Chapter 57

1.7K 111 1
                                    

"Hmm... Si Eriole ay kasama ni Zedrick patungo sa Floria," sabi ko sa sarili habang plinaplano kung sino ang mga isasama sa gagawin kong paglalakbay para maghanap ng makaka-alyansang bansa at para hanapin na rin ang kumag na may gawa ng lahat ng kaguluhan dito sa mundong ito ng tahimik ko nang maprotektahan ang bansa ng Nocturia.

"Mahal na tagapangalagang Celine," tawag ng isang pamilyar na boses, ang boses ni Lafayette.

"Ano yun?" tanong ko at binuksan ang pinto at pinapasok ang dalaga.

"Natapos ko na po ito," sabi niya at pinakita sakin ang isang vial ng kulay lilang tubig "pinaghalo-halo ko lahat ng mga delikadong lason na alam ko."

"Woah... di ko aakalaing matatapos mo agad iyan sa loob lang ng tatlong linggo," sabi ko at nakita kong nilagay niya ang dalawang kamay sa bewang, chest-out na isang body signature ng pagtanggap ng isang komplimento.

"Pero para saan yang lason na yan?" tanong niya.

"Gumawa ka ng isang lason na hindi kayang pagalingin ng kahit anong antidote, iyan ang challenge ko sayo three weeks ago, at ngayon ang vial na 'to, na siyang tatawagin nating <Basilisk's Poison> ang sagot," sabi ko "nonw, gumawa ka naman ng antidote para sa lason na 'to," sabi ko.

"Eh?" medyo lito niyang tanong dahil sa mga pinagawa ko.

"Dahil kung magawa mo iyon, magkakaroon na tayo ng isang antidote na siguradong eepekto sa lahat ng mga lason," sagot ko at nakita kong nagliwanag ang mga mata niya.

"Susubukan ko po mahal na tagapangalaga!" sabi niya at lumabas na ng silid ko kaya hindi ko maiwasang mapangiti.

'Gawing ang Nocturia ang bansang may pinakamataas ng paraan sa panggagamot... iyan ang nais ko rito sa bansang ito,' sabi ko sa isipan at bumalik uli sa pag-iispi kung sino ang mga isasama ko para sa gagawin in three weeks.

The next day, dahil sa wala akong maiisip ay nagsabi ko sa hari na magpapadaos ako ng isang paligsahan upang malaman ko ang mga isasama ko, agad sumang-ayon ang hari at agad pinakalat sa buong Nocturia ang hanggad ko pero pinilit ko siyang itago ang tunay na motibo ko.

****************************************************************************************

"Ahh... ano bang pwedeng magawa sa loob ng dalawang araw?" tanong ko kina Lyfa habang nasa loob kami ng kwartong tinutuluyan sa may posada.

"Pakasal!" sabi ni Mimir "iyon sana ang gusto kong sabihin kaso..." at nag-fade na ang boses niya at tumingin kay Lyfa.

"Anong meron kay Lyfa?" tanong ko.

"WALA!" sagot ni Lyfa.

"Ba't hindi ka maglibot," sabi ni Princess.

"Woah, teka lang!" sabi ko dahil iyon din ang sinabi ni P-knight tapos napag-alaman namin na may Thaniar sa paligid.

"May aklatan sa tabi ng guild, maari tayong magbasa doon," sabi ni Lunaria sabay akap sa braso ko making me feel those big mounds on her chest.

"Okay, tara," sabi ko at tumayo sina Mimir at Lyfa.

"Sasama kami," sabi nilang sabay.

"Then tara!" sabi ko at tumayo na sabay labas.

Nang makarating ako sa aklatan agad akong nagbasa ng mga kung ano-anong libro like cook books, giving me a bunch of recipes and proficiency in <Cooking>; tailoring books, giving me some blueprints for a few common clothes like cotton shirt at ang skill na <Tailoring>; Phamaceutical books na kung saan recipes lang ang nakuha ko; Smithing na kung saan nakuha ko ang <Smithing> skill; at accessory making na tinuro kung paano gumawa ng accessories like neclace, bracelets and more.

Soria: World's GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon