"Lyfa," tawag ni Eriole "kailangan mo pa bang magsuot ng roba?" tanong niya.
"Bakit?" tanong ko.
"Kasi diba may hood yung armor na suot niya," sabi ni Eriole.
"Ahh... Medyo maliit ang hood, hindi gaanong matatakpan mukha ko tsaka baka mamaya madetekta ako dahil sa suot ko," sabi ni Lyfa at tumango-tango si Eriole.
Inabot kami ng tatlong araw bago makarating sa bayan pero nasa malayo pa lang ay agad kaming nagtago sa may mga puno dahil...
"Tch, ba't may mga bantay dito," bulong ko.
"Tanda ko 'tong lugar na ito," sabi ni Lyfa at medyo kinabahan ako dahil baka mula iyon sa naranasan niya noon "ito ay ang siyudad ng Montres, isang commercial city kaya natural lang na may mga bantay dito," sabi niya at nakahinga ako ng maluwag.
"Sa siyudad na yan, bente kwatro oras ang mga tindahan kaya naman matao kahit na gabi," sabi ni Eriole.
"Then ibig sabihin -"
"Makakapagtago tayo ng maayos," putol ni Eriole "problema lang ay paano tayo makakapasok, kasi ilang araw na ang lumipas maaring may mga larawan na tayong nakakalat at may patong sa ulo."
"Point taken," sabi ko at tumingin uli sa mga guard.
"Paano na?" tanong ni P-knight.
"Kung andito lang si Zedrick, maitatago niya tayo," sabi ni Lyfa at naalala ko ang <Heat Haze>.
"Kung itatago lang, kaya ko, pero mawawala ang epekto paglipas ng kinse minutos, pagbinunot ang espada o kung ano mang uri ng atake at pag nabangga ka ng tao," paliwanag ko bago pa sila mag-react.
"Maitatago ba niyan ang usok na magagawa ng paglalakad natin?" tanong ni Eriole at umiling ako.
"Papaano 'to ngayon," sabi niya at may nakita akong isang werebeast na nakasakay sa isang carriage.
"Sisilipin ba nung mga bantay ang loob nung karwahe?" tanong ko sabay turo sa may karwahe.
"Oo, at habang ginagawa nila yun pwede tayong pumuslit sa loob," sabi ni Eriole kaya inihanda ko na ang <heat haze> para ano mang oras ay magamit ko na.
Pinakawalan ko ang mahika upang matago kami sa paningin nila nang huminto ang karwahe at dali-dali kaming pumasok sa loob, ayos na sana ang lahat ngunit natalisod si Lyfa at natanggal ang mahika, nagtinginan ang mga sundalo sa kanya pero kahit kitang-kita ko si Lyfa ay parang walang nakikita ang mga guard at nagkibit balikat pa ang isa at nang tumalikod na ang mga guwardiya ay dali-daling tumakbo si Lyfa sa kinaroroonan namin.
"Ano ginawa mo?" tanong ko.
"<Camouflage>," sagot niya.
"Ano yun?" tanong ni Adelaide.
"Isang skill na kasama ng damit, sa oras na gamitin ko yun, hindi ako makikita ng kahit sino at tulad ng sa heat haze, mawawala ang effect pag umatake, nabangga, at gumalaw," sagot niya.
'Kaya pala nagulat yung lalaking nagmamaneho nung karwahe,' sabi ko sa isipan.
"Tara na," sabi ko "stock up tayo, tapos alis na agad, kita-kita tayo sa kabilang tarangkahan."
"Okay," sabi nila.
*************************************************************************************
"Ano, kamusta na, nagsalita na ba siya?" tanong ko sa hari, tinutukoy ang bihag kong duke.
BINABASA MO ANG
Soria: World's Guardians
FantasyMark Anthony Sevilla, your average guy, ay pinatay at napunta sa ibang mundo, at doon ay... This story is just a light-dark story with a weak storyline(?). The first chapter(book) of the Administration Series ...