"Sorry talaga, ate Sophia, dinawit ka pa namin," sabi ni Lyfa habang naglalakad kaming apat patungo sa subastahan.
"Wala iyon, kung may magagawa ako para makatulong ay gagawin ko," sabi niya at sinaklong sa ulo ang hood ng robang binigay namin sa kanya "ang kailangan ko lang gawin ay sabihin ang mga pangalan ng mga makikita ko sa loob na nakilala ko habang nandoon pa ako diba?"
"Sorry talaga, babayaran ka na lang namin ng malaki," sabi ko at nagtaas ng apat na daliri "mga ganito," at nakita kong napalunok siya.
"Game," sabi ko at sinabi sa kanila ang setting namin at magiging setting nila sa oras na pumasok kami sa loob.
"Ah, ginoong Lucio," sabi ng owner na parang inaantay kami "sila ay?" tanong niya ng makita ang dalawa.
"Isa sa mga bantay ko," sabi ko at tinuro si Calyx, dapat talaga si P-knight ngunit masyadong kilala si P-knight kaya out-of-question siya lalo na't covert operation pala ito, medyo kilala rin si Calyx ngunit pinatakpan ko ang mukha niya at ang setting niya ay isang shinobi na mula sa isang pamilyang direktang tagasunod ng angkan namin, at si Sophia naman, "tsaka ang alalay ng aking may-bahay," sabi ko at napansing namumula si Lyfa, nais ko mang tanungin kung bakit siya namumula samantalang siya mismo ang nagsabi ng setting na yun ay hindi ko nagawa dahil inaya na kami para dalhin sa special seat namin.
Ang special seat namin ay nakalagay sa terrace at kitang-kita mo ng maiigi ang stage at tanging para sa aming apat lang iyon.
"Hmm... tatlo ang upuan, para kay Mimir ata yung isa," bulong ko kay Lyfa.
"Hindi mo ata kasama ang isa?" tanong nito nang makapasok kami.
'Lintek ka! Dapat kanina mo pa iyan tinanong bago mo kami dalhin dito!' reklamo ko sa isipan "si Leone? Kasalukuyan siyang nasa bahay dahil..."
"May inaasahan siyang supling at ayaw niyang mapahawak siya," back-up sakin ni Lyfa at pabulong ko siyang pinasalamatan.
"Kinagagalak kong marinig iyan," sabi nito at yumuko "maiwan ko na kayo, magsisimula ang subastahan matapos lamang ang ilang minuto," at lumabas na siya.
"Calyx," sabi ko at tumungo ito at sumandal sa may pader malapit sa riles ng terrace, nakaharap siya sa pinto pero kita pa rin ang mangyayari sa stage "Umupo ka Sophia," sabi ko at umupo na kaming tatlo, ang plano ay siya ang nasa gitna namin ni Lyfa pero ang nangyari, ako ang napag-gitnaan nila.
"May mga nakikita ka?" tanong ko tinutukoy ang mga nakilala niya doon.
"Meron, tatlo, yung lalaking balbas sarado," sabi niya at tinuro ang isang lalaking nakatayo sa pinuwestuhan namin kahapon.
"Kilala ko ang lalaki, siya si Rumwel, isang monster shop owner at slave vendor," sabi ni Calyx.
"Paano mo nalaman?" tanong ko.
"Nung nasa Nocturia pa kayo, pinag-utos ng mahal na hari na manmanan namin ang lahat ng mga slave vendor, dahil may insight siya na baka maging underground ang bentahan ng mga Werebeast slaves," sagot niya "at nagkataong ako ang nagmanman sa kanya, until ipadala kami sa Nocturia."
"Sino pa?" tanong ko kay Sophia.
"Yung lalaking may dilaw na buhok," sabi niya at nakita ko ang galit sa mga mata niya.
"Ayoko sanang mangi-alam pero bakit ka galit sa kanya?" tanong ko.
"Dahil siya ang unang gumalaw sakin... at ama ng aking munting anghel," sabi niya at natahimik kami.
BINABASA MO ANG
Soria: World's Guardians
FantasyMark Anthony Sevilla, your average guy, ay pinatay at napunta sa ibang mundo, at doon ay... This story is just a light-dark story with a weak storyline(?). The first chapter(book) of the Administration Series ...