"And so, the start of the boredom week, start," sabi ko nang makarating kami sa kwartong inupahan.
"Maglibot ka," sabi ni Luxerra at naalala ko ang mga nangyari dun sa port city nung papunta kami ng Nocturia.
"Pagnaririnig namin yang 'maglibot ka' di namin maiiwasang isiping may mangyayaring masama," sabi ni Lyfa, marahil naalala rin yung nangyari noon.
"Yeah, isa na iyang the town is in danger flag para sa amin," pag-segunda ko.
"Bakit?" tanong niya kaya sinabi namin ang mga nangyari noon "ah, wag ka mag-alala, andito ako," sabi niya matapos naming mag-kuwento "tara kain na tayo, tanghali na," sabi niya at nilabas namin ang ginawang lunch dapat mula sa <Inventory> "eh? Ba't may ganyan kayo?" tanong niya.
"Lunch namin dapat ito, eh sayang kung masisira kaya kakainin namin," sagot ko.
"Ang duga, ako lang kakain sa baba," sabi niya sabay pout "di bale na lang, kakain na lang ako ng madami sa baba," sabi niya saka lumabas, after a minute ay sumilip uli siya "hindi ba talaga kayo bababa? Hindi niyo ako sasamahan kumain?" tanong niya kaya napangiti na lang kami.
"Okay, tara sa baba," sabi ni Lyfa sabay tayo para sundan si Luxerra.
Matapos naming kumain ay agad akong naglibot, naghahanap ng bookstore, agad naman akong nakahanap at bumili ng ilang recipe books at novels na pwede kong basahin sa loob ng pitong araw.
Matapos mamili ng libro ay naglibot-libot uli ako at napunta sa isang dambana, and out-of-curiosity pumasok ako na sana hindi ko na ginawa dahil...
"Maari bang malaman ang maipaglilingkod namin," sabi ng isang matandang babae, head shrine maiden "meron ka bang kamag-anak na bibisitahin?"
"Ah, hindi ako tagarito at naglilibot-libot lang," sabi ko at kinamot ang ulo ko gamit ang kanang kamay at napansing tumalim ang mata niya at nakatingin sakin.
"Bakit?" tanong ko.
"Wala," sabi niya, biglang nag-iba ang expression "nais mo bang makita ang buong kalooban?"
"Nn," pagsang-ayon ko kaya inilibot na niya ako.
"Ang dambana na ito ay siyang training grounds ng mga kababaihang—"
'Nagnanais na matuto ng light magic?' dugtong ko sa isipan.
"—nag-nanais na maging babae ng tagapangalaga ng apoy," sabi niya na ikinasamid ko "ayos ka lamang ba?" tanong niya.
"O-oo, nabigla lang ako," sabi ko "m-maari bang malaman ang pinagmulan nitong dambana na ito?" tanong ko.
"Nagsimula ang mga dambana na ito libong taon na ang nakakaraan," simula niya "ang tagapangalaga na iyon ay nag-ngangalang «Suzuki Natsu»; ipinagkasundo siya sa prinsesa ngunit ayaw niya sa ugali nito at sinabi ang mga katangiang-gusto niya at nang malaman iyon ng papa at arsobispo ay pinatayo nila ang kauna-unahang dambana na makikita sa kapitolyo."
"Ano... ano yung mga gusto ng tagapangalaga?" tanong ko.
"Isang babaeng: mahinhin, kaakit-akit, maganda ang hubog ng katawan, masunurin, matalino, mapagmahal, magalang," sabi niya "marami pa ngunit iyon ang pinaka-mahalaga."
'Lintek ka, kung nasaan ka man, Suzuki Natsu, anong pinag-gagawa mo!' reklamo ko sa isipan.
"Yun ay para sa mga nasa edad na," dugtong niya.
"Heh?"
"At para naman sa mga wala sa edad, ang nais niya ay isang: kaakit-akit, masunurin, mapagmahal, matalino, magalang; yun ang madalas niyang hanapin," sabi niya at saktong labas ng isang batang babae, around 5 years old, nakasuot ng shrine maiden outfit at may hawak na mangkok at nagsasalita ng 'meow meow' na para bang may tinatawag.
"Ah," ani ng bata nang makita ang isang <Asup>, a level one monster na madaling mapa-amo at kilala bilang mga alaga; ang itsura nito ay katulad ng sa mga domestic cat pero mahahaba ang pangil na para bang isang sabretooth "andiyan ka lang pala, meow meow," sabi niya at ibinaba sa tapat ng <Asup> ang mangkok.
"Lulu," tawag ng matandang babae kaya agad tumayo ang bata at humarap samin, at nang makita ako ay:
"Kamusta butihing ginoo, ang pangalan ko ay Lulu, ikinagagalak po kitang makilala," pakilala niya.
"Ako naman si <Zekeil> kinagagalak din kitang makilala," sabi ko, not sure kung bakit ako nagsinungaling basta bigla na lang lumabas sa bibig ko ang pangalan ni P-knight.
"Lulu, ano na ang estado ng iyong pagsasanay?" tanong ni head shrine maiden.
"Kasalukuyan pong kami ay nagtaanghalian, pagkat ako ay tapos na sa pagkain, nagpaalam po akong bigyan ng makakain si <meow meow>," sagot niya "at dahil tapos ko na po ang aking ipina-alam, babalik na po ako sa silid kainan upang antayin ang mga ate na matapos sa pagkain," sabi niya, yumuko at umalis.
"Tanong. Ba't may bata?" tanong ko.
"Malalaman mo sa pagpapatuloy ng historya, maari ko na bang ipag-patuloy?" tanong niya.
"Please do," sagot ko at nagpatuloy na uli siya sa pagkuwento at paglilibot sakin.
Ang summary ay: dahil ayaw ni Suzuki Natsu sa prinsesa, sinabi niya ang mga gusto niya leading to this shrine, at dahil maraming mga noble na gustong ipakasal itong si Suzuki Natsu sa kanilang mga anak na babae, pinadala nila ang mga anak sa shrine upang maging katulad ng gusto ni Suzuki Natsu, after years of training ay pinakasalan ni Suzuki Natsu ang lahat ng babae at ang mga anak nila ay tinuruan din sa mga gusto ni Suzuki Natsu; then nang mamatay na Suzuki Satou ay ipinagpatuloy ang pagsasanay sa mga kababaihan para sa susunod na tagapangalaga, at dahil hindi agad napalitan si Suzuki Natsu at dahil 21 ang mga babae nang makasal kay Natsu ay naging graduate na ang mga nagsasanay na umabot sa taon ma iyon at ending up being a fine woman up for grabs para sa mga anak ng noble na lalaki; then dumating ang kapalit ni Suzuki Natsu na kina-ayawan ang royalty at noble at nang malaman niya ang existence nitong shrine at kung ano ang mga nagsasanay dito sinabi niya na kung gusto nilang makasal sa kanya, itapon nila ang apelido nila, senyales na itatapon nila ang pagiging noble o royalty nila, may mga nagtapon at may mga hindi kinaya, at dahil may mga nagtapon ng apelido naging asawa niya sila, leading to another rule: dapat hindi noble ang mga magsasanay kaya para makapasok na sa shrine kailangan na nilang itapon ang apelido nila; years past at ang sumunod na tagapangalaga ay isang pedophile na inasawa agad ang isang 7 years old na nasa gitna pa ng pagsasanay nang matuklasan ang existence nitong shrine, in other words, ang mga rules at ang mga importanteng characteristics ay ang accumulation ng mga henerasyon ng mga tagapangalaga.
Busy ako sa pagrereklamo ko sa isipan habang kinukuwento sakin ang historya kaya hindi marehistro sa utak ko ang itsura ng paligid, at hindi ko alam kung kelan kami napunta sa harapan ng isang kuwarto na kinalalagyan ng ilang kababaihan na nasa gitna ng pagsasanay nila sa pagluluto, ewan ko kung sinong tagapangalaga ang nagsabi na gusto niya ay magaling mag-luto, andoon lahat ng nagsasanay around 500 ata sila doon, tinuturuan ng mga nakakatanda ang mga bata at nang ilibot ko ang paningin ay nakita ko doon si Lulu at ang babaeng naka-bungo ko nung nakaraan.
"Maari bang magtanong?" sabi ni head shrine maiden.
"Ano yun?" tanong ko.
"Mahal na tagapangalaga, sino sa kanila ang iyong nagugustuhan?" tanong niya, nilakasan ang tagapangalaga kaya nanigas ang mga babae sa loob at tumingin sakin, at nang mapansin ko si Lulu ay nanlalaki ang mata niya at ang nakabungo ko naman ay naka-nganga na agad niyang sinara nang mapansin niya iyon.
"Paano mo naman nasabi na ako ang tagapangalaga?" tanong ko, sinusubukang maisalba ang sarili.
"Singsing, ayon sa mga tala, lahat ng tagapangalaga ay may suot na singsing, alam ko rin ang itsura dahil kabilang ako sa henerasyon ng Tagapangalagang Eustace," sagot niya.
'No way! Walang ligtas!' sabi ko sa isipan.
"Mahal na tagapangalaga, sino ang iyong nais na mapangasawa?" ulit niya sa tanong.
BINABASA MO ANG
Soria: World's Guardians
FantasyMark Anthony Sevilla, your average guy, ay pinatay at napunta sa ibang mundo, at doon ay... This story is just a light-dark story with a weak storyline(?). The first chapter(book) of the Administration Series ...