"Sigurado ka?" tanong ng asawa ni Lamiah bago ako umalis ng settlement.
"Oo, mas ligtas siya dito," sabi ko.
"Sige, kami na ang bahala kay prinsesa Lyfa," sabi niya sakin sabay at nakipag-kamay sakin.
"Ikaw na ang bahala," sabi ko sabay alis na.
Nung gabi na sinabi ko kina Eriole at P-knight ay pinadala ko ang familliar ko sa Floria, dala-dala ang isang mensahe. At ngayon, salamat sa pamilyar ko, ay nakita kong dumaong ang pitong barko, lulan ang limang pulutong na may miyembrong hindi bababa sa isangdaan. Ang bawat pulutong ay naglalaman ng: mga adventurer ranks C and above, castle knights, court mages, castle archers, pinamumunuan ang bawat pulutong ng limang heneral at ng kanilang direktang alagad.
Nang makita kong nag-usap na sina P-knight at ang apat pang heneral ng Floria ay nawala na rin ang pamilyar ko dahil tapos na nito ang pinag-utos ko.
'Okay, ngayon, kailangan kong-' napatigil ako sa pag-iisip at agad na lumingon ng makarinig ako ng pag-crack ng isang sanga, at sa likuran ko, nakita ko si Lyfa, combat-ready.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko.
"Ikaw din, anong ginagawa mo? Umaalis at iniwanan mo ako doon?" sabi niya.
"Kasi mas mapapadali ako sa pagpunta sa dinadaungan ng barko kung hindi ka kasama," sabi ko.
"At paano mo naman nasabi yan? Halos magkapantay lang naman tayo ng bilis ah!" sabi niya.
"Yun ay kung hawak mo ang pana, tsaka balak kong lumipad, lumalayo lang ako sa settlement dahik baka may mga matang nagmamasid," sabi ko.
"Then, buhatin mo ako!" sabi niya at napabuntong hininga na lang ako.
"Tara na," sabi ko at nakita kong sumaya ang mukha niya.
Nang makalayo-layo kami sa settlement ay agad ko siyang binuhat in princess cradle at lumipad.
Nakadepende ang bilis ng flight skill sa mana consumption nito, kaya sinakripisyo ko ang halos lahat ng mana ko para lang makarating agad sa dinadaungan at lumapag ilang metro ang layo sa limang pulutong.
"Sorry, kung natakotbka sa bilis," sabi ko dahil kanina pa kapit-kapit sakin si Lyfa.
"W-wala yun," sabi niya kasabay ng pagbaba ko sa kanya at napansin kong nangangatog ang tuhod niya.
"Ano nga p-pala ginagawa nila dito?" tanong ni Lyfa ng makita ang limang pulutong.
"Secret," sabi ko at pinalobo niya ang pisngi.
'Para siyang bata... well bata naman ang height niya at sure akong mapagkakamalan siyang 12 years old,' sabi ko sa isipan habang papalapit kami sa limang heneral P-knight included.
"Oi, P-knight!" tawag ko.
"P-knight? Akala ko ba F-guy ang palayaw niya?" tanong ni Mira, ang pinakamagaling na mamamana ng palasyo, nakasuot siya ngayon ng isang leather armor set na kahawig ng suot ni Lyfa, ang kaibahan lang ay kulay berde ang suot niya samantalang ang kay Lyfa ay itim na may bahid ng pula, at kung tama ang memorya ko, tinatawag siyang Eagle Eye Mira, dahil sa sobrang taas ng accuracy niya at nagagawa niyang patamaan ang target na may layong isang kilometro.
"Iniba ko na, mahilig kasi," sagot ko.
"Mahilig?" tanong ng dual sword wielder, ang pangalan niya ata ay... Calyx, kababata at matalik na kaibigan ni P-knight, kilala siya bilang Flash Sword Calyx, siguro dahil mataas ang attack speed niya, hindi ako sure dahil hindi ko pa siya nakitang lumaban ng seryoso.
"Ganito kasi yan," sabi ni Adelaide at kinuwento ang dahilan ng pagpalit ko sa palayaw niya.
"Sabi na eh! Magkaibigan nga talaga tayo," sabi ni Calyx at inakbayan si P-knight "pero seryoso mixed bath? Ano pa inaantay natin, tara na't makipagalyansa! Para sa mixed bath!" sabi niya at sinikmurahan siya ni P-knight.
"Ikaw! Ikaw ang dahilan kung bakit ako nabansagan, naimahe kong yan ang sasabihin mo sa oras na malaman mo yun kaya ako napangiti!" sabi ni P-knight at tinapak-tapakan si Calyx.
"Tumigil kayong dalawa, nasa presensiya kayo ng tagapangalaga," sabi ng lalaking tinanggalan ko ng boses noon, ang pangalan niya ata ay Xian, tungkulin niyang protektahan ang siyudad ng Pyr dahil sa cursed weapon niya, at ang cursed weapon din niyang yun ang nagbigay sa kanya ng titulong Bloody Berserker dahil nagwawala siya sa laban, at dahil sa lakas niya na halos kalevel ko lang ay hinahati niya sa dalawa ang mga halimaw gamit ang palakol niya.
"Di ba sinabi na ng hari na-ituring siyang ka-level natin but still show some respect!" sabi ng isang babaeng may malabakang size ng dibdib at iniangat ang staff at buong pwersang inilapag iyon sa lupa kasabay ng biglang paglamig ng paligid, ang babae ay ang unang prinsesa ng Floria, si Princess, seryoso, Princess talaga pangalan niya since ang lolo ni Adelaide, ang dating tagapangalaga ang nagpangalan sa kanya, tinatawag siyang Ice Cold Princess dahil sa elemento niya at malakas na magical abilities na minana niya sa yumaong ina niya.
"Sorry," sabi nilang dalawa.
"Nawawala ang pagiging knight mo tuwing kasama mo si Calyx," sabi ni Mira.
"Zeke, Calyx, Princess, Mira, Xian" tawag ko sa kanila at lumuhod silang lima sa harap ko "gawin niyo at siguraduhin niyong hindi kayo papalya," sabi ko at ibinigay sa kanila ang kani-kanilang misyon.
"Seryoso ka doon?" tanong ni Lyfa sakin.
"Oo, provocation lang naman yun," sabi ko habang nagtatanghalian kaming lahat.
"Pero... paano kung may sumuway?" tanong ni Lyfa sakin.
"Sinabi ko na sa kanila ang gagawin pero para sa ikakapanatag ng loob mo, pinakalat ko sa lahat na sa ngalan ng tagapangalaga ng apoy, papatayin ng namumuno ang kung sino mang mahuling sumuway sa pinag-uutos," sabi ko at doon lang nakahinga ng maluwag si Lyfa
Matapos ang maagang pananghalian ay tinuro ko sa bawat lima ang kanilang dadaanan at hanggat maari ay maging maganda anh relasyon sa bawat dadaanan since nakakapagsalita na sila ng nocturian lamguage maliban lang kay P-knight kaya dadaan siya at ng pinamumunuan niya sa dinaanan namin nung patungo kami sa kapitolyo.
"Tandaan niyo, meron kayong isang linggo para makarating doon," sabi ko at binigay na ang hudyat na umalis.
"Tutal ginagamit ni Celine ang kapangyarihan ng bansa, gagamitin ko rin ang akin," sabi ko habang pinapanood ang martsa ng mga sundalo.
"Pero mahirap na utos ang labanan sila ng hindi pinapatay," sabi ni Lyfa.
"Yun lang naman ay kung hindi sila bigyan ng daan," ani ko "tara na, babalik na tayo sa settlement," sabi ko at inakbayan si Lyfa na ikinabigla niya kaya napatingin siya sa mukha ko pero saglit lang yun at umakap siya sakin ng mahigpit at ginamit ko na ang <Retreat> at bumalik sa settlement.
BINABASA MO ANG
Soria: World's Guardians
FantasyMark Anthony Sevilla, your average guy, ay pinatay at napunta sa ibang mundo, at doon ay... This story is just a light-dark story with a weak storyline(?). The first chapter(book) of the Administration Series ...