Chapter 10

3.2K 203 1
                                    

"... Ano ba meron sa skill na'to?" tanong ko sa sarili habang naglalakad pabalik sa bahay nina Adelaide.

'Ah,tama! <Familiar Status>' at lumabas ang isang window na nagsasaad ng:

Pet Name: ???

Type: Phoenix

Level: 20

Attribute: Flame

STR: 900

AGI: 1000

VIT: 500

INT: 900

SKILLS:

<BREATH OF FLAMES>

<INFERNO>

<GIGA CURAGA>

<FIRE WALL>

<HELLWAVE>

"Wow... wala akong masabi," sabi ko sabay gamit ng <Summon Familiar> at sa kamay ko ay isang apoy ang lumitaw at nag-anyong ibon, sa unang tingin, isa lang normal na ibon ang nasa kamay ko pero kung titignang maiigi makikitang yari sa apoy ang mga balahibo niya "mula ngayon, ikaw na si <Ifrit>," sabi ko at di ko alam kung papaano pero alam kong pwede akong kumuha ng ilan pang familiar at nakadepende iyon sa level ng <Summon Familiar> skill, at nang buksan ko uli ang <Familiar Status> ay nakita kong ang petname, mula sa <???> ay naging <Ifrit>.

"Hmm... nauutusan ko kaya 'to?" tanong ko sa sarili at bilang experiment ay "<Ifrit>, lumipad ka patungo sa kampo ng <King Goblin> at ipakita mo ang lahat ng nangyayari doon," utos ko at biglang lumipad palayo ang ibon.

"Saan ka galing?" bungad tanong ni Zeke nang makarating ako sa tirahan nila.

"Naglakad-lakad lang," pagsisinungaling ko pero base sa expresyon niya ay halatang hindi siya naniniwala.

"Wag ka munang papasok, nasa loob ang mahal na hari at nakikipag-usap kay ama," sabi ni Adelaide at doon ko lang siya napansin na nakaupo sa may bato malapit sa pinto.

"Paukol saan ang pinag-uusapan nila?" tanong ko

"Paukol sa nawawalang espada ng- saan mo nakuha yang espada?" tanong niya nang mapansin ang sandata sa may likod-bewang ko.

"Nakuha ko to sa isang tindahan nung araw na nagkita tayo sa may tailor," sagot ko

"ANO?!" sigaw niya "ALAM MO BA KUNG ANONG ESPADA YAN?"

"Uhmm... Wakizashi? Wait, pwede ring tantō," sagot ko at nailagay ni F-guy ang kamay sa mukha niya.

"Hindi ko alam kung anong espada yun, pero yang espada na iyan ay-"

"Zeke," tawag ng tatay nila na lumabas dahil sa ingay niya "alam kong alam mo na kung anong espada yan, ngunit manahimik ka muna, ikaw din, Adel."

"Opo," sabay na sagot ng dalawa.

"Mark, pumasok ka sa loob, nais kang makausap ng hari," sabi niya sakin kaya pumasok ako sa loob.

Nang pumasok ako sa loob, ang una kong napansin ay ang hari, naka-upo sa isang pipitsuging sofa kaya naman hindi ko maiwasang magkomento ng "Wow... Nagagawang maupo ng hari sa isang lumang sofa?"

"Iho, bago ako maging hari, isa lang akong prinsepe at kaibigan niya," sabi ng hari, tinutukoy ang tatay nila Zeke "hmm? Nagkita na ba tayo?"

"... Kanina po sa pagpupulong" sagot ko.

"Ah... Ikaw yung laaking nagbigay impormasyon paukol sa <King Goblin>," sabi niya "pero maliban doon, nagkita na ba tayo? May pakiramdam kasi ako na nagkita na tayo."

"Sa <Fire Tower> mahal na hari, ako yung pinagtanungan mo ukol sa tagapangalaga," sagot ko at tumango-tango ang hari.

"Oo nga pala, bakit, hindi ko alam na tinawag mo ang tagapangalaga?" sabi ng tatay nila Adelaide.

"Kaibigan, nasa isa kang misyon nang mapagpasyahan kong tawagin ang tagapangalaga para tulungan tayo sa giyera laban sa mga halimaw," sagot ng hari.

"Ha! kung gayon hindi ko sasabihin kung nasaan ang tagapangalaga," sabi ng tatay nila Adel at binigyan ko siya ng matalim na tingin.

"Alam mo kung nasaan ang tagapangalaga?" tanong ng hari.

"Oo, at hindi ko sasabihin sayo,dahil nilihim mo sakin na tinawag ang tagapangalaga, akala ko pa naman kusa siyang dumating," sabi niya sabay buntong-hininga.

"Ngunit hindi ko iyon binalak na ilihim, at sa totoo pa nga'y inatas ko kay Zeke na iparating iyon sayo," sabi ng hari at kung nasa manga lang kami or novel, paniguradong isisigaw niya ang pangalan ng anak.

"Mawalang galang na po, pero... tinawag mo po ang tagapangalaga para sa mga halimaw?" tanong ko sa hari at tumango ito.

"Oo, tinawag namin siya para tulungan kaming labanan ang matatalinong halimaw."

"Huh? Matatalinong halimaw?" tanong ko, hindi makapaniwala sa narinig.

Soria: World's GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon