Chapter 48

1.9K 109 0
                                    

Mga araw ang lumipas ng tahimik at maaliwalas. Nanunuluyan ako sa isang posada at salamat sa intro letter na binigay ni Celine at sa pagtanggal niya sa wanted poster ko ay nagawa kong makakuha ng mga quest sa guild. Sa mga lumipas na araw ding iyon ay nagbigayan kami ng info ni Celine, mainly sa strethening method namin na ikinainis ko kasi ang method niya ay: nagagawa niyang makuha ang mga stats at skills ng gamit na suot niya basta masuot niya iyon ng ilang oras, yung weapon niya rin napapabago-bago niya ang anyo kaso hanggang bow lang at basta maglagay siya ng materyales ay kusang magkakaroon ng bagong weapon in other words meron siyang weapon chart tapos pwede niya ring kopyahin ang mga bow at ang cards! D*mn it! Yung cards na yun ay makukuha sa mga halimaw by random chance, isang drop item na pwede mong ilagay sa mga equipment for enchancement or status upgrade or skill, etc. at yung auto-loot niya, merong kasamang mga equipment items. Buset! Hindi ko alam yun kaya literal na mga materyales ang nakuha ko doon sa ibon tulad ng <Trident Tail>, <Tempest Feather>,<??? Down> at kung ano-ano pa.

Sa mga nakalipas ding araw na iyon, napag-alaman kong pinutol ni Lyfa ang engagement niya at hindi na niya sinabi ang dahilan kahit nung tanungin ko si Zedrick ang sinabi niya lang ay ayaw na ni Lyfa at nakahanap na siya ng lalaking talagang minahal niya hindi dahil sa pinagkasundo sila, and of course, pati na rin ang paghabol sakin ni Mimir at pinipilit akong pakasalan siya, buti nga at hindi niya ginamit yung nangyaring aksidente pero pakiramdam ko huling alas niya yun.

"Nakadaan na si Mimir," sabi sakin ni Eriole nang bigla akong tumalon sa isang puno para lang mataguan siya dahil unti-unti kong nakikita si Cecile sa kanya "kailangan mo ba talagang magtago?"

"Alam mo kung ano nangyari sakin bago ako mapunta dito diba? Sabihin mo sinong hindi matatakot doon? Specially andito si Celine, kahit ba sabihin nating hindi siya nanggaling sa mundong alam ko, si Celine pa rin siya at naalala ko lagi yun tuwing nakikita siya!" sagot ko.

"The feelings were similar," sabi ni Celine na napadaan at nadinig ang reklamo ko.

"Ano nga pala kailangan mo?" tanong ko sa kanya dahil pinatawag niya ako at papunta na sana sa silid niya ng madetekta ko si Mimir at nagtago.

"Okay, sasabihin ko na nang maka-alis ka na," sabi niya at may nilabas na isang dokumento "pinangalanan na ang halimaw na naenkuwentro natin ang pangalan ay <Hrisvailer>, yung pinadala mong pangalan."

"Yun lang?" tanong ko dahil pwede niya namang ipasabi na lang yun.

"Hindi lang yun, may gumagawa na ng isang port village sa may lugar na ito at naglabas siya ng mapa at tinuro ang dinadaungan ng barko "buset kasi, wala akong <Map>," reklamo niya.

"Nagreklamo ba ako nung sinabi mong nagagawa mong kopyahin ang mga pana at makakuha ng mga equip items?" tanong ko.

"Common knowledge na ang gamitin ang drops ng halimaw ano," sabi niya at biglang sumeryoso ang mukha "paano mo naging desipulo si Eriole?"

"Ah... so yun pala, ang ingay mo Eriole," sabi ko.

"Well, nung nakasabay kong maligo ang tagapangalaga ay nakita niya ang marka sa likod ko kaya..." sagot niya at pina-alala niyang pwede ang mixed bath na muntikan ko na makalimutan.

'Buti na lang at hindi ako dito tumutuloy,' sabi ko sa isipan dahil paniguradong gagawa ng paraan si Mimir para magsabay kaming maligo.

"Kung yun lang, then tara tumawag ka ng magiging test subject mo," sabi ko.

"Tumawag na ako," sabi niya at para bang kinutuban ako ng masama kaya tinanong ko kung sino "si Mimir."

"Alis na ako, bye!" sabi ko at dali-daling tumakbo palayo at tinalon ang bakod.

Soria: World's GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon