"Yun lang?" tanong ko kay Zedrick matapos siyang magkuwento.
"Oo yun lang," sagot niya at pakiramdam kong hindi lang yun ang mga nangyari kaya ginamitan ko siya ng <Mind Reader>.
"Sure ka?" tanong ko uli.
"Oo, yun lang" sagot niya pero ang nabasa ko sa isipan niya ay 'Hindi ko pwedeng sabihin na balak kang ipakasal ni ama kay Rutia, ano kaya pumasok sa isip ni ama at ipapakasal siya sa edad na anim, sana nakababasa ako ang isipan ng tao.'
'W-wala akong nalaman,' sabi ko sa isipan at sinabi sa sarili na wag makipagkita sa tatay niya.
"Yun yung nangyari five days ago, eh nung four days ago?" tanong ko iniiba ang usapan para makalimutan ko ang nalaman.
"Four days ago nagpunta ako rito sa kapitolyo at nilitis, pero dahil sa sinabi ko yung reason na sinabi ko napasawalang kaso ako dahil siguro inisip nila na malalakas talaga sila dahil nakarating sila sa Oldale ng halos dalawang araw lang? pero siguro sakay sila ng chirtso na yun," sabi niya tinutukoy marahil ang chirtso na inalagaan ng lolo nina Adelaide.
"Siguro nga, anyway, dahil hindi ako mapakali, maglilibot-libot ako," sabi ko ng mabasa sa isipan ni Zedrick na gusto niyang makausap si Lyfa.
"Ha?!" gulat na sabi ni Lyfa at napatayo mula sa pagkakaupo sa sofa.
"Lilibutin ko ang kapitolyo, gagamit ako ng <Heat Haze> para hindi ako madetekta," sabi ko.
"Pero-"
"Level 20 na ang heat haze ko salamat sa paulit-ulit na paggamit ko sa laban namin ni Luxerra at dahil doon, isang oras na ang itinatagal ng mahika," paliwanag ko.
"Pero..." malungkot na sabi ni Lyfa at nagkaroon ako ng urge na isama siya pero hindi ko dapat gawin para magkausap sila ni Zedrick.
"Ako ang tagapangalaga, walang normal na sundalo ang makakatalo sakin," sabi ko at hinimas-himas ang ulo ni Lyfa at tulad nung sinasanay pa ako ni Luxerra, gumagalaw ang buntot niya sa tuwing hinihimas ko ang ulo niya "alis na ako," sabi ko at naglabas ng robe para maitago rin ang mukha ko pagnawala ang epekto ng heat haze.
Nang masuot ang roba ay agad akong umalis at naglakad-lakad.
Habang naglilibot ay may nakita akong mga tumatakbong sundalo at dahil pawala na ang epekto ng mahika ay nagtago ako sa isang eskinita at inantay na makalampas ang mga sundalo.
"Bilisan niyo! Hanapin niyo siya! Imposibleng makalayo kaagad ang prinsesa!" narinig kong sabi ng isang sundalo.
'Prinsesa?' tanong ko sa isipan 'Lyfa!' sabi ko sa isipan at muling ginamit ang heat haze saka tumalon sa may bubungan at doon tumakbo.
'Wala ka bang tiwala sakin?' sabi ko sa isipan dahil baka lumabas siya para sundan ako at may nakakita sa kanya at ngayon, hinahabol na ng mga sundalo.
Dahil sa bilis ko ay naunahan ko pa ang mga sundalo at sa may malayo ay nakita ko si Lyfa, nakasuot ng robang berde na lumiko sa isang eskinita. Tumalon ako patawid sa kabilang bubong at sinundan si Lyfa, nang makita ko ang ilang guwardiya sa dulo ng eskinita ay agad akong tumalon sa harapan niya, napatigil siya dahil sa gulat at ginamit ko ang tsansang iyon para buhatin siya in princess cradle, tumalon patungo uli sa bubong, gamitin ang <Heat Haze> at tumakbo palayo.
"Dinukot ang mahal na prinsesa!" narinig kong sigaw ng isang sundalo.
"Ba't ka ba natatakot?" tanong ko kay Lyfa nang ibaba ko siya sa isang eskinita dahil kanina pa siya nanginginig, pero ng maibaba ko siya ay bigla siyang umupo at niyakap ang sarili, patuloy parin sa panginginig "huy," sabi ko at nagfrog-seat sa harap niya "ba't ka ba nanginginig?" ulit ko sa tanong kanina at hinawakan siya sa braso.
"Hii!!" takot niyang sabi "wag po, please po wag po, babayaran po kita wag niyo lang po ako dumihan," naiiyak niyang sabi at pilit na kumakawala sa pagkakahawak ko.
'Anong pinagsasabi nito?' sabi ko sa isipan. Magsasalita na sana ako pero na-out of balance ako nang mahila niya ako nang matanggal niya ang braso niya sa pagkakahawak ko kaya natumba ako sa kanya at aksidenteng mahawakan ang dibdib niya.
"Ah, sorry," sabi ko at natigilan ng makita ng husto ang mukha ni Lyfa, ang dating kulay berde niyang mata ay kulay matingkad na kayumanggi na ngayon, at ang mahaba niyang buhok na kulay dilaw ay hazel brown na ang kulay 'ang galing ng pagkakailusyon ni Zedrick ah,' sabi ko sa isipan at napisil ang malambot na bagay sa kamay ko at naalalang nasa dibdib pa ni Lyfa ang kamay ko "ah, sorry," sabi ko at tinanggal ang kamay ko at doon na siya umiyak.
"Ba't ka umiyak?!" tanong ko at napalingon ng marinig ang ilang boses na nagsasabing
"Narinig kong umiiyak ang prinsesa dito!" sabi ng boses kaya agad kong binuhat si Lyfa na napatigil sa gulat, tumalon sa bubong at tumakbo uli palayo.
"Ba't ka ba umiyak?" tanong ko nang tumalon ako pababa ng bubong nasa eskinita uli kami pero malapit lang ito sa isang parke, dapat kanina ko pa siya tatanungin kaso baka hindi siya makasagot dahil sa bilis ko.
"Tinatanong mo pa?! Dinum
ihan mo na ako!" naiiyak niyang sabi "pakasalan mo ako!"
"Nice joke Lyfa," natatawa kong sabi.
"Hindi ako si ate Lyfa!" may luha sa mata niyang sabi "ang pangalan ko ay Mimir! pakasalan mo ako! wala na akong mukhang maihaharap," umiiyak niyang dugtong.
"Proweba," sabi ko kasabay ng pagcontact kay Eriole para maitanong kung may kapatid pa ba siyang babae bukod kay Lyfa.
"Eto card ko!" sabi niya halata sa boses na anytime iiyak nanaman siya.
Kinuha ko ang iniaabot niyang guild card at natigilan dahil nakasulat sa name ay: Mimir de Sylfaen Nocturia; kasabay ng pagkabasa ko sa pangalan ay siyang sagot naman ni Eriole na nagsasabi ng 'meron, kakambal ni Lyfa, si Mimir, pagmay-alyansa na ipapakilala kita sa kanya.'
"Okay," sabi ko at binigay ang card sa kanya "alis na ako," at naglakad na palayo pero hinawakan niya ang suot kong roba.
"Pakasalan mo ako!" naiiyak niyang sabi.
"Look," sabi ko at hinarap siya at hinawakan sa parehong balikat "hawak lang yun, hawak! walang ibang nakakita at nakaka-alam diba?" tanong ko at tumango-tango siya "kung ililihim mo yun, walang makaka-alam na nadumihan ka."
"Pero..."
"Nais mo bang maikasal sa isang hybrid?" tanong ko at tinanggal ang suot kong hood, para isipin niya na isa talaga akong hybrid "di ba hinde?"
"Ayun ang mahal na prinsesa kasama ang dumukot sa kanya!" narinig kong sabi ng isang boses kaya agad kong sinuot ang hood ng roba at kinuha sa inventory ang isang wooden sword na ginamit ni Luxerra sa training ko.
Humanda ako sa pag-atake at buong bilis na pumunta sa gilid ng isang sundalo at hinampas ang hawak sa batok niya para makatulog, bago pa man bumagsak ang sundalo ay sinunod ko na ang dalawa pang kasunod at nang bumagsak na sila ay humarap ako sa kakambal ni Lyfa at sinabing "alis na ako," sabi ko at tumalon sa bubong sabay takbo palayo ininda ang narinig kong sigaw niya ng: teka!
' Grabe naman, hawak lang nadumihan agad,' sabi ko sa isipan habang tumatakbo 'papatayin ako ni Lyfa pagnalaman niya 'to.'
BINABASA MO ANG
Soria: World's Guardians
FantasyMark Anthony Sevilla, your average guy, ay pinatay at napunta sa ibang mundo, at doon ay... This story is just a light-dark story with a weak storyline(?). The first chapter(book) of the Administration Series ...