Chapter 154

991 41 1
                                    

Matapos ang isang linggong pananatili doon ay nagtungo na kami sa <Sylphid>, by flying of course.

"Alam ko nasa isip mo, wag mo na sabihin," sabi ni Lyfa nang makarating kami sa <Sylphid>.

Ang <Sylphid> ay isang village around 50km diameter ang lawak, meron iyong apat na gate sa apat na direksyon; jumbled ang pagkakalagay ng bahay at shops kaya magulo tignan at parang maze, pero sa gitna ng village ay ang isang mansion.

'Village my ass, city ito eh,' reklamo ko sa isipan.

Agad kaming bumaba sa designated landing point at doon ay...

"Salamat po sa inyo sa paghatid samin," sabi ko.

"Wala iyon, gusto niyo rin bang makita ang kasalukuyang namumuno?" tanong niya.

"Ah, hinde, lilibutin na muna namin itong <Sylphid>," sabi ko.

"I see... kung gayun ay mag-iingat kayo," sabi niya at umalis na.

"Okay, kokontakin ko si Luxerra," sabi ko at tumango si Lyfa.

Habang naglalakad kami, naghahanap ng mabibilihan ng mapa ay nakikipag-usap ako kay Luxerra, ang sabi niya on the hunt pa rin siya sa guardian, kaya kanya-kanya muna kami at maghanap.

"Walang nagtitinda ng mapa," sabi ni Lyfa sakin.

"Damn, then, mukhang mano-mano," sabi ko "haah... gusto ko ng «All-Terrain Scan» spell," sabi ko kaya napahagikhik si Lyfa.

"Then, ipagawa mo sa magic research team ng palasyo," sabi ni Lyfa sakin, tinutukoy ang partner ng magic scroll workshop na nakatalaga sa pag-gawa ng mga bagong spell.

"Next time, tara na at maghanap," sabi ko.

"Okay," sabi ni Lyfa.

For days, naghanap lang kami ni Lyfa sa buong <Tempestoria>. Nakumpleto ko na ang mapa ng tempestoria while searching for clues for a awesome guy, may mga nakita naman kami pero hindi sila guardian, at dahil sa inis ko, naisip kong tanungin ang hari kung nasaan na ang «Wind Guardian».

"Mahal na tagapangalaga ng apoy," sabi ng hari nang magpunta na kami "ano po ang maipaglilingkod ko?"

"Gusto kong malaman kung nasaan na ang tagapangalaga mg hangin," sabi ko.

"Hindi pa po ba nagpapakita sa inyo?" tanong niya.

"Andito ba ako kung nagpakita na samin?" tanong ko.

"Iyo pong ipagpaumanhin," sabi ng hari "ngunit matapos po namin siyang turuan sa mahika at sa espada, ang sandatang hawak niya nang dumating siya, ay pinalis na namin siya at pinaglakbay upang gawin ang kanyang misyon na protektahan ang mundo."

'Ano 'tong urge na 'to? Itong urge na gusto ko siyang kutusan,' sabi ko sa isipan.

"Saan siya papunta nung umalis siya?" tanong ko.

"Hindi ko alam," sagot niya kaya napa-ngiti ako.

"Kalma lang Mark, kalma," sabi sakin ni Lyfa.

"Haah... NPA ang hangin," sabi ko sabay buntong-hininga uli.

"Sige, salamat," sabi ko at lumabas na kami sa palasyo.

Paglabas ko sa palasyo ay agad akong nagreport kay Luxerra at nagkaroon ng emergency meeting dahil tutal naman lahat kami, except for Eri, ay nasa <Tempestoria>.

"Kakadating ko lang," sabi ni Celine sabay facepalm ng ipaalam ko ang nalaman ko na MIA ang wind guardian at somewhere in the world ang location niya.

Soria: World's GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon