Chapter 106

1.1K 59 0
                                    


Nang gabing iyon, pinag-usapan namin ang nangyayari kay Freyja at nalaman ko kay Luxerra na ang mga atake niya sa mga halimaw ay masyadong matatalas, at para bang wala siyang emosiyon habang lumalaban.

Kaya nang dumating ang umaga, nang dumating na si Freyja para sa Magic Training nila ay agad namin siyang pinatawag sa kwarto ko para doon namin siya tanungin.

"Freyja, narinig ko, sinabi mo raw na handa kang pumatay ng tao, maari bang malaman ang dahilan?" tanong ko.

"Kasi po, narinig ko ang isang sundalo na sinabing handa daw siyang pumatay at mamatay para sa bansa, tinanong ko po siya kung bakit niya gagawin yun, at kung bakit hindi siya natatakot, at ang sagot niya ay natatakot siyang mamatay, pero para sa pamilya niya, gagawin niya ang lahat, dahil pagnagkaroon daw ng giyera at natalo ang floria, magiging alipin daw ang mga tao ng bansa, ayokong mangyari yun sa mga kasama ko sa aming tinitirahan kaya naisip kong kailangan ko ring gawin ang lahat para sa kanila," sabi niya "at nang ibinebenta po namin ang mga ginawa sa isang mag-aalahas, ay narinig kong sinabi ng isang guwardiya ng isang noble sa kasama niya na malaki ang utang niyang loob sa binabantayan niya, kaya gagawin niya ang lahat para maprotektahan ang pamilyang binabantayan niya," dugtong niya "malaki ang utang ko sa'yo kuya, kaya gagawin ko ang lahat upang maprotektahan ka kuya at sa iyong mga mapapangasawa," dugtong niya "malakas ka kuya, pero paano kung ang isa sa iyong magiging asawa ay hinde? Paano kung ano iyong anak ay atakihin ng isang masamang nilalang?" sabi niya na ikinasamid ko.

"T-teka, paano mo naman nasabi na madami akong magiging asawa?" tanong ko.

"Hindi po ba at meron ka na pong dalawa?" tanong niya "ang sabi ni Sylphy, asawa mo daw po sina Ate Lyfa at Ate Mimir; tapos sabi naman ni Ate Jaune, mataas daw po ang posisyong hawak mo, mas mataas pa sa hari kaya imposible daw po na hanggang dalawa lang ang iyong asawa," sabi niya at napa-face palm ako.

"O-okay, nakuha ko na ang istorya," sabi ko "kayo, ano hatol niyo?" tanong ko at tumingin sa may kama, maya-maya pa ay may kuminang doon at biglang lumitaw sina Luxerra.

"Isang magarbong dahilan, bilang isang ninja, naiintindihan kita," sabi ni Noire.

'Hoy, ikaw ang nagpasimuno nito,' sabi ko sa isipan.

"Hindi mo na kailangan gawin yan, siguraduhin namin na hindi mo na kailangang pumatay," sabi ni Nekone.

"Hindi mo masasabi yan," sabi naman ni Luxerra at sina Mimir at Lyfa ay hindi makapagsalita dahil namumula si Lyfa, at si Mimir naman ay napunta sa halusinasyon niya.

"May tanong ako," sabi ko "may sinabihan ka ba niyan?" tanong ko.

"Opo, yung mga kasama kong nagsasanay, sinabi ko ang dahilan nung nagtanong sila," sagot niya at nahihinuha ko na ang resulta na paniguradong kakalat sa buong shrine maiden encampment "at nang marinig nila ang dahilan ay napagdesisyunan nila na tularan ako," sabi niya.

'Yup, tama nga hinala ko, hayaan na lang natin si Head Maiden na magtama sa kanila, paniguradong hindi siya papayag,' sabi ko sa isipan.

"Mauuna na kami," sabi ni Luxerra at dinala na si Freyja para sa magic training nila.

"Ihahanda ko na ang mga gagawing pagsasanay mamaya," sabi ni Noire.

"Mga maid na yung shrine maiden diba?" tanong ni Nekone.

"Oo, bakit," sabi ko.

"Ganito dapat ang suot nila!" sabi niya at pinakita ang isang drawing ng isang maid uniform na may excessive number ng frills na tulad ng sa mga pinapanood ng Celine sa timeline ko "at dahil sa combat maids sila, ang tela ay dapat yari sa ganitong pagkakasunod-sunod," at sinabi niya ang pagkakasunod-sunod like isang soft-cotton para sa underside ng damit for comfortability at dapat may mataas na magic defense, tapos middle layer ay isang hard leather para sa defense at isang exterior na soft leather para hindi mukhang matigas at magkaroon ng gap para ba maliitin sila then pow, malakas pala sila, ang paliwanag niya.

"Sounds good, pero papaano naman magagawa iyan?" tanong ko.

"May mga mananahi ka diba?" sabi niya "gaano kataas ang tailoring skill nila?" tanong niya.

"Ewan, pero may at least 18 na ata dun, since may dating mananahi sa kanila," sagot ko "then okay na yun," sabi niya at naglabas ng mga materyales.

"Pupuntahan ko sila," sabi ni Nekone sabay alis.

"Kayo, ano gagawin niyo?" tanong ko kina Mimir at Lyfa.

"Tara Mimir! Sasanayin natin ang <Chantless>," gulat na sabi ni Lyfa at hinila si Mimir na nasa imahinasyon niya pa.

"Okay... pataasin ko nga ang tailoring ko," sabi ko at sinudan si Nekone sa workshop at nakita ko sila doon, tinuturuan niya ang mga nandoon for three layered leather equipment production, at dahil na-curious ako nakinig na rin ako, at matapos ang lecture ay tinignan ko ang mga materyales, <Raranoa Fiber> ang cotton like material, isang tela na native sa Hydroria, patunay ay ang sobrang taas na Magic Defense; ang matigas na balat naman ay lesser dragon leather, na kilala sa mataas nitong magic at physical defense; then ang soft leather ay isang balat ang armored armadillo sa bandang sikmura, kilala sa mataas ba defense.

"Maliban lang sa armored armadillo, lahat mahirap na makuha," sabi ko.

"Andyan ka pala," sabi ni Nekone na ngayon lang ako napansin.

"Saan mo nakuha itong lesser dragon leather?" tanong ko.

"Imported iyan ng Mountoria, pinagpatuloy nila ang komyunikasyon dahil pinaniniwalaan nila ang lakas, anyway imported yan since may dragon valley doon, kinukuha nila yung mga balat ng dragon after shedding, tapos iyon yung binebenta nila sa Hydroria, of course by barter, palit ng raranoa fiber, kasi maiinit doon at ayaw nila ng makapal na damit," sabi niya.

"Patingin nga ako ng finished product," sabi ko at binigay niya sakin ang buong set na ginamitan ko ng <Judge> at nakita ang:

<Baron Sevilla Maid Uniform>

Defense +500

Magic Defense +500

Movement Speed(Large)

Action Speed(Large)

Fire Resist(Large)

Water Resist(Large)

Wind Resist(Large)

Earth Resist(Large)

All-Debuff Resist(Medium)

<Haste>

Quality: Good

<Baron Sevilla Maid Leggings>

Defense +250

Magic Defense +250

Movement Speed(Medium)

Action Speed(Medium)

Fire Resist(Medium)

Water Resist(Medium)

Wind Resist(Medium)

Earth Resist(Medium)

All-Debuff Resist(Small)

Quality: Good

"Wow... on par sila sa suot ko, no mas maganda pa sila, wala lang <Card>," sabi ko.

"Hehe, syempre, ako pa," sabi ni Nekone.


Soria: World's GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon