Chapter 85

1.3K 83 1
                                    


"Well, marami akong itatanong sa'yo babae kaya maghanda ka," sabi ni Galice.

Pagkasabi niya n'on ay may isang babaeng Nocturian ang lumitaw sa anino niya, binunot niya ang isang short sword sa bewang at "«Extend» Serpentra!" sigaw ng babae at winasiwas pababa ang binunot na espada.

Nagkahati-hati ang talim ng espada na para bang isang whip sword na katulad ng sa weapon ng isang character sa isang fighting game. Nagtungo ang extended na talim sa kinatatayuan ni Cecile na lumipad para maka-iwas.

Bahagyang hinila ng babae ang espada at nakita kong pumaitaas ang talim ng espada niya, na inilagan uli ni Cecile, bahagyang ginalaw uli ng babae ang kamay at nagtungo naman ang talim sa kinalalagyan ni Cecile, na umilag uli. Paulit-ulit ang nangyayari at sa bawat galaw ng babae ay nagtutungo doon ang talim na animo'y hinahabol si Cecile.

"Tuloy mo lang, Rita," sabi ni Galice at inihanda ang espada, may naipong kulay itim na mana sa talim nito at...

"<Dark Wave>!" sigaw ni Galice at winasiwas ng patayo ang espada at lumabas bilang isang sword wave ang naipong mana, kasabay ng pagwasiwas ni Galice ay hinila ng babae ang kamay, retracting the blade, at dahil sa hindi inaasahang atake ay tinamaan ng puno si Cecile na bumagsak sa lupa. Duguang tumayo si Cecile at nang makita ang estado ng katawan niya ay pinatunog niya ang dila.

"Mag-antay ka lang baby, magsasama rin tayo, aatras muna ako, at ikaw aso, papatayin na kita pag nagkita tayo uli," sabi niya sabay talon at lipad palayo.

"Ricotta! Hahabulin natin siya!" sabi ni Galice at tumakbo na.

"Roger!" at sumunod na ang babae kay Galice.

Nang mawala na silang tatlo ay napaupo ako na para bang nawalan ng lakas ang mga tuhod ko at dali-daling nagtungo sakin si Mimir.

"Ayos ka lang?" tanong niya, bakas ang pag-aalala sa mga mata.

"Oo, ayos lang ako, mas mahalaga si Lyfa, critical ang kondisyon niya base sa indicator," sabi ko at tumango si Mimir at tinungo ang kinalalagyan ng kapatid ng ituro ko kung saan.

Habang tumatakbo si Mimir patungo sa kapatid ay umatras ako at sumandal sa pader, pinikit ang mga mata at pinakakalma ang sarili, siguro dahil sa pinagsamang mental strain at fatigue, ay nakatulog ako.

Nang magdilat ako ay nasa isang kwarto na ako, katabing natutulog si Mimir. Dahan-dahan akong umalis sa kama upang hindi magising ang dalaga at lumabas ng kwarto, madilim at tahimik ang paligid, hindi ko tuloy sure kung ilang oras na ang lumipas.

Ayon sa <Map> nasa palasyo ako at lahat ng mga importanteng tao ay nasa throne room kaya doon ako nagtungo.

"... kinokontrol sila nang lalaking nakalaban ko, ..." narinig kong sabi ni Nekone.

Nasa gitna sila ng pagpupulong kaya hindi na ako pumasok at hinanap na lang si Lyfa at nakita ko siya, sa katabing kwarto ng ginisingan ko kaya doon naman ako nagtungo, pagbukas ko ng pinto ay napatigil ako for two seconds at agad iyong sinara, naglakad-lakad ng paikot-ikot sa harapan ng pinto na waring may inaantay, after a few seconds ay kumatok ako.

"Pumasok ka na," narinig kong sabi ni Lyfa kaya pumasok na ako, nasa kama parin siya tulad kanina, ang kaibahan lang ay hindi na siya nagpupunas at natatakpan lang ng kumot ang hubad na katawan.

"Paumanhin sa nangyari kanina, akala ko kasi ay tulog ka," sabi ko since hindi gumagalaw ang dot icon niya sa mapa ko.

"Kasalanan ko rin, hindi ko sinara yung pinto," sabi niya.

"Ano kamusta na ang pakiramdam mo?" tanong ko dahil in critical zone siya kanina.

"Medyo ayos na, lethargic lang ng onti," sabi niya.

Soria: World's GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon