Kinaumagahan, matapos ang almusal ay ipina-alam ko na lilipat kami ng titirahan mamaya kaya mag-handa na sila.
Sinabi ko na din sa mga nasa 'ampunan' ang mangyayari at dahil may mga dating magsasaka doon ay agad silang pumayag sa alokasyon ng ani na 60-40, sakin ay 60 sa kanila ang 40 plus tirahan. Sinabi ko na din sa mga hydrorian na medyo gumaling-galing na ang iba sa mga mangyayari, na agad silang pumayag, nakakalungkot nga lang daw mag-iiba na ang itsura ng gusaling nakasanayan nila.
Matapos ko silang masabihan ay nilibot ko ang mga matandang shrine maidens plus sina Lyfa, Mimir at Luxerra sa lote.
"Wow... ang laki," sabi ni Luxerra nang makarating kami, sakay ng isang carriage syempre.
Agad kaming nagtungo sa may bandang dulo at ipina-alam ko na doon kami titira at ang mga shrine maidens ay sa retainer's quarter.
"Ah, oo nga pala, Head Maiden," sabi ko "malaki itong lupain at kailangan ko ng manager nito sa tuwing wala ako, maasahan ba kita?" tanong ko.
"Paumanhin po ngunit wala akong karanasan sa pamamahala ng ganitong kalaki," sabi niya.
"Pero maari kong pamahalaan ang mga mutsatsa," sabi niya at inisa-isa na ang mga kakayahan ng mga ibang kasamang matanda at ang nangyari, ay nagkaroon na ng complete set starting from maids to chef.
Nang kinahapunan ay lumipat na kami sa villa, dahil may farming tool sa farm shed ay pwede agad magsimula ang mga pumayag na maging farmer kasama ang mga pamilya nila, at para naman sa mga hydrorian, dahil madami sila ay nahati sila sa ilang grupo at tumira sa ilang bahay na malalapit lang sa isa't-isa at sa isang malaking bahay na pinili ko upang maging workshop nila, dahil sila ang gagawa ng mga alahas at damit, ang dalawang tempestorian naman ay naging tagabigay mensahe ko sa palasyo.
Ang mga shrine maidens naman ay natuwa dahil meron silang kanya-kanyang kuwarto at dahil sa pabiro kong sinabi ang kinuwento ni Nekone paukol sa mga combat maids at combat butler, ang nangyari ay maliban kina Lulu at Lina, ang lahat ng shrine maidens ay magiging combat maids.
Tatlong linggo na ang lumipas; agad akong bumili ng sangkatutak na buto at binigay sa mga farmers kinabukasan nung lumipat kami kaya meron ng mga talbos nang mapadaan ako habang palabas ng villa, agad ding sinimulan ang renovation at naghanap na din ako ng magiging manager ng villa in my absense; dumating din ang pinadala ni Galice para maging sword teacher, isang were-cat na nagngangalang Noire, apparently, naging kasama siya ni Celine, pero dahil na stuck si Celine sa Nocturia ay pinadala siya dito ni Galice, sinalubong naman siya ng mga bata na puno ng galak at madami din ang may gustong gumamit ng espada, hindi ko nga pala alam kung paano nangyari pero may mga hydrorian na bata ang sumasali sa magic training, kabilang nadoon ang fully-healed na si Freyja; dahil andito si Nekone ay agad akong nagtungo sa plains, kasama sina Lyfa at Mimir para sunduin siya dahil unannanimous desision na doon siya sa guest house titira, dapat kasama si Luxerra pero nasa gitna sila ng pagsasanay ng mahika kaya hindi ko na inaya.
"Hello~" bati ni Nekone mula kay Aqua ng makita kami.
"Musta!" sabi ko.
"Eto, ayos!" sagot niya at nang lumapag na si Aqua ay agad siyang tumalon at agad yumakap kina Lyfa at Mimir.
"Ano tara?" tanong ko.
"Okay, tara," sabi niya kaya agad namin siyang dinala sa may palasyo.
"Maligayang pagdating, Tagapangalagang Nekone," sabi ng hari nang magkita si Nekone, nag-pauna na sina Mimir ay Lyfa dahil aayusin nila ang silid na tutulugan niya sa guest house..
"Sorry, pero wag na tayo maging formal, kelan ang alis?" tanong niya.
"Matapos ang isa o dalawang araw dahil hindi agad natapos ang paghahanda," sagot ng hari.
"I see, then, malaya akong gawin ang gusto ko?" tanong niya.
"Medyo," sagot ko.
"Then gusto kong makita ang mga bata," sabi niya tinutukoy ang Hydrorians.
"Okay, fine tara," sabi ko at agad na nagpunta sa may lawa sa likod ng palasyo.
"Ano gagawin natin dito?" tanong ni Nekone.
"Andun sila sa may kabila ng lawa," sabi ko.
"Ooh... okay," sabi niya at itinaas ang hawak na staff at biglang nahati sa dalawa ang lawa katulad nung sa nabasa ko dun sa bible.
"Hoy!" di ko mapigilang sabihin.
"Sorry, mas mabilis kasi kung tatakbo na lang tayo, kesa sa tawagin ko pa si Aqua," sabi niya.
"Okay, fine," sabi ko at tumakbo na kami patungo sa kabilang ibayo ng lawa, at ang nakita namin sa kabilang ibayo ay ang mga anak nung farmers, mag-iigib ng tubig pero natulala dahil sa nahati ang lawa.
"Paumanhin," sabi ni Nekone at binalik na sa normal ang lawa at nilagyan na rin ng tubig ang hawak nilang balde.
Agad kaming nagtungo sa may workshop kung saan, ang ibang mga matatandang hydrorian at ilang batang interesado ay buong atensyong gumagawa ng alahas; at ang iba naman ay pinag-aaralan ang librong binigay ko sa kanila paukol sa pananahi.
"Busy, sila," sabi ni Nekone at hindi na pumasok sa loob.
"Asaan na yung iba?" tanong niya.
"Nagsasanay ng mahika sa ilalim ng tagapangalaga ng liwanag," sagot ko.
"I wanna see!" sabi ni Nekone.
"Unfortunately nasa labas sila ngayon, ginagawang target ang mga slimes," sagot ko "at panigurado pabalik na sila ngayon kaya wag mo sabihin na gusto mo silang puntahan."
"Unfair," sabi niya sabay pout.
"Wag ka mag-alala, makikita mo naman ang sword training nila mamaya," sabi ko at nakitang kumikinang ang mga mata niya "ano, tara sa titirahan mo?" tanong ko.
"Okay, tara," sabi niya kaya dinala ko siya sa may guest house... dapat, pero dahil baka malungkot siya sinabi ko kina Lyfa na sa true house na lang siya, mag-isa lang naman siya.
"Haah... haaah... ang layo," sabi niya nang makarating na kami.
"Wag ako sisihin mo, yung palasyo ang sisihin mo," sabi ko.
"Heh? Bakit?" tanong niya.
"Maligayang pagbalik," sabi ng isang shrine maiden na walang talento sa mahika.
"Miko?" tanong ni Nekone.
"Ano yun?" tanong ko.
"Shrine Maiden," sabi niya.
"Ah... oo, dati, pero ngayon isa na siyang maid," sabi ko "isang combat maid to be exact," dugtong ko.
"Heh? Combat maid?" tanong ni Nekone.
"Mamaya, ipapaliwanag ko," sabi ko "asaan sina Lyfa?" tanong ko sa shrine maiden.
"Nasa kusina po si Ate Lyfa, nagluluto," sagot niya "si Ate Mimir naman po ay nasa salas."
"Okay," sabi ko at hinimas ang ulo ng bata bago kami nagtungo sa may salas.
Doon ay nakita namin si Noire nakaupo sa sofa, kinakausap ni Mimir paukol sa pagsasanay ng mga bata.
"Pero para sa isang tagapangalaga, ang sanayin ang mga bata upang maging isang assassin, nagkamali ako ng tingin sa'yo," sabi ni Noire nang makita ako.
"Hindi ko sila sinasanay para maging assassin, guard lang kung maari," sabi ko.
"Kung gayon, maari mo bang ipaliwanag ang sinabi ng isang bata ng tanungin ko sila kung kakayanin ba nilang kumitil ng buhay, na sinagot niya ng oo,"
"Sino doon?" tanong ko.
"Isang batang nagngangalang Freyja," sagot niya at napa-'ah' na lang ako.
"Hayaan mong ikuwento ko sa iyo ang naiisip kong dahilan kaya niya nasabi iyon," sabi ko at ikinuwento ang istorya ni Freyja.
"Mga hampaslupang nilalang," sabi ni Noire matapos ang kuwento ko.
"Andito na kami!" narinig kong sabi ni Luxerra sa may pinto.
"Mamayang gabi, pag-uusapan natin ang magiging solusyon diyan, at kasama ka doon Nekone," sabi ko.
"Okay," sabi niya.
BINABASA MO ANG
Soria: World's Guardians
FantasyMark Anthony Sevilla, your average guy, ay pinatay at napunta sa ibang mundo, at doon ay... This story is just a light-dark story with a weak storyline(?). The first chapter(book) of the Administration Series ...