong kapitolyo," utos niya.
"Masusunod, boss," sabi ni Rhozanse.
"Tapos itong, <Floria Port>," sabi ko.
"Hindi ba galit sila— ah naintindihan ko na, since ang iisipin natin ay galit sila sa mga florian, hindi natin iisipin na magtatago sila sa isang bayan na puno ng mga Florian-Nocturian Hybrids," sabi ni Celine.
"Kami na ang bahalang tumingin sa lugar na iyan," sabi ko.
"Okay," sabi ni Celine.
"Saan pa ba maraming hybrids?" tanong ko at tinuro niya isa-isa ang ang mga bayan at village na puno ng mga hybrids, at lahat iyon ay wala sa hinihilaang pinagtataguan.
"Okay, Alissa, tayo na ang bahala sa bayan na ito," sabi niya at tinuro ang isang bayan.
"Kami na ni Lunaria at Princess ang bahala dito," sabi ni Nekone.
"Kami na dito," sabi ko at gumuhit ng straight line gamit ang daliri, dinadaanan ang bawat bayan at village patungo sa <Floria Port Town>.
"Okay," sabi nila.
"Move out?" tanong ko.
"Move out!" sabi ni Celine.
"Roger!" sabay-sabay naming sabi.
"Ah, Celine, pwede mo ba akong bigyan ng selling rights?" sabi ko "isang wagon at chirtso, tsaka isang swiping-machine," dugtong ko.
"Para saan?" tanong niya kaya pinaliwanag ko ang plano ko.
"I see... kung sabagay, mas tago nga ang ganyang istilo, at pwede ka pang maka-kalap ng inpormasyon habang nagtitinda, pero ano naman ang mga ititinda mo?" tanong niya kaya naglabas ako ng ilang potions, ilang medicinal herbs, mga kwintas na ginawa ng mga Hydrorians, ilang metal ores at yung mga ginawa ko habang nag-aaral ng smithing.
"Ang mga yan, o kaya naman, i-connect niyo sa swiping machine yung palace card, at kayo na bahala sa mga ibebenta ko," sabi ko.
"Okay, saglit lang," sabi niya at umalis na ng silid "kita tayo sa may courtyard," pahabol sabi niya.
Matapos ang isang oras ay dumating na si binigay sakin ang isang permiso at ang mga hiningi ko ay nasa labas ng kapitolyo, binabantayan ng isang sundalo na nagpapanggap na adventurer, naka-konekta sa palasyo ang swiping machine kaya binigyan niya pa ako isang papel, ang sabi ng head ng commerce department ay ipakita ko lang iyan sa mga merchant hall na makikita ko sa mga bayan at pwede na akong mamili at walang babayaran na kahit ano.
Agad naming tinungo ang mga hiningi ko at nakitang ang wagon ay isang covered wagon at dahil mahahalata kami sa suot namin ay nagpalit kami sa isang merchant like na damit.
Agad nilang itinago ang mga gamit sa <Storage Ring> nila at ang sa akin naman ay automatic na sa storage dahil may binili akong mga cotton shirt and pants, as for the boots, yung luma kong leather boots ang sinuot ko.
"Okay, game," sabi ko at pina-andar na ang wagon.
BINABASA MO ANG
Soria: World's Guardians
FantasyMark Anthony Sevilla, your average guy, ay pinatay at napunta sa ibang mundo, at doon ay... This story is just a light-dark story with a weak storyline(?). The first chapter(book) of the Administration Series ...