Chapter 83

1.3K 86 1
                                    


Sakay kay <Aqua>, nagtungo kami sa kapitolyo, medium-size na si Aqua ngunit malaki parin para magkaroon ng sapat na distansiya si Nekone sa takot na bata.

"Natatanaw ko na ang kapitolyo," balita ni Lyfa, pinababa ko si <Aqua> sa patag na lupa malapit sa kapitolyo upang hindi maalarma ang mga tao, dahil nagsabi na ako kay Eriole nang sabihin ni Lyfa na malapit na ang kapitolyo ay may nag-aantay na doong mga karwahe.

Ayon kay P-knight na siyang sumalubong samin, gumagawa na sila ng matutuluyan ng refugees at makakatira na sila doon agad, kung hindi namin pinabilis ang barko.

"Ano na ang estado sa Hydroria?" tanong ni Reyna Emeralda sakin nang magtagpo kami sa meeting room for briefing.

"Mas maganda kung siya na lang ang magsabi," sabi ko at pinapasok na si Nekone na nag-aantay sa labas.

"Ako'y hayaang magpakilala, ang ngalan ko ay Nekone, ang tagapangalaga ng tubig," pakilala niya.

"Hindi ba't kakampi ka aming kalaban?" sabi ni Reyna Emeralda, nagtataka ako kung bakit niya pa iyon tinanong dahil inulat ko na noon na umanib na siya samin pero nang makita ko ang seryosong tingin ni P-knight at Calyx na parehong nakahawak sa espada nila at nakahandang bunutin ay nanahimik ako dahil maaring test ito para kay Nekone.

Kinuwento ni Nekone ang mga nangyari sa kanya at kung paano siya nagkaroon ng change of heart, marahil ay nakapasa siya ay tumango na ang reyna.

"Mamadaliin na natin ngayong sigurado na akong mananalo tayo," sabi ng reyna "lulusubin na natin ang palasyo."

"Tanong, bakit hindi natin agad ginawa yan?" tanong ko.

"Unknown factor ang tagapangalaga ng tubig, kung lulusubin natin agad ang palasyo maaring maglaban kayong dalawa ending in a stalemate at mawala ang elemento ng surpresa," paliwanag ng reyna "aasahan na nila ang tagapangalagang Nekone na kasama ng Rebel Army, ngunit hindi nila aasahan na dalawang tagapangalaga ang kalaban nila kaya mapapadali ang pagkilos niyo."

"Mm... point taken, oo nga pala, ano ang pinagmulan ng giyera niyo?" tanong ko at sinagot niya ako ng seryoso, alam kong totoo dahil hindi niya magagawang magsinungaling sakin since alipin ko parin siya at nakita kong nakalagay ang kamay ng mga nasa loob maliban kay Emeralda sa kanya-kanya nilang noo, naiintindihan ko since nakakakulo ng dugo ang sagot niya at ang summary ay:

Noon, nahahati ang Hydroria sa dalawa, ang hilagang Hydroria at katimugang Hydroria, nagkaroon ng alitan ang dalawa, nag-away, giyerahan, natalo ang south hydroria at naging sakop ng north, napilitang tumakas si Emeralda, ang reyna ng south kasama ang apat na anak at nagkaroon na ng rebelyon, na kung saan ang pinakaugat ng lahat ay simpleng pagtatalo ng mag-asawa kung saan ba ilalagay ang kapitolyo, sa south ba o sa north.

"Pakibatukan nga ang babaeng yan," utos ko.

"Teka! Hayaan mo akong matapos!" sabi ni Reyna Emeralda "at isa akong reyna!"

"Isa akong tagapangala!" sabi kong medyo asar "fine, ano kasunod!"

"Matatapos na dapat ang giyera nitong katapusan nang nakaraang buwan pero pinatay ang asawa kong hari, at naging totoong giyera na ang lahat," sagot niya.

"Haah... kilala mo ba itong pumatay sa asawa mo?" tanong ko, pinipigilan ang sariling batukan siya.

"Paumanhin ngunit hinde," sagot ni Reyna Emeralda.

"Kahit clue wala?" tanong ko.

"Sorry pero wala," sabi ni Reyna Emeralda.

"Yung namumuno?" tanong ko at tinignan si Nekone.

"Mahirap i-pin point kasi ang namumuno ay tinatawag na counsil," sagot ni Nekone.

"Counsil? Pagkaka-alam ko ang hari ay isang lalaking nagngangalang Levi," sabi ni Reyna Emeralda.

"Puppet siya ng counsil, nalaman ko yan nitong kelan lang, hindi ko nga lang matukoy kung sino ang mga miyembro ng counsil kasi nahuli akong nangingi-alam forcing me to flee," paliwanag niya.

"Ba't di mo agad sinabi yan?" tanong ni Reyna Emeralda.

"Malay ko bang hindi niyo pa alam yun, expected ko alam niyo na," depensa ni Nekone.

Pinagplanuhan pa namin ang mga gagawin for thirty minutes, bago maging solido ang plano.

Gagawin namin ang ginawa ko sa Nocturia, attack on all sides pero this time, tuloy ang atake. Hindi namin pwedeng idamay ang mga adventurer, at dahil din sa kakulangan ng mga sundalo ang maipapadala lang ng Floria ay mga nasa 20K soldiers; cavalry, archers and mages included.

Matapos mapaghanda ang mga sundalo, pati na rin ang refill ng mga palaso ni Lyfa, ay agad na kaming umalis, unlike sa orihinal na plano, tanging si Mira na lang ang heneral na isinama namin, at dahil final battle na daw, sumama na rin si Emeralda pabalik sa Hydroria.

Salamat kay <Aqua>, nakabalik kami sa Hydroria bago magtakip-silim, at bago maging bilog ang buwan para makapunta sa hide-out.

"Mahal na reyna," sabi ng dalawang heneral ng makita si Emeralda.

"Iwan ko na kayo, kailangan pang ayusin ang mga sundalong dala-dala dito," paalam ko sabay labas ng command tent at bumalik na sa tinutuluyang tent.

"Wow... ano nga ba ang tawag ni Sevilla dun, tama, isa ka ng full-pledge gunner," narinig kong komplimento ni Lyfa sa kapatid.

"M-malayo pa ako, kumpara," sabi ni Mimir.

"Ano 'to, crossbow? Pero hindi naman tunod ang bala," narinig kong sabi ni Mira at nang pumasok ako ay nakita ko siyang hawak-hawak ang PSG ni Mimir.

"Baril ang tawag diyan, isang sandata sa Mountoria," paliwanag ko kaya lahat ay napatingin sakin.

"Malakas nga ang damage pero mas maganda pa rin ang pana," sabi ko.

"Bakit?" tanong ni Mira.

"Apektado iyan ng status, kung mababa ang STR ng gumagamit, mababa ang piercing chance, ang sure-ball na tatagos sa isang leather armor ay pwede pang mapigilan, kung mataas naman and defense, kahit orichalcum armor pa, tatagos ang bala ang bala kung mataas ang STR ng gumagamit; kung ang AGI naman,  mabagal at makikita mo ang bala papunta sa iyo at magagawa mo pang mailagan," sagot ko.

"Oh... ibig sabihin mga pawang matataas na level lang ang makakagamit nito," sabi niya.

"Medyo," singgit ni Princess "pero, aaminin ko, mainam iyang sandata para sa mga mahikero dahil habang nagbaybay sila ng salamangka pwede silang mamaril sa malayo."

"Wow... kung sino mang naka-imbento nito paniguradong sobrang galing niya," sabi ni Mira.

'Yeah, kung sino mang naka-imbento niyan, pero mas hanga ako sa nakapag-recreate niyan dito,'  sabi ko sa isipan.



Soria: World's GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon