Nang magising ako, puting kisame nanaman ang nakita ko kaya agad akong bumangon at nakita ang healer kanina sa kweba.
"Isa ka palang mago," sabi niya ng makitang gising na ako.
"Oo, pero hindi ko gaanong ginagamit kasi..."
"Kasi mababa ang <Mental Power> mo?" tanong niya.
"Parang ganun na nga" sabi ko at tinignan ang <Status> ko
Name: Mark Anthony Sevilla
Level: 25 RANK: D
HP: 1260/1260 STR: 178 VIT: 252
MP: 500/2132 AGI: 380 INT: 533
TITLE: <WORLD TRAVELER> <OVERSEER OF THE FLAME> <AWAKENED BEING> <BARE HAND KILLER> <BOOKWORM> <MAGE> <GENOCIDER>
QUEST: <GOBLIN EXTERMINATION>
"Ano na nga pala ang nangyari sa <quest>?" tanong ko
"Ikinuha ka narin namin," sabi niya at itinuro ang pouch sa may side table.
"Salamat," sabi ko at sinubukang tumayo pero pinigilan niya ako.
"Nagkaroon ka ng <Mental Power Down> kaya magpahinga ka muna," sabi niya.
"<Mental Power Down>?" tanong ko
"Isa kang mago, pero hindi mo alam yun?" tanong ko at naalala ko ang isang paragraph sa beginner book na nagpapaliwang ng <Mental Power Down>, mangyayari lang iyon pag naubos ang <Mental Power> o <MP> for short, kaya binuksan ko ang <Skills> at binasa ang description ng <Flare Rain>.
<Flare Rain>
<LVL: 10>
A rain of flames, a high class magic whose <MP COST> depends on the target range.
"Wow... isang high-class skill," bulong ko
"Hmm?"
"W-wala," sabi ko sa kanya
"Ah, ako nga pala si Adelaide Nightcloud, ikaw?" tanong niya.
"Mark Anthony Sevilla," sagot ko.
"Pfftt-"
"Ba't ka tumatawa?!" tanong ko.
"S-sorry, kakaiba kasi ang pangalan mo" sabi niya sa gitna ng mga tawa.
"Nagsalita ang hindi," sabi ko at nag-sorry uli siya.
"Paumanhin, paumanhin," sabi niya at inabot sakin ang isang candy "kainin mo nang bumalik na sayo ang lakas mo" sabi niya at kinuha ko ang candy.
Gamit ang <Judge>, nakita kong ang candy ay isang MP recovery, pero onti lang ang binabalik na MP kumpara sa potion. Kinain ko iyon at tumayo.
"Okay ka na ba?" tanong niya at tumango ako sabay kuha sa <Goblin Fang>.
"Salamat," sabi ko at ngiti bago lumabas, at nang mapansing may sumusunod sakin ay "okay na ako" sabi ko at tinitigan ang healer na sumusunod sakin.
"Naniniwala naman ako sa'yo, pero hindi ko pa naibibigay ang <Goblin Fang> sa guild," sabi niya.
"Then, tara na, sabay na tayo," sabi ko at sabay na kaming pumunta sa guild.
Matapos maayos ang <Quest> ay dumiretso agad ako sa board.
BINABASA MO ANG
Soria: World's Guardians
FantasyMark Anthony Sevilla, your average guy, ay pinatay at napunta sa ibang mundo, at doon ay... This story is just a light-dark story with a weak storyline(?). The first chapter(book) of the Administration Series ...