Nang mag-umaga ay agad akong nag-paalam kay Lyfa at nagbalik na sa <Gringre City>.
"I see, so ang ruta na yun ay puno ng mga mababangis na halimaw, level range 80-100," sabi ko matapos ang ulat ni Mimir patungkol sa inatas kong scouting sa ruta na dadaanan ng mga sundalo.
"Then, ang kailangan nating gawin ay gumawa ng ruta," sabi ni Celine.
"Obviously," sabi ko "sino ang gagawa?"
"Hmm... team ko na lang," sabi ni Celine "after-all, magkasamang pupunta dito ang Nocturia at Floria."
"Si Nekone nga pala?" tanong ko dahil hindi ko pa siya nakikita.
"Nasa kapitolyo, kasama si Lunaria, makikipagkita kay Galice," sabi ni Eriole.
"Oo nga pala, 3K lang ang maipapadala namin," sabi ni Celine "I mean, tig-3K ang Nocturia at Hydroria."
"Ang dami, expected ko 1.5 lang dahil una, yung Nocturia, di pa nakakabangon sa aftermath ng rebelyon; ikalawa, nasa purge-mode pa ang Hydroria para maalis ang mga dapat alisin sa bayan nila," sabi ko.
"Ano na nga pala ang sagot ni Hephaestus?" tanong ko.
"Wala pa rin siyang sagot ayon sa dating-hari," sabi ni Mimir.
"Okay, pupuntahan ko siya," sabi ko at tumayo na.
"Ingat ka," sabi ni Mimir.
"Saan ka pupunta?" tanong ko nang makita si Hephaestus na naglalagay ng mga gamit sa <Inventory>.
"Sa kapitolyo," sagot niya "balak kong sumali sa paligsaan na dinadaos doon, kung manalo ako, makukuha ko na ang atensyon ng prinsesa, kung hinde... ewan," sabi niya.
"Hmm... sasama ako," sabi ko.
"Then, mag-ayos ka na, aalis na ako bukas," sabi niya.
"Okay, saan tayo magkikita?" tanong ko.
"Sa silangang tarangkahan," sabi niya.
"Okay," sabi ko at bumalik na sa posada.
"So, scout ka na din," sabi ni Celine matapos kong ilahad ang plano kong pag-sama kay Hephaestus.
"Parang ganun na nga," sabi ko.
"Sasama kami?" tanong ni Mimir.
"Sadly, no," sabi ko.
"Eh? Bakit?" tanong niya.
"Kasi, gusto kong tulungan niyo sina Celine sa pag-gawa ng daan papunta dito," sabi ko.
"No, sabi ni ate sakin, alagaan ka," sabi ni Mimir "hindi ako papayag na mag-isa ka sa kapotolyo, kahit ba sabihin natin na kasama mo si Hephaestus sa pag-punta doon, for sure pagdating sa kapitolyo mag-isa ka lang gagalaw."
"Then, anong gusto mong gawin ko?" tanong ko "hindi ko hahayaang isama si Iya at Aya."
"Wala akong sinabing isama sila," sabi ni Mimir "Lulu, ikaw na ang bahala kay Mark."
"Masusunod! Ate Mimir," sabi ni Lulu sabay salute.
'Saan niya kaya natutunan ang salute na iyan?' tanong ko sa isipan dahil ang saludo niya ay katulad ng sa militar dun sa earth.
"S-sasama din ako," sabi ni Lina.
"... Fine, two in one naman kayo lagi ni Lulu," sabi ko "maghanda na kayo."
"Roger!" sabay nilang sabi.
Agad kaming nag-ayos ng mga gamit, bumili ng mga consumables, nag-refill ng throwable weapons, bumili ng tubig na sobrang mahal dito sa <Mountoria>, etc.
BINABASA MO ANG
Soria: World's Guardians
FantasyMark Anthony Sevilla, your average guy, ay pinatay at napunta sa ibang mundo, at doon ay... This story is just a light-dark story with a weak storyline(?). The first chapter(book) of the Administration Series ...