Matapos ang lecture ay ay ginamit ko ang <Administrate> just to test at nagkaroon ng window na nagsasaad ng:
Target: none
Generate
Bestow
Agad kong pinindot ang generate at nagsilatawan ang lahat ng available materials, pati ang mga equipments na at best ay artifact level, may mga pagkain din, pero sundin natin si Galice kaya matapos gumawa ng <Ancient Dragon Hide> na automatic na napupunta sa item box with 1 full stack(100 pcs), tinapos ko na ang experiment after kong malaman ang generation limit na sampu, ewan ko kung per day.
Chineck ko din ang nga suot ko at lahat ng suot ko ay naging <Godly> quality kaya naisipan kong gumawa ng bago, of course matapos gawing [+50] ang lahat ng suot ko, wish ko nga may surplus pa ng mga materyal dahil ni wala pa sa 1/10 ang nagagamit na refine points ng mga gamit ko, meron pa namang mga materyales pero kailangan ko yun para sa mga equipments ko.
Dahil hindi pa tapos ang training ko, kailangan ko pang manatili sa Nocturia, dahil tuturuan niya ako sa teleportation, skill hold, kung saan gagamit ka ng isang lower level skill kahit na hindi yun yung current level, perfect sample ay curaga MAX, tapos gagamit ka lang ng curaga XX.
Dahil na-bored ako tuwing break ay gumawa ako ng mga bagong equipment, inuna ko muna ang mga leather equipments ko and upon completion:
"Anong joke 'to!" sabi ko dahil ang nagawa ko ay may [+100] na kahit na may clean refine points pa at ang quality ay Legendary, rank upper than divine, and lower than godly, kahit na ang mga materyales na ginamit ko ay mga simpleng materyales lang, mga low quality materials.
"Haah... buntong hininga ko at tinignan ang stats ng white cotton shirt, isang simpleng cotton shirt.
<Cotton Shirt[+100]>
[Refinement: 0/500]
Defense +9999[+100]
Magic Defense +9999[+100]
Abnormal Status Resistance(Large)
Auto-Size Correction
Auto-Restoration
Quality: Legendary
"Joke 'to, yup, joke 'to," sabi ko in complete denial habang nilalagay ang damit sa item box.
The next day, tinanong ko si Galice about sa nangyari, apparently, dahil daw yun sa job ko at kung gugustuhin ko, pwede ko daw makontrol ang ups pero hindi ang quality, at para maging normal ang quality, i-off ko daw ang job, at doon ko nalaman na pwedeng i-disable/enable ang mga job.
Commencing disable! All jobs disabled complete! Keeper job cannot be disabled, damn! Akala ko magiging normal na uli ako kung ma-off ko yun.
Madali lang ang teleportation, kailangan ko lang palibutan ang sarili ko ng magic, then imahinin ang itsura nang pupuntahan ko, then, activate, at yun na, nakapagteleport na ako, kaso may downside, may teleportation limit, sampu at kailangan ng isang buong linggo para makarecover ng isa.
Matapos pa ang isang linggo ay natapos na rin sa wakas ang training ko, nakagawa na din ako ng equipments with epic quality, two ranks below divine, gamit ang mga ultra low quality.
Agad akong nagteleport sa may bahay, at pagkapasok na pagkapasok ko ay agad akong niyakap ni Mimir na nakita ang pagdating ko.
"Buti naman at ayos ka lang," sabi niyang maluha-luha.
Nang makita ako ni Lyfa ay agad akong humingi nang tawad dahil pinag-alala ko sila.
"Yeah, pinag-alala mo kami, tatabihan mo kami sa kama mamaya," sabi niya.
"Yeah, tatabihan mo kami mamaya!" sabi nila.
Nang magpunta kami sa may kwartong kinatutulugan ni Aria ay tinanong nila ang mga nangyari kaya ikinuwento ko ang lahat at walang itinatago, pinaliwanag ko ang tungkol sa ascension, sa pagiging immortal ko at sa mga nagagawa ko at sinabihan nila akong sila din, gawin silang immortal, pero sinabihan ko sila na pagkapanganak na ni Mimir.
Ayoko munang gumalaw kaya nanatili ako sa may bahay, gumagawa ng mga household appliances gamit ang mga magic crystal ng Hydroria, nagawa kong makagawa ng electric fan after kong pag-aralan ang turbine sa may blueprint na hiniram ko sa <Grand Archive>, matapos yun ay sinubukan kong gumawa ng ilang household appliance like oven, blender, toaster, etc.
May mga merchant din from Mountoria na nagtitinda ng mga chandelier, table lamp, flashlight, lighter, stove, at kung ano-ano pang appliances to the point na hindi ko na nilabas ang ibang ginawa ko, wasted effort.
Lagi din akong inaaya sa may palasyo as sparring partner pero dahil ascended na ako, hindi na sila makaporma sakin, kahit na nagpipigil ako.
Nanganak din si Mimir matapos ang apat na linggo simula nung bumalik ako after ascension, kung iko-convert ko ang mga araw na lumipas, pre-mature baby ang anak namin na 8 months lang sa sinapupunan niya, lalaki ang anak namin at tulad ko siya, mukhang florian, pero nakuha niya ang buhok at mata ni Mimir, pinangalanan ko siyang Lantis.
Dahil nanganak na si Mimir ginulo na nila ako at gawin ko din daw silang tulad nila kaya tinanong ko kay Galice kung paano.
"Buti naman at nagtanong ka muna, pero sure na kayo? Hindi na madadagdagan anak niyo," sabi ni Galice, apparently, literal na titigil ang paglaki nila, ganun na din ang reproduction, pero okay lang kaming mga ascended, kung gusto ko daw ay gawin kong ascended din sila, pataasin ang stats nila hanggang sa hindi na macompute ng world power(system).
Nang sabihin ko yun ay sinabi nilang stop muna sa isa at magpapalevel sila, dahil gusto daw nilang magkaroon sila ng limang anak, okay lang naman sakin, ang problema, gusto tag-lima sila, hindi combined kahit na itinuturing nilang anak nila ang pamangkin nila.
A month and half later, nang nagsisimula nang gumapang si Aria at hindi na siya makita sa isang lugar at nahihirapan na ang yaya niyang si Ame at si Lyfa, ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Nekone, natapos na daw ang analysis sa mga scrolls at nakagawa na ng isa kaya magpunta daw kami doon.
Dahil umiyak at ayaw magpaiwan ni Aria ay dinala namin siya, and to be fair, isinama namin si Lantis at kinabahan kasi first time kong maraming iteteleport, pero nagawa ko naman ng maayos.
"Oh, andito na kayo," sabi ni Nekone nang makita kami "ang bilis niyo ah, parang kanina lang ako tumawag."
"Ah, nagteleport ako," sagot ko.
"Ituro mo sakin," sabi niya with her face extremely close.
"Matutunan mo din, level lang," sabi ko.
"Okay, wag mo sasabihin ang level para surprise," sabi niya.
"... Okay, sabi mo eh," sabi ko 'matagal-tagal yun,' sabi ko sa isipan.
"Asaan na ang scroll?" tanong ko at dinala niya ako sa workshop na ginawa nila para lang sa scroll production.
"Anong materyal 'to?" tanong ko.
"Ang papel ay gawa sa kilala mong materyal, ang ink ay dragon's blood; tapos ang brush ay gawa sa dragon's scale fiber," sabi ni Nekone matapos ko siyang hagisan ng ilang ancient dragon leather.
"Anong materyal yun?" tanong ko.
"Etong binigay mo, lahat ng materyal na ginamit sa scroll, gawa sa dragon materials," sagot niya at pinakita sakin ang laman ng isang scroll, iba na ang laman, di tulad noon na puro sulat lang, ngayon, magic circle lang ang naroon.
"Hindi namin marecreate ang chant only kaya sinubukan namin ang magic circle na lumalabas every spell cast at doon lang naging okay," sabi ni Nekone "at dapat may affinity ang guguhit ng magic circle sa element ng spell na ginuguhit niya or else, nag-aksaya ka lang."
"So basically, kung gusto mo ng light magic scroll, kailangan light mage din ang gagawa," sabi ko.
"Yup," sabi niya.
BINABASA MO ANG
Soria: World's Guardians
FantasyMark Anthony Sevilla, your average guy, ay pinatay at napunta sa ibang mundo, at doon ay... This story is just a light-dark story with a weak storyline(?). The first chapter(book) of the Administration Series ...