"Anong level ng <Tailoring> mo?" tanong ko.
"Proficiency level 20, max level ng mga everyday skill," sagot niya.
"Level 20 huh..." sabi ko "pwede mo ba kaming bentahan ng <Raranoa Fiber>," sabi ko.
"Of course, pero mahal ang fiber," sabi niya.
"Magkano?" tanong ko.
"For every 3 foot cloth, 1000 Gil," sabi niya "Pero dahil imported, siguro around 1500 Zeny ang presyo? Hindi ako sure since hindi pa nag-uusap ang finance at commerce department ng dalawang bansa."
"Pero para sa'yo, bibigyan kita ng maraming <Raranoa Fiber> for... 1000 Coles," sabi niya kaya agad kong tinignan ang card ko.
"Ilan ang meron ka?" tanong ko.
"Ilan ba ang kaya mo?" tanong niya.
"Hmm... Meron ako ditong around 5M, so... 180,000 inches," sagot ko.
"S-sorry, meron ako ditong tig three-foot cloth," sabi niya.
"5K pieces," sabi ko.
"1K pieces lang meron akong natitira, sorry," sabi niya.
"Akin na," sabi ko at agad niyang nilabas ang mga <Raranoa Fiber> na agad kong nilagay sa inventory at matapos mailagay ay kinuha ko ang card niya at nilagyan ng kaakibat na pera.
"You cheater!" sabi ni Nekone "sabi ko Cole! hindi Zeny!" sabi niya.
"Ang cole at zeny ay may 1:1 exchange rate, kaya kung sasabihan mo ang guild na ipapalit ang mga zeny to cole, magiging Cole lang yung Zeny," sabi ko.
"Cheater!" sabi niya.
"Hindi ako cheater, anyway, tara sa guild," sabi ko "may kailangan akong i-request," sabi ko at ipapalit mo na rin yan dun," sabi ko.
"Fine," sabi niya with half-closed eyes kaya para mawala ang inis ay binatuhan ko siya ng isang maliit na botelya ng purong dragon bone powder "eh? Saan ka nakakuha nito?!" gulat niyang tanong.
"Bakit?" tanong ko.
"Isa itong ultra rare alchemy material!" sabi ni Nekone.
"<Alchemy>?" tanong ko.
"Oo, yung mga potions namin ay instant effect, kasi alchemy," sabi niya.
"Hou... mukhang bibisita uli ako doon ah," sabi ko para pag-aralan ang <Alchemy>.
"Sabihin mo, saan mo nakuha 'to?" tanong niya.
"Pasalubong ni Luxerra nung kalabanin nila ang isang <Skeleton Warrior>," sagot ko.
Nang makarating kami sa guild ay agad dumiretso si Nekone sa exchange counter at ako naman ay nag-file nang isang gathering quest para sa Armored Armadillo Underhide Leather 2K pieces since hindi pa ako nakakakita noon, kahit alam kong meron nun dito, ay naimahe ko ang maliit na armadillo sa earth.
Nang makita iyon ng receptionist ay lumaki ang mata niya sa nabasa.
"C-confirming, Gathering Quest; Objective: Armored Armadillo Underhide Leather 2000 pieces; Reward: Leather Armor na kasing lakas ng sa baluti ng isang tagapangalaga; Client: Baron Sevilla."
"Confirmed," sabi ko at may tinatak siya sa papel at nakita ko ay SSS Rank.
"Nekone," sabi ko nang lumapit siya sakin matapos magpapalit ng pera.
"Ano yun?" tanong niya.
"Ano itsura nung <Armored Armadillo>?" tanong ko.
"Hmm... para siyang armadillo dun sa earth pero may spikes sa likod niya na parang porcupine, tapos may cannonball something siya sa may buntot na may spikes din, tapos... ah, yung size niya kasing laki ng isang batang lesser dragon," sagot niya at bigla akong namutla dahil iyon ang ipapakatay ko sa mga normal na tao, no wonder na gawing SSS Rank.
"Sana may tumanggap," sabi ko.
"Sana nga," sabi niya "anyway, ano na gagawin mo?" tanong niya.
"Bakit?" tanong ko.
"Kasi kung may pupuntahan ka, puntahan mo na, at doon lang ako sa workshop na yun," sabi niya.
"Hmm, okay," sabi ko at humiwalay sa kaniya.
Agad akong nagtungo sa labas ng kapitolyo at lumipad, lumipad patungo sa <Cursed Plains>, papunta sa may <Dragons Graveyard>, at nang makarating ako doon ay nakita ko si Draigg, nasa harapan ng isa pang dragon na sugatan at naka-pikit.
"Ano ang iyong dahilan ng iyong pagbalik?" sabi ni Draigg nang makita ako.
"Ah, sa totoo lang ay gusto ko sanang humingi ng balat ng isang <Ancient Dragon>," sabi ko "yung shedded na balat," dugtong ko bago pa man magalit si Draigg.
"Ah, yung basurang iyon, kakatapos ko lang kaya kunin mo na itong nasa harapan ko," sabi niya kaya agad kong ginamitan <Judge>.
"Oo, nga balat lang pala yun," sabi ko at nilagay sa imbentaryo ang balat.
"Manatili ka, meron akong nais na hingiing kapalit sa balat na iyon," sabi ni Draigg nang magpa-alam na akong aalis.
"Ano yun? Kung maari ay yung magagawa ko lang," sabi ko.
"Kung hindi mo kayang gawin, ituturo ko," sabi niya "ah, andiyan na siya," sabi niya at tumingala kaya napatingala rin ako at nakita ang isang pababang dragon.
Nang makita ako ng dragon ay binalewala niya lang ako ngunit luminga-linga pa rin ito, hinahanap siguro kung may kasama ako.
Sinabi ni Draigg ang nangyari dito at upang maiwasan uling mangyari iyon ay isinuhestiyon niya na maging isa kong pamilyar, at base sa sinasabi ni Draigg, nagalit ang dragon sa narinig kaya pumayag na maging familliar ko upang maiwasan ang second time.
'May sense of camarederie pala ang mga dragon,' sabi ko sa isipan.
Pinalapit ako ni Draigg at tinuro ang familliarization, kagaya lang iyon nang sa descipleship, ang kaibahan lang ay sa oras na makaramdam ka na ng koneksyon ay kailangan kong alisin ang kamay na nakalapat sa ulo na para bang may hinihila, at nang ginawa ko iyon ay nakita kong mula katawan ng dragon ay lumabas ang isa pang dragon na katulad nung hinawakan ko pero yari na ang mga kaliskis sa apoy, at ang apat nitong paa ay nag-aapoy, ang webbings ng pakpak niya ay apoy at may apoy din sa dulo ng buntot niya.
"Sa oras na maging pamilyar ang isang kaluluwa, mawawala ang kanyang memorya paukol sa kanyang sarili, kaya bigyan mo ba siya ng pangalan," sabi ni Draigg.
"Chariza— teka saglit mali, <Flamma>," sabi ko at biglang naging apoy ang dragon at pumalibot sa akin.
Nang makatanggap ako ng notification ay agad kong tinignan ang <Familliar Status> niya.
Pet Name: <Flamma>
Type: Dragon
Level: 300
Attribute: Flame
STR: 5000
AGI: 5000
VIT: 5000
INT: 5000
SKILLS:
<BREATH OF FLAMES>
<BURNING TAIL LASH>
<BLAZING CLAW>
<METEOR BREATH>
<HELL STORM>
<BLAZING FANG>
<STONE GAZE>
<METEOR STRIKE>
"Wow... ang lakas niya," sabi ko.
"Patay na ang katawan niya, kaya kunin mo na rin ito," sabi ni Draigg.
"Salamat," sabi ko at doon ko lang nalaman na isang <Greater Elder Dragon> ang naging pamilyar ko.
BINABASA MO ANG
Soria: World's Guardians
FantasyMark Anthony Sevilla, your average guy, ay pinatay at napunta sa ibang mundo, at doon ay... This story is just a light-dark story with a weak storyline(?). The first chapter(book) of the Administration Series ...