"Andito na tayo," sabi ni Galice nang makarating kami sa lawa, maliit lang iyon at ang dapat nga atang itawag ay bukal pero dahil sa sabi ni Galice na nakakonekta iyon sa lawa ay siguro nga lawa ang dapat itawag.
"So... Sino mauuna lumangoy... Marunong naman siguro kayo diba?" tanong ni Galice.
"Ako na mauuna," prisinta ni Eriole tsaka biglang tumalon sa tubig, maya-maya pa ay umaangat siya at sinabing "natanggal ko na, sumunod na kayo!" bago sumisid uli.
Sumunod na tumalon si P-knight tapos Adelaide at si Lyfa.
"<Flight>, <Heat Haze>" gamit ko sa skill at lumipad patungo sa kabilang side ng pader.
Nang makapunta ako sa kabilang side ay nakita ko silang lumalangoy, inantay ko munang may makapunta sa pangpang bago ako bumaba sa tabi nila.
"What? Hindi ako marunong lumangoy," pagsisinungaling ko at gumawa ng apoy para mainitan sila.
"Salamat," sabi ni Lyfa.
"Wala yun," sabi ko at umupo sa lilim ng pinakamalapit na puno.
*************************************************************************************
"Ano? Kamusta na ang pinapagawa ko?" tanong ko sa hari.
"Pinakalat ko na po, ngunit bakit hindi natin ito ginawa nung nahuli natin ang duke?" tanong niya.
"Kasi walang konkretong ebidensiya tsaka baka isipin nila power trip ang ginagawa ko," sagot ko sabay talikod sa hari "pagtapos nito, full-time na ako sa pag-alaga ng bansa na ito," dugtong ko sa kanya at tumingala sa langit.
'Maulap, uulan siguro ng malakas,' sabi ko sa isipan.
*************************************************************************************
"Tuyo na suot niyo?" tanong ko kina Lyfa.
"Tuyo na sakin," sabi ni Lyfa at tumayo na ganoon na rin si Eriole at tumayo na rin sina P-knight at matapos mapatay ang apoy ay agad na kaming umalis.
Tahimik kaming naglakad papunta sa dinadaungan ng barko, may mga nakakasalubong akong halimaw na madali naming napapaslang..
Umulan nung kinagabihan kaya agad kaming sumilong sa pinakamalapit na kweba na siya palang lungga ng isang halimaw na pinaslang namin pati ang mga anak nito.
*************************************************************************************
"Mahal na tagapangalaga, maari bang malaman ang dahilan ng pagpunta natin dito?" tanong ng hari.
"May nalaman lang ako kaya nais ko sanang pumunta mag-isa pero ninais mong sumama," sabi ko at tinignan ang hari "ano man ang iyong marinig ay manatili kang tahimik, ipapaliwanag ko sa iyo mamaya," at nagdiretso na ako patungo sa selda ng duke.
Nang makarating ako doon ay agad kong pinag-utos na buksan ang pinto. Agad akong pumasok at tumigil sa harap ng duke.
"Wala na akong sasabihin," sabi niya.
"Nope, may sasabihin ka pa," sabi ko "sasabihin mo ang lahat ng alam mo kay Anthony, kasi kung hindi mamamatay ang iyong iniirog at matalik na kaibigan."
"Nangako ka sa hari na hindi mo sila papaslangin," sabi niya.
"Ang sinabi niya ay kung maari," sabi ko at binulong sa tenga niya ang "maari ko silang ipapatay tapos isusunod kita at pwede ko ring bansagang taksil ang mga magulang mo," at nang ilayo ko ang ulo sa kanya ay nakita ko ang mga takot sa mata niya kaya lihim akong napangiti "bibigyan kita hanggang bukas ng umaga, pag-isipan mo sanang maiigi," at lumabas na ako ng selda niya.
BINABASA MO ANG
Soria: World's Guardians
FantasyMark Anthony Sevilla, your average guy, ay pinatay at napunta sa ibang mundo, at doon ay... This story is just a light-dark story with a weak storyline(?). The first chapter(book) of the Administration Series ...