"Lyfa," sabi ko nang makita ang mga palakang nagkalat sa pampang; ayon sa <Analyze> ang pangalan ng palaka ay <Shoal Frog>.
"On it," sabi niya at naglagay nang palaso sa may pana, hinila ang string at itinutok sa may langit.
"<Lightning Arrow Storm>!" at pinakawalan na ni Lyfa ang palaso, nagliwanag ang palaso at nang pabulusok na ito sa lupa ay bigla itong naging magic circle at mula doon, daan-daang kidlat ang nagsibagsakan at inubos ang lahat ng halimaw sa paligid.
Napapito ako sa nasaksihan dahil ultimo mga bangkay ay walang natira.
"Tara na," sabi ko at naglakad na kami patungo sa may kweba.
"Eto na ba yun?" tanong ni Mimir matapos naming mapatay ang mga halimaw sa paligid ng kweba.
"Siguro," sabi ko at pumasok na sa loob.
"Ang dilim," sabi ni Lulu.
"<Fiat Lux>," sabi ni Lina at biglang nagkaroon ng mga orbeng liwanag sa paligid namin.
"Okay, formation natin ay ganito: kami ni Lulu ang vanguard, at kayo naman ay ang support, Lyfa, since may kutsilyo ka, ikaw na bahala sa likod," sabi ko at binigay ang ilang mga potions since ang mga hawak nila ay binenta na nila bago pa masira.
"Pwede ko gamitin 'to?" tanong ni Mimir at inilabas ang isang baril, steyr scout ata ang tawag sa baril kung tama ang memorya ko.
"Sige, kayo ni Lyfa ang iniator," sabi ko.
"Roger," sabay nilang sabi.
Naglakad kami patungo sa may loob, kinakalaban ang mga halimaw na makasalubong namin, mali, kinakalaban nina Lyfa at Mimir ang mga halimaw, at dahil namamatay sila in one hit, hindi na kami nakakasingit.
Nang may makasalubong kaming isang kumpol ng mga palaka ay...
"<Flare Volley>," gamit ko sa spell at pinatay lahat ng palaka.
"Mark," sabi ni Lyfa "wag mo sirain ang kweba," dugtong niya.
"Sorry," paumanhin ko dahil nagkaroon ng mga crater ang sahig at ang iba ay nagkaroon pa ng bukal.
"Pangit tignan," sabi ni Mimir at ikinumpas ang kamay at napuno lahat ng crater ng tubig, although mapupuno din ang mga yun, matagal nga lang.
"Tara na," sabi ni Lyfa at naglakad kami sa matirik na daanang nagawa dahil sa mga crater habang humihingi ako ng paumanhin.
Maya-maya pang onti ay nakakita kami ng isang lawa sa loob.
"Lina, magagawa mo bang maipadala ang isang light orb doon?" tanong ko at ikinumpas ni Lina ang hawak na staff at may pumunta doong orbe at nakita naming wala nang madadaanan.
"Ano?" tanong ko at tinuro ang lawa gamit ang daliri.
"Okay," sabi nila kaya binigyan ko si Mimir ng isang rapier.
"Hindi pwedeng mabasa ang baril, at magiging mabagal sa tubig ang bala, ganoon din ang palaso," sabi ko at tumango sila.
Agad kaming tumalon sa may tubig at salamat sa liwanag ng orbe ni Lina ay nakita naming may paparating na halimaw, dahil ako ang pinakamalapit, ay hinawakan ko ito at pinigilang lumangoy, nagpumilit itong kumawala ng kaunti tapos yun na yun namatay na, ayon sa <Analyze> isa itong <Shoal Shark>.
Dahil limitado ang hininga namin ay puma-ibabaw kami, bumalik sa pangpang at pinag-usapan ang magiging plano habang nagpapa-init gamit ang apoy na ginawa ko.
"Lina, kaya mong gumamit ng hangin diba? Teka, ikaw nga pala ang kokontrol sa liwanag, Lulu, kaya mong gumawa ng hangin?" tanong ko.
"Opo, pero hindi po ba kung mas mainam na ibsan ko na lang po ang dilim sa ating mga paningin?" tanong niya.
"Kaya mo?" tanong ko.
"O-opo," sabi ni Lulu.
"Then, bakit hindi mo ginawa kanina?" tanong ko.
"K-kasi po, inunahan na ako ni ate," sabi niya.
"Okay, then ganito ang naisip ko; Lina, palibutan mo tayong lahat ng hangin, katulad ng sa <Air Curtain>," sabi ko tinutukoy ang sinabi ni Mira na kinaka-ayawan niyang spell na sumasalag sa mga projectiles "tapos, Mimir, yung labas nung air curtain, lagyan mo nang layer ng tubig, kontrolin mo iyon para mapabilis tayo, since hindi ako gaanong marunong lumangoy, salamat lang sa apoy na nagsilbing propeller kaya— ah, nag-iba na tayo ng usapan, then Lulu, papalinawin mo ang paligid."
"Okay," sabi nila at tumayo uli.
Tumalon uli kami pero this time sabay-sabay. Ginawa agad ni Lulu ang tungkulin niya dahil luminaw ang paligid; sumunod naman si Lina at Mimir.
"Wow..." sabi ni Lyfa nang makumpleto ang collaboration.
Pinapalutang kami ng hangin sa loob at isang paraan para makahinga kami; at kinokontrol ni Mimir ang tubig sa paligid ng hangin para magawa naming maka-abante, at si Lulu naman ay pinapalinaw ang paligid, dahilan para kami ni Lyfa ang bumahala sa mga halimaw.
"May kweba, right side," sabi ni Mimir kaya lahat kami ay napatingin doon, medyo maliit ang kweba, pero kung iibahin namin ang posisyon namin at ang hugis ng hangin na bumabalot ay magagawa naming makapasok sa loob.
Ang formation namin ay single file: me as vanguard, followed by Mimir dahil kailangan niyang makita ang dadaanan; then Lina in case na kailangan naming lumiko, followed by Lulu and lastly Lyfa na siyang rear guard.
Nang pumasok kami sa kweba ay napansin kong parang maze like ito, dahil sa mga pasikot-sikot.
Nang may nakasalubong kaming pating ay hiniwa ko ito gamit ang <Flame Overseer Sword> at nagsisi dahil na-attract ang ibang mga pating, thankfully, dahil nasa isang masikip na lagusan kami ng kweba at nagsisilbing harang ang hangin ay namatay sila dahil sa paghinto, ang parehong lumusob samin sa harap at likuran.
"Okay, simula ngayon, pag nakakita tayo ng <Shoal Shark> pabayaan na lang natin," sabi ni Mimir nang makita ang mga nangyari.
"Okay, mas mabilis iyon eh," sabi ko.
Dahil pinababayaan na namin ang mga pating at pinatay na lang ang mga piranha like monster na nagtatawag ng mga pating na namamatay din dahil sa... well, siguro namatay sa pagkalunod since sabi sa internet mamamatay ang mga pating kung sakaling mahinto ito sa paglangoy.
Ang daan namin ay pababa at nang makarating kami sa isang malaking space ay nakita namin ang dahilan nang biglang pagdami, no paglabas ng mga palaka dahil natatakot sila sa mga pating na nasa tubig, at ang mga pating at piranha like ay natatakot sa halimaw na ito. Wala ito sa <Analyze> kaya siguro marahil ay isa itong bagong halimaw.
"Papatayin ba natin?" tanong ni Mimir.
"Magiging mahirap ang laban," sabi ko "unang-una, maraming direksyon ang kailangan nating depensahan."
"Kung sabagay, maaring umatake ang halimaw sa taas o sa baba," sabi ni Lyfa.
"Plus... Wala tayong masyadong experience sa isang collaboration battle na kung saan, lalaban tayo na parang isang tao," sabi ko.
"Handa na ba kayo?" tanong ko "kung oo, papakawalan ko 'to," sabi ko at inilabas ang kamay at gumawa nh <Spinning Mana Bolt>, pero dahil sa tubig nagmistula itong <Spiral Water Bolt>.
Naka-charge lang ang mana bolt, umiikot ng umiikot, mas marami at mas matagal, mas malaki ang damage.
"Game," sabay nilang sabi kaya pinakawalan ko na ang <Spinning Mana Bolt> at naghanda sa pakikipaglaban, at nang tumama na ang mana bolt ay—
"Sorry," sabi ko "pinaghanda ko kayo sa wala."
—namatay agad ang halimaw, in one hit.
Nilapitan namin ang halimaw at kinuha ang mga bangkay nito at ginamit ang <Retreat> at napunta sa may tarangkahan ng kweba.
Agad kaming bumalik sa port town at ini-ulat ang mga nakita at nangyari; nagpadala na rin ako ng mensahe sa kanila at ang sinabi nila ay: dalhan mo kami ng materyales, buti na lang at kinukuha ni Lulu ang mga materyales.
BINABASA MO ANG
Soria: World's Guardians
FantasyMark Anthony Sevilla, your average guy, ay pinatay at napunta sa ibang mundo, at doon ay... This story is just a light-dark story with a weak storyline(?). The first chapter(book) of the Administration Series ...