Agad akong nagtungo sa may kapitolyo at dahil sa <AGI> ko ay nakarating ako at nakalusot sa mga bantay bago pa man sumikat ang araw salamat sa <Shadow Hide> skill ko. Hindi ko rin nakakaligtaang patayin at ilagay ang materyales sa singsing ko for status and skills.
'Ang sabi nasa may city hall... pero saan yun?' tanong ko sa sarili habang naglilibot-libot, hinahanap ang city hall at sinasaulo na rin just in case, of course nakasaklong ang hood ko at sa tuwing may magtatanong na sundalong on patrol sinasabi kong kasuklam-suklam ang itsura ko at ipapakita sa kanya ang mukha kong ginamitan ko ng <Heat Mirage>, isang skill from the ring na isang illusion spell na magbabago ng itsura ko for a brief period of time, tapos mapapangiwi siya at ipapabalik ang hood.
'Hmm... magtanong-tanong na kaya ako, pero baka mahalata akong hindi tagarito... Kung sabihin ko kayang... Hindi, ang sabi ni Lunaria nung paalis kami, ang city hall ang may hawak ng residencial tranfer record para sa mga nagnanais lumipat, kung sasabihin ko namang magbebenta ako... wala akong pwedeng maibenta...' dahil sa abala ako sa pag-iisip ay hindi ko napansin ang isang babae at nabungo siya, napaupo siya sa impact at tutulungan na sana ngunit natulala ako nang makita ang itsura niya.
Isa siyang tao, and by that I mean katulad ko na maihahalintulad sa isang Florian dito sa Soria, she has that cute round face, a cute round eyes, a small nose, a perfect kissable lips, meron siyang gandang katangi-tangi.
"Aw..." sabi niya snapping me back to reality kaya agad kong inabot ang kamay ko sa kanya para matulungan siyang makatayo.
"P-paumanhin, nabungo kita dahil sa hindi ko pagtingin sa daan," sabi ko.
"Ayos lang, hindi rin naman ako nakatingin," sabi niya at bahagyang yumuko "mauuna na ako," at umalis na siya, medyo naghinayang ako dahil hindi ko nakuha ang pangalan niya.
'Anthony, ano bang iniisip mo, nakakatakot ang mga babae,' sabi ko sa isipan nang mapagtantong nanghinayang akong hindi nakuha ang pangalan ng dalaga kanina at para matauhan ay umiling-iling ako at bumalik sa orihinal na ginagawa.
Nang magtanghali at hindi ko pa rin nakikita ang city hall, ay naisipan kong kumain muna at matapos ay pumunta sa guild, only to find out na yun din ang city hall.
"Excuse me, pwede kay Antonio Luna?" sabi ko kay counter girl sa buong pangalan ni heneral Luna na siyang password para malaman kung sino ang mga tauhan niya, just to inform, family name first dito sa hydroria at ang apelido niya ay Antonio.
Luminga-linga si counter girl at sinabing "paki-antay lang po muna saglit," bago pumasok sa pintuan sa may loob.
Matapos ang ilang minuto ay bumalik si countrer girl at dinala ako sa basement sa kinalalagyan ng mga crystal na isang buong silid.
"Babalik na po ako sa may pwesto ko upang walang makahalata," sabi niya at lumabas na samantalang ako naman ay dumuretso sa may mga crystal at ginamitan ng <Judge> ang isa:
<Lightning Crystal Bullet>
A crystal that discharges a low level lightning to the enemies.
"Oh... I see..." sabi ko at inilagay ang lahat ng crystal sa inventory ko with the help of my <Storage Ring> para mabilis.
Matapos masigurong wala na akong naiwan ay pumunta na ako sa may pinto ngnunit natuklasan kong nakasara iyon.
"Bilisan niyo! May pumasok na sa patibong!" narinig kong sabi mula sa labas.
"Patibong pala ha, <Retreat>!" sabi ko pero imbis na makabalik sa may tarangkahan ay nanatili ako sa loob "shit, <Heat Haze>!" sabi ko pero hindi ko naramdamang bumalot sakin ang mahika at bumuntong hininga na lang kasabay ng pagbukas ng pinto at nakita ko ang ilang sundalo buti na lang at nakasaklong pa rin ang hood ko.
"Dakpin niyo ng buhay ang rebelde!" utos ng opisyal kaya bumumtong hininga uli ako at binunot ang espada sa likod-bewang, scabbard included.
"Nothing left but force my way out then," sabi ko at humanda sa pag-atake kasabay ng pagtutok nila ng baril sakin.
Agad akong sumugod at tulad ng hinala ko, hindi nila inaasahan ang bilis ko kaya naman agad ko silang napatulog at nakalabas silid, pero sa paglabas ko ay maraming nag-aantay na mago, spell ready to use ngunit
"<Despell>!" sabi ko at nawala ang lahat ng salamangkang inihanda nila.
Naghana uli sila ng mga salamangka pero tulad ng sabi ni Luxerra, kailangan nila ng mga baybay upang makontrol ang MP nila, kaya habang nagbabaybay sila ay nagpaalam pa ako bago ginamit ang <Retreat> kung saan gumana na at napunta sa may tarangkahan kung saan agad akong tumakbo palayo bago pa man marealize ng mga bantay ang bigla kong sulpot.
"Woo... Okay next stop, aa port city para nakawin ang mga baril," sabi ko at tumakbo na patungong port city.
Habang tumatakbo ay nakarinig ako ng sigaw ng isang babae kaya agad kong tinungo ang pinagmulan ng sigaw at nang maarating ako ay nakita ko ang isang babaeng napapalibutan ng mga orc, nagawa siyang mabuhat ng isa at dadalhin na sana sa pugad nila para gawing paanakan, hindi ko alam kung bakit taliwas sa normal pero ang mga anak ng orc ay laging orc kahit ano pa ang ina ayon kay Luxerra.
Agad kong nilusob ang mga orc at pinatay ang nagbubuhat sa babae, pinaapoy ko na rin ang espada ko for visibility at ginamitan ng <Demolition Fist> ang pinakamalapit sakin, sinakasak ang papalusob at pinaulanan sila ng <Flame Arrow> hanggang sa wala ng natira.
"Ayos ka lang?" tanong ko sa babae at salamat sa apoy ng espada ay nakita ko ang mukha niya, at ang babaeng niligtas ay ang babaeng nakabungo ko kanina.
"A-ayos ka lang?" tanong ko na ikinagulat niya na para bang kakabalik ulirat lang.
"O-oo," sagot niya at tulad kanina inabot ko uli ang kamay ko at tinulungan siyang makatayo
"Ako nga pala si Mark Anthony, ikaw?" pakilala ko.
"Ang pangalan ko ay..."
BINABASA MO ANG
Soria: World's Guardians
FantasyMark Anthony Sevilla, your average guy, ay pinatay at napunta sa ibang mundo, at doon ay... This story is just a light-dark story with a weak storyline(?). The first chapter(book) of the Administration Series ...