Chapter 38

1.9K 117 0
                                    

"Hindi ba tayo papasok sa loob?" tanong ni Lyfa nang mapunta kami malapit sa settlement.

"Kung nandoon ka pa, oo, papasok ako, pero dahil wala ka na, ano pa ang dahilan?" tanong ko.

"Okay, saan na tayo?" tanong niya.

"Sa kapitolyo," sabi ko at nagsimula na maglakad.

"Ngayon ko lang napansin... mabilis pala tayo," sabi ni Lyfa kinagabihan dahil narating agad namin ang kwebang pinagpahingahan noon sa loob ng isang araw samantalang dati, kinailangan namin ng limang araw para makarating lang doon sa may swttlement.

"Oo nga eh, sino ba pabigat satin?" di ko maiwasang itanong.

"Pagdating natin sa kapitolyo, ano na gagawin natin?" tanong ni Lyfa at napaisip ako dahil hindi ko inasahan ang bilis namin kaya naman baka mapa-aga ang dating namin sa kapitolyo.

"Ewan," sabi ko at muntik ng maibuga ni Lyfa ang iniinom na tubig.

"Anong ibig mong sabihin dun?!" sabi niya.

"Kasi pagnagkataon, baka mauna pa tayo doon kahit na dapat ay mahuhuli tayo ng onti," sagot ko at tumango-tango siya.

"Kung gayon, bakit hindi ka na lang sumama sakin?" sabi ng isang babae kaya agad kaming napatayo at nakita sa may entrance ang isang babaeng may pilak na buhok "ang pangalan ko ay Luxerra, ang nangangalaga sa liwanag," sabi niya.

"Anong... ginagawa mo rito?" tanong ko.

"Kasi may kumag na pinilit akong puntahan ka at turuan dahil sa new found way of communication, tsaka para upakan din kayong dalawa pagnagpatayan kayo ng forest guardian," sagot niya with a scowl on her face.

"I... see..." sabi ko.

"Sasama ka?" tanong niya.

"Sorry pero-"

"Sa kapitolyo din naman ang tungo natin," sabi niya at pinalagitik ang dalawang daliri.

Nagliwanag ang buong paligid at nang mawala na ang liwanag ay wala na kami sa kweba at napunta sa isang madamong lugar na napapalibutan ng mga puno.

"A-asaan tayo?" tanong ko kay Luxerra at binunot ang espada kinakabahan dahil baka kakampi siya ni Celine kaya dinala ako sa kung saan para ma-ambush.

"Haah... Fine, game" sabi niya at may namuong liwanag sa kamay niya na kumorteng espada.

Agad akong lumusob at sinubukang hiwain siya ng pahalang ngunit bago pa man tumama ang talim ng espada ay bigla siyang nawala.

"Sa susunod, pakiramdaman mo ang paligid mo," sabi niya mula sa likuran kaya agad akong lumingon at nakita si Lyfa, nakadapa sa lupa at walang-malay.

"Lyfa!" sigaw ko at nilusob uli si Luxerra pero this time, bago pa ako makalapit ay sinipa na niya ako at tumalsik ilang metro ang layo.

'What?!' gulat kong sabi sa isipan dahil 1/4 na lang ang natitira sa HP ko.

Sinubukan kong tumayo pero hindi ko magawa dahil sobrang sakit ng katawan ko at sa tuwing gumagalaw ako ay nababawasan ang HP ko at nang magawa ko nang makatagilid ay bigla na lang akong napasuka ng dugo downing my HP to 8%.

"Haah..." buntong hininga ni Luxerra at lumapit sakin, may mga binulong siyang hindi ko maintindihan tapos...

"<Ultima Mahika, Lux Recovera>!" sabi niya at nabalutan ako ng liwanag at biglang nawala ang sakit, pati ang HP ko, biglang napuno.

Soria: World's GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon