Nang magising ako ay nasa loob ako nang isang puting silid, may mga naka-kabit na medical aparatus sa mga katawan.
"Ah! Nagising na siya!" sabi ng isang lalaki kaya nilingon ko ang nagsalita at nakitang umiiyak siya.
Dad?
"Mom! Gising na si kuya!" sabi ng isang babae at lumapit sa kinahihigaan ko.
Eri?
"Buti naman at nagising ka na, anak ko," sabi ni Mom.
Mom? Panaginip lang ang lahat ng yun? I see... panaginip lang ang lahat? Pero parang totoo... inaantok pa ako... matutulog uli ako, wag kayo umiyak, matutulog lang ako, gigising din ako.
"Wag mo kami iiwan! Anthony!" sabi ni mom.
Mom... matutulog lang ako, wag ka umiyak Aria, dapat sayo ay laging naka-ngiti, wag kayong umiiyak, exagerated naman eh... hindi na ako mamatay... hmmm? 'Na'? Ahh... sa susunod na, pag-gising ko.
At nakarinig ako ng flat-line sound.
**********************************
Nang idilat ko ang mga mata ko ay nakita ko ang sarili sa isang pamilyar na kisame, may napanaginipan ako pero hindi ko matandaan kung ano yun.
"At last! Nagising ka na," sabi ni Celine kaya napalingon ako at nakita siya sa may pinto "bat ganyan itsura mo?"
"May iniisip lang ako, pinipilit kong maalala yung panaginip ko," sagot ko.
"At dahil doon, nagkaroon ka ng pulang mata?" tanong ni Celine at binigyan ako ng isang extremely polished sheet of metal bilang salamin.
Totoo ang sinabi ni Celine, meron akong kulay pulang mata.
"Anong nangyari?" tanong ko.
"Ikaw ang dapat kong tanungin! Nakita ka na lang ni Alissa sa libingan ng ninuno niya," sabi ni Celine.
'Libingan... Ah!' sabi ko sa isipan "nasa libingan ako dapat ni Rafael, kinakalaban siya!"
"Woah, teka! Paano mo siya makakalaban eh, matagal na siyang patay," sabi ni Celine kaya ikinuwento ko sa kanya ang mga nangyari.
"Okay... so freaky, kinalaban mo ang ghost ng strongest flame?" sabi ni Celine "teka, tatawagan ko sila Luxerra at Noir, baka may alam sila."
"Pupunta daw dito agad si Noir, mag-antay ka lang daw," sabi niya after a while.
"Uhmm... ilang oras akong tulog?" tanong ko.
"Approximately, 216 hours simula nung makita ka ni Alissa," sagot niya.
"Ahh, 216... oy! Nine days yun!" sabi ko.
"Yup, nine days na ang lumipas simula nang makita ka doon, napasugod tuloy dito si Lyfa at iniwan si Aria kay Mimir.
"Ah... kailangan kong humingi ng tawad sa kanya at pinag-alala ko siya," sabi ko.
A while later ay dumating na si Galice at ang unang salita niya ay:
"Anong joke 'to?" sabi niya "sobrang aga."
"Joke? Ang alin?" sabi ko.
"Ikaw, isa kang joke, bakit nasa iyo na ang aura ni Flamma?" tanong ko.
"Flamma? Di ba pamilyar ko siya?" sabi ko.
"Hindi yung dragon! Yung aura nang kapatid ko! Akala ko nagkamali ako nang makarating ako dito, pero nasa iyo nga ang aura... crap, isa kang joke, ang aga!" sabi ni Gakice
BINABASA MO ANG
Soria: World's Guardians
FantasiaMark Anthony Sevilla, your average guy, ay pinatay at napunta sa ibang mundo, at doon ay... This story is just a light-dark story with a weak storyline(?). The first chapter(book) of the Administration Series ...