"Haah..." buntong-hininga ko "Lyfa, totoo ba itong info na ito?" tanong ko sa babaeng katabi habang nagtatago sa dilim ng isang bahay.
"Tinignan na nila, base nga yan ng mga rebelde," sabi ni Lyfa.
Three days matapos ang seven days R&R ay nakakuha kami ng info mula sa isang Dark Carnage guild member paukol sa isang base ng mga rebelde sa «Montres».
'Fire squad, in position,' sabi ko kay Celine habang pinagmamasdan namin ang tinutukoy na base.
'Okay, in position narin ang water, on my —what?! Tch, found out sila Rhozanse, move! tutulungan ko sila kaya magiging busy ako,' sabi ni Celine sa isipan ko.
"Okay, charge!" sabi ko at dali-daling binuksan ang pinto ng shop.
"<Silencio>, <Mana Chain>," gamit ko sa dalawang spell upang hindi makagalaw ang shopkeeper at ginamitan ang shookeeper ng <Mind Reader I>.
"May info kami na nagsasabing may mga rebelde na nagtatago sa shop na ito, sa basement in fact, at ang pinto ay nasa ilalim ng mga crates na yun," sabi ko at itinuro ang mga crates.
Umiling-iling ang shopkeeper pero sa isipan niya ay tinatanong niya kung paano ko nalaman.
"Guilty, alisin ang mga crates, Lina, patulugin mo ang shopkeeper, kailangan niyang sumagot mamaya sa mga tanong," sabi ko at agad na pinatulog ni Lina ang keeper at inalis namin nina Mimir ang mga crates.
"Mimir, pagbukas nitong pinto, maaring may nag-aabang so barilin mo kung meron at kung wala naman ay wala lang of course at para mapadali," sabi ko at naglabas ng isang crystal "<Sight Stealer> crystal," sabi ko at hinawakan ang handle nang pinto at ini-slide iyon nang bahagya pero dahil walang umatake ay nilagyan ko ng mana ang crystal at ibinagsak sa may loob at sinara ang pinto, after three seconds ay binuksan ko ng buo ang pinto at tumalon sa baba, sumunod sina Lyfa at Mimir, samantalang on-guard sina Lina at Lulu.
"Walang tao or gamit, di kaya mali?," sabi ni Mimir kaya ginamit ko ang <Despell> at lumitaw ang mga gamit na ebidensiya.
"Nope, natatago lang, tulad nang nasa likod ng mga box, kung gusto mong mabuhay, lumabas ka diyan," sabi ko pero hindi lumabas ang nagtatago.
"Very well," sabi ko at biglang nagtungo sa harap ng nagtatago, isa siyang babaeng werebeast at may lynx-like apperance, sinikmurahan ko siya at agad na nawalan ng malay.
"Lyfa, sorry to disturb," sabi ko at dinala ang babaeng pinatulog sa kanila.
"Sorry, paki-kuha lahat," sabi ko at at tumalon na sa butas upang makabalik sa ground floor.
"Kuya," sabi ni Lulu habang nakasilip kaya dahan-dahan akong lumapit at sumilip din.
"Lyfa, Mimir," sabi ko sa dalawa nang sumilip ako sa basement.
"Bakit?" tanong ni Mimir.
"Bilisan niyo, napapaligiran tayo," sabi ko at bumaba para matulungan sila.
"Okay," sabi nila at nagmadali na sa pangongolekta ng mga laman ng basement, pati mga papeles.
Nang makuha na lahat ay agad kaming bumalik sa itaas.
"Walang magic, nasa loob tayo ng bayan," sabi ko at tumango sila.
"Ingat din sa mga proectiles, maaring makatama tayo ng inosente," sabi ko at napansing kinuha ni Mimir ang isang army knife sa may hita niya at inilagay sa nozzle ng baril na hawak.
'Bayonet eh,' sabi ko sa isipan.
"Okay," sabi nila at nakita ko rin na inilagay ni Lyfa ang pana sa may likod at binunot ang hunting knife niya.
BINABASA MO ANG
Soria: World's Guardians
FantasyMark Anthony Sevilla, your average guy, ay pinatay at napunta sa ibang mundo, at doon ay... This story is just a light-dark story with a weak storyline(?). The first chapter(book) of the Administration Series ...