-Noir's POV-
"Oi, Envy, rematch?" tanong ko nang umalis si Mark sabay talon papunta sa isang bubong.
"This time papatayin kita!" sabi ni Envy at sinundan ako.
Nagtungo kami sa may malayong lugar, at pinatay ang mga nakapalibot sakin nang walang sagabal.
"Just woke up," bulong ko at nawala ang second seal ko na lagi kong inaalis tuwing kalaban siya, kinuha ko rin ang 'true' weapon na siyang ginagamit ko tuwing serious battle.
'Sana nasa kamay ko ngayon si Skotádi , kaso delikado pag-inalis ko yun sa World's Core, mawawala ang mana sa mundo and in turn magugunaw na,' sabi ko sa isipan at bumuntong-hininga at tinignan si Envy na may dalawang espada sa kamay, ang isang espada ay may isang gem with violet color.
'I see... kaya pala kinuha nila ang <Earth Gem>, kinopya nila... wait, pwede kayang substitute yan? One way to find out,' sabi ko sa isipan at inihanda na ang espada.
Nagtitigan kaming dalawa ni Envy, after a few more seconds ay sabay kaming sumugod.
Nagtama ang mga sandata namin nang sabay kaming umatake, habang naka-lock pa ang sandata namin sa isa't-isa ay sinipa ko siya sa sikmura at nakita kong naging anino siya at lumitaw sa may likod ko kaya agad akong umikot, binalak siyang hiwain ng pahiga pero tulad ng nangyari kanina naging anino lang siya.
'Ahh... nakaka-irita ang isang doppelganger,' sabi ko sa isipan sabay talon dahil lumitaw si Envy sa ilalim ko.
Lumapag ako hindi kalayuan kay Envy. Nilagay ko sa eye level ko ang talim ng espada and using my speed to the highest limit sumugod na ako at lumitaw sa likod ni Envy at nang ibaba ko ang espada ay nagkaroon ng kulay itim sa hangin na para bang sword slashes na kung saan dahil sa hindi inaasahan ni Envy ay tinamaan siya or should be pero naging anino nanaman siya nang lumingon at nakaramdam ako ng sipa mula sa likuran.
Tumalsik ako ng ilang metro at pinadausdos ang sapatos sa lupa upang handa ako sa oras na huminto ako.
Pinatunog ko ang dila sa inis at nagpakawala ng mga <Dark Blade XX> kay Envy pero bigla siyang naging anino at lumubog sa lupa kaya nailagan niya ang mga atake ko.
Agad akong napalingon nang maramdaman ko ang isang pamilyar na aura pati na rin ang biglang pagbaba ng mana sa paligid.
'Nilabas ni Luxerra, ibig sabihin ganun kalakas ang kalaban niya,' sabi ko sa isipan at tumalon palayo ng may mga spikes na yari sa anino ang biglang lumitaw sa kinatatayuan ko.
'Mukhang kailangan kong magseryoso,' sabi ko sa isipan tinitigan ang may sugat kong paa.
Ako ang keeper ng kadiliman, ang anino ay nasa darkness category kaya naman imposible akong masugatan or it should be pero may damage ako at ang proweba ay ang magdudugo kong paa.
"Haah... I see... so ito pala yung paraan para mamatay ang isang immortal," sabi ko at tinitigan na ng masama si Envy at inalis ang final seal kasabay ng isang light energy wave na kumawala sa likuran ko patungo sa direksyong kanluran.
'Sa oras na ibalik na ni Luxerra si Ameli, ilalabas ko si <Skotádi>,' sabi ko sa isipan at sumugod.
Nang tamaan si Envy nang talim ng espada ay naging anino uli siya at nag-materialize sa likuran ko pero hindi niya nagawang makaganti dahil sa sugat niya.
Tumalon siya palayo sakin at inihanda ang dalawang espada.
'Ang tagal naman...' sabi ko sa isipan dahil mababa pa rin ang mana kaya naman napilitan na akong sabihan si Luxerra.
Nang maramdaman kong bumalik na sa dati ang mana sa paligid ay agad na sumugod si Envy.
Mabibilis ang kilos namin, binigyan niya ako ng horizontal slash na tumama sakin... ayon sa mata niya pero ang tinamaan niya ay isang decoy at nasa likod na niya ako; sinaksak ko siya pero naging anino din siya at mula sa itaas, bumagsak siya at hiniwa ako vertically kung saan nahati sa dalawa ang decoy na ginawa ko, tulad niya binigyan ko rin siya ng overhead slash na naghati sa katawan niya pero naging anino lang din at mula sa likod ay pinutulan niya ng ulo ang decoy ko at mula sa may likod niya ay pinutol ko ang dalawa niyang kamay bago siya saksakin pero nalusaw ang katawan niya at naging anino, at mula sa gilid ay sinaksak niya ang decoy ko.
Pagkasaksak niya sa decoy ko ay may decoy na lumitaw sa itaas niya at hiniwa niya while doing a somersault pero naging anino lang din si Envy at lumitaw sa itaas ng decoy ko at hinati siya sa dalawa; may lumitaw na isa pang decoy sa may tagiliran niya at sinaksak siya pero tulad ng nauna, naging anino lang din siya at mula sa likod ay lumitaw siya at ginilitan ng leeg. Paulit-ulit lang ang ginagawa ni Envy at ng decoy ko, habang ako, nakaupo sa may bubong, hawak-hawak ang isang jet-black greatsword na ang haba ay nasa 210cm, binitawan ko ang espada at lumutang lang iyon sa ere while emitting a black aura.
"Tapusin na natin 'to, <Skotádi>," sabi ko at biglang dumami ang espada at naging 16 pieces na nakapalibot sakin.
Pinalagitik ko ang daliri at lahat ng espada ay bumaon sa lupa, matapos pa ang ilang segundo ay milyon-milyong mga talim ng espada na yari sa anino ang umusbong sa lupa at mawawala at babalik sa ilalim para lang umusbong uli sa ibang lokasyon naman.
Three minutes, iyon lang ang itinagal ni Envy nang ilabas ko na si Skotádi. Namatay si Envy dahil sa mga sugat na natamo dahil sa ginawa kong atake, kung tutuusin, kaya ko siyang patayin in two seconds, pero masisira ang lugar at baka may matamaan akong friendly unit dahil malapit lang sa kinalalagyan ko ang fighting location ni Celine.
"Salamat <Skotádi>," sabi ko at ibinalik na si <Skotádi> sa may world's core.
Pupuntahan ko na sana si Celine pero nakita ko ang gem ni Envy, thinking na baka pwedeng substitute iyon, kinuha ko.
Pagkakuha na pagkakuha ko sa gem ay nakita ko sa kalangitaan ang isang napakalaking ibong yari sa apoy.
"Mark Anthony Sevilla," sabi kong pailing-iling dahil for sure siya ang may gawa nun bago ko pinuntahan si Celine, only to find out na may tumutulong na sa kanya sa laban kaya naman nagpatuloy na ako at pinuntahan si Eri.
BINABASA MO ANG
Soria: World's Guardians
FantasyMark Anthony Sevilla, your average guy, ay pinatay at napunta sa ibang mundo, at doon ay... This story is just a light-dark story with a weak storyline(?). The first chapter(book) of the Administration Series ...