Chapter 112

1.1K 60 2
                                    


"Maghanda na kayo," sabi ko "aalis tayo," sabi ko nang makabalik ako sa bahay matapos ang pagpupulong.

"Okay," sabi nila.

"Oo nga pala, Mimir, pupunta ako sa Hydroria, at kukuha ako ng mga bala para sa baril mo," sabi ko "o kaya, sumama ka na lang nang mapalitan mo na yung mga gamit mo," dugtong ko.

"Then sasama ako," sabi niya.

"Saglit lang kami," sabi ko at lumabas na agad sinundan nina Lyfa, at sa labas ay tinawag ko doon si <Flamma>.

"Sama na rin ako," sabi ni Lyfa at dahil doon sumama na rin ang dalawang bata, seriously, sana sinabi na nila nung umpisa pa lang.

Nang makasakay na kaming lahat ay agad na lumipad si <Flamma>, at habang lumilipad ay kinukuwento ko kung papaano ko nakuha si <Flamma>. Mabilis si Flamma, mas mabilis pa kay Aqua kaya nagawa naming makarating agad sa Hydroria.

"Wow..." sabi ng dalawang bata nang makita ang mga hydrorians, nakita na nila sina Freyja pero eto ang kauna-unahang beses na makapunta sila sa isang hydrorian city. Agad kaming dumiretso sa may palasyo at sinabi ang pakay pati ang nangyari in case na hindi sila sinabihan ni Nekone.

"Sinabihan ako, inaantay ko na lang ang pagdating ni <Aqua> upang makapagpadala na ng mga sundalo doon," sabi ng reyna.

"I see, hindi ko kasi alam kung kaya din ng mga pamilyar ko ang pagbabago ng laki," sabi ko "sorry dahil hindi kita matulungan," sabi ko "pero kung mga isang daang sundalo lang, magkakasya naman ata sila, yung tipong walang mahuhulog," dugtong ko dahil 10 meter high si <Flamma> at ang laki niya ay around 15KM from head to tail, katulad nung luma niyang katawan.

"Nakita ko nga ang iyong bagong pamilyar," sabi ng reyna "Luna, ipahanda ang unang isang daan na ipapadala sa Nocturia, upang masupil na ang pangahas na si Cecile."

"Masusunod," sabi ni Heneral Luna sabay alis.

"Susundan ko na ang mga kasama ko, mahal na reyna, pakitipon na lang sila sa labas ng kapitolyo," sabi ko.

"Okay," sabi ng reyna kaya lumabas na ako ng throne room at pinuntahan sila Mimir sa may store house.

"Kuya, ang galing ni Ate Mimir!" sabi ni Lulu na tuwa-tuwa habang pinapanood si Mimir sa pagtest sa mga baril.

"Kung gusto mo, pwede ka ring kumuha," sabi ko.

"Ang mga sandata ng ninja ay espada, throwing knives, shuriken, at mga ninjutsu," sabi niya.

"Hindi lang yun," sabi ko "nung olden time, may mga ninja na gumagamit ng pana, marunong din sila sa hand-to-hand combat para sa mga kaso na maubusan sila ng shuriken at kunai, at mabasagan ng espada, gumagamit din sila ng illussion, ang ninjutsu nila ay hindi lang dark element," sabi ko.

"Alam ko po, tinuro sakin ni Master Noire, at ang Dark and Light element, ayon kay Master Luxerra ay may special ability, automatic silang may affinity sa iba pang elemento," sabi niya at naalala ko ang <Luminous Wind> ni Luxerra, akala ko nakuha niya lang yun sa <Acquire> humpala hinde "pero hindi ko po alam na gumagamit din ng pana ang mga ninja," dugtong niya.

"Okay, lahat ng ito," sabi ni Mimir at nakita ko ang mga nakahiwalay na baril, pero ang pinaka-tumatak sakin ay ang isang .50 caliber anti-tank sniper rifle, inubos na din ni Mimir ang mga bala na magagamit niya, okay lang siguro since tuloy naman ang  komyunikasyon ng Hydroria  sa Mountoria so, pwede silang bumili ng bagong bala.

Matapos makakuha ng mga bala ay lumabas na kami at nakita ang isang daang mga sundalo na isasama ko sa Floria upang madala sa Nocturia.

Agad kong tinawag si <Flamma> at bumalik sa may Floria pansamantala, sinabi ko na sa kanila kung bakit kaya walang nag-reklamo at on stand-by sa may villa ko habang inuubos ni Lyfa ang mga palaso sa lahat ng tindahan.

Habang nag-aantay ay gumagawa ako ng mga potions.

Ang unang dumating ay sina P-knight kasama si Adelaide, of course nagulat sila nang makita ang mga hydrorian soldier pero nung ipa-alam ko ang mga nanyari ay naunawaan nila; slightly later ay dumating na si Lyfa kasama si Lulu at Lina na inubos ang mga palaso at throwing knives sa mga makita nilang tindahan, gusto rin sana niyang mag-stock up sa mga shuriken pero si Orin lang ang may shuriken salamat kay Noire na nag-request sa kanya.

"Sino 'tong dalawang 'to?" tanong ni Adelaide at nang makita ang suot ni Lina ay hinawakan niya iyon at napanganga, nakita na niya siguro ang stats ng damit, hinawakan din niya ang staff at naging depressed sa nakita.

"Kailangan ko na suguro palitan ang mga gamit ko," sabi ni Adelaide habang nagmumumok sa isang tabi.

Maya-maya pa ay sunod-sunod na nagsidatingan sa mga heneral kaya agad kong tinawag si Flamma at sumakay doon upang makarating sa <Sylfaen>.

Nang makarating kami sa <Sylfaen>, ang unang sinabi ng hari sakin ay reklamo pero dahil kay Nekone na nakita si Cecile nitong nakaraang skirmish ay napaliwanagan ang hari, sinabi ko rin ang nangyari sa may <Town of Herling> kaya wala ng nagawa ang hari.

"Welcome," sabi ni Lafayette, may eyebags siya siguro dahil sa kakagawa ng mga potions.

"Adelaide, alam mo na," sabi ko.

"Okay," sabi Adelaide "Lafayette, magpahinga ka muna, ako na muna ang gagawa ng mga potions," sabi ni Adelaide habang hila-hila si Lafayette.

"Un, salamat," sabi ni Lafayette.

"Tara, andito sina Celine," sabi ni Nekone at napansin kong gawa sa buto ng isang dragon ang hawak niyang staff, tulad din ni Lafayette, meron din siyang mga eyebags, pero mas manipis kumpara kay Lafayette.

Iniwan namin ang mga hydrorian army sa may barracks kasama ang limang heneral, at lahat kami ay nagtungo sa silid na tinutulugan ni Celine at nakita siya doon, puno ng benda ang katawan at walang malay.

"Lina," sabi ko at itinaas ni Lina ang staff na hawak at

"I, the Desciple of the light, seeks the power of the origin, grant us mortals the power of miracle," baybay ni Lina "I seek upon the power of the origin, have been taught the laws and principle and reached an understanding," dugtong niya "<Lux Recovera>!" at nabalutan ng liwanag si Celine.

"Muu... mahina ang Ultima recovera ko kumpara kay Master Luxerra," reklamo ni Lina na hinimas ko ang ulo ni Lina at inantay na umepekto ang mahika.

Soria: World's GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon