"Iyon ang nangyari," kwento ko ng tanungin ako ni P-knight kung bakit nasa likuran ko ang kambal na prinsesa.
"Ah, kaya pala," sabi ni P-knight.
"Nautusan na bang umatras ang mga heneral?" tanong ko.
"Oo, pero aalis lang daw sila pag may natalaga ng magbabantay sa mga bayan at napamahal na sila lalo na ang prinsesa Princess, pero ang huli kong balita ay papauwi na siya at patungo na sa <Izlania>," sagot niya.
"I see, magiging pabigat si Mimir kaya magdahan-dahan tayo," sabi ko.
"ANG SAMA! HINDI AKO PABIGAT!" reklamo niya.
"May battle experience ka?" tanong ni Lyfa kaya yumuko na lang si Mimir.
"Ano ang mga alam mong mahika?" tanong ko Mimir habang naglalakad kami.
"Uhm... Support spells," sabi niya.
"Ba't pa ba ako nagtanong," bulong ko dahil si Lyfa nga, support spells lang ang alam.
"Pero nag-aral din ako sa offensive spell at nagagawa ko na ngayon ang <Aqua Bolt>, hindi ko pa nga lang magawa ang fast cast," sabi niya.
"Oo nga pala, nawala yung pangalan mo sa pet and slave tab, Lyfa, kelan mo pinatanggal?" sabi ko.
"Hindi ka na pala alipin eh, ba't ka pa sumama," sabi ni Mimir.
"Para sayo lang yun Mimir," sabi ko.
"Yung alin?" tanong ni P-knight na nasa unahan namin kasama si Adeaide.
"Yung kondisyon para pumayag ako sa pagsunod niya sakin," sabi ko.
"Ano yun?" tanong ni Adelaide.
"Kailangang maging alipin ko," sagot ko at tumango-tango si P-knight dahil alam niya ang trauma ko.
"Anthony! Pagbalik natin sa kapitolyo, gawin mo akong alipin mo!" sabi ni Adelaide kaya napa-atras ako.
"Sorry ka pero importante ka na sa grupo ko," sabi ni P-knight "kaya hindi ka pwedeng sumama sa kanya."
"Sasabihin ko 'to kay ama," sabi ni Adelaide.
"Ito na lang isipin mo," sabi ni P-knight at may binulong kay Adelaide na tumango-tango.
"Okay, hindi na ako sasama," sabi niya.
"Ano na nga pala level mo?" tanong sakin ni P-knight kaya agad kong binuksan ang status ko
Name: Mark Anthony Sevilla
Level: 80
Rank: A
HP: 11235/11235
MP: 19120/19120
STR: 1355(+200)
AGI: 3130(+500)
VIT: 2180(+67)
INT: 4380(+400)
TITLE: <WORLD TRAVELER> <OVERSEER OF THE FLAME> <AWAKENED BEING> <BAREHAND KILLER> <BOOKWORM> <MAGE> <GENOCIDER> <LIGHTNING SPEED> <THIEF> <SCROOGE> <LYFA'S MASTER> <GRIEVER> <TOWN SAVIOR> <SCARY PERSON> <ONE WHO HAS COMMUNICATION DISORDER> <SAGE> <NATURAL CHARMER> <CURIOUS GUY> <RESPONSIBLE PERSON> <CARING PERSON> <BAD-ASS MINER> <LUXERRA'S MAGIC STUDENT> <ERIOLE'S MENTOR> <MIMIR'S MASTER> <LOVED BY THE PEOPLE OF NOCTURIANS> <ONE WHO IS AFRAID OF THE GIRLS WHO LOVE HIM> <AMAZING COOK> <KILLER OF THE UNIQUE> <ARCANIST> <ASSASSIN>
BINABASA MO ANG
Soria: World's Guardians
FantasyMark Anthony Sevilla, your average guy, ay pinatay at napunta sa ibang mundo, at doon ay... This story is just a light-dark story with a weak storyline(?). The first chapter(book) of the Administration Series ...