Chapter 86

1.4K 78 0
                                    

Dalawang araw ang lumipas matapos ang engkuwentro kay Cecile, ayon kay Galice, nung gabi na bumisita kami sa hotel ay ang gabi na na-encounter si Cecile, balak ko na rin sana na mag-rebirth na pero binigyan ako ng payo ni Luxerra na wag muna until makumpleto ko na ang lahat ng strethening method.

Sa loob ng dalawang araw na lumipas, nagkulong kami ni Nekone sa may <Grand Archive> at nagbasa lang ng mga libro paukol sa mga predecessor ko, dahil doon ay natuto ako ng ilang bagong skill since ginawa daw talaga ang library na ito as a knowledge depot kaya naka-saad doon ang ilang techniques at magics, pati ang training method na ginawa nila, nagkaroon din ako ng mga recipes from earth like curry, stew, etc; medical recipes at kung ano-ano pa, at doon ko rin nalaman ang tungkol sa pinakamalakas na fire guardian na tanging ang favorite niyang <Sunshine Splitter> ang natutunan ko, para lang itong sword wave ngunit yari sa apoy at once na tumama ang wave iikot iyon sa spot na tinamaan for three seconds.

Kasalukuyan kong pinapataas ang <Cooking> skill ko nang kontakin ako ni Eriole.

'Bakit?' tanong ko.

'Pwedeng ipa-contact kay Lyfa ang tagapangalagang Celine?' sabi niya.

'Bakit?'

'Emergency,' simple niyang sagot kaya sinabi ko kay Lyfa, na kasalukuyang tinitikman ang mga luto ko kasama si Mimir, na agad ding tinawagan si Celine.

"Anong emergency daw," sabi niya na agad kong nirelay kay Eriole.

"Basta bumalik na lang daw siya muna sa <Sylfaen>," sabi ko kay Lyfa at naisip na ituro sa kanila ang <Friend List> nang hindi na nila ako gawing relayer ng sinasabi nila.

"Okay daw, aalis na sila bukas," sabi ni Lyfa at matapos kong sabihin kay Eriole ang sinabi ni Lyfa ay pinatay ko na ang linya.

"Lyfa, bukas aalis na rin tayo," sabi ko.

"Bakit?" tanong niya.

"Na-curious ako kaya babalik tayo doon," sabi ko "sabihan mo na sila Princess, at pupunta muna ako sa opisina ng reyna," sabi ko at nilapag ang choco chip cookies na sinubukan kong gawin mula sa recipe na nakuha sa grand archive na agad kinuha lahat nina Lyfa at Mimir nung tumalikod ako kaya hindi ako nakatikim.

Pumunta ako sa may opisina ng reyna at sinabing papakawalan ko na silang mag-ina pero tinangihan niyang pakawalan ko ang pinakabata niyang anak for unknown reason. Normally kailangan pa ng ritwal para pakawalan sila pero dahil sa list under slave tab, meron doon release button kaya ang ginawa ko na lang ay pindutin ang release, piliin ang pangalan ng mga papakawalan, press confirm, then confirm uli at viola napakawalan na sila.

"Babalik na kayo?" tanong ni Nekone nang makasalubong ko siya, narinig niya siguro kina Lyfa.

"Oo, may emergency daw kasi sa Nocturia, titignan ko lang kung ano," sagot ko.

"Ihatid ko na kayo sa Floria," sabi niya.

"Nn, salamat," sabi ko.

Kinabukasan, agad kaming umalis pabalik ng Floria bago pa man sumikat ang araw, at nakarating kami sa palasyo nang magtanghali.

"Ahh... so si Orin ay nasa pinsan mo na," sabi ko kay Adelaide nang tanungin ko siya since hindi ko na makita si Orin "ang mga fairy?" tanong ko at nakita silang lumilipad sa ere.

"Nagtratrabaho sila sa isang panilihan sa suhestiyon ni Eriole," sabi ni Adelaide na tinangutanguan ko.

"Oo nga pala, may emergency daw sa Nocturia, alam mo kung ano yun?" tanong ko.

"Ah, pinagbawalan tayong maki-alam dahil makakalala lang daw ng sitwasyon," sagot niya.

"Ano ba yung emergency?" tanong ko.

"Rebelyon ng ilang noble dahil, well for years pinapatay or dinadakip namin ang mga kauri nila, so of course may mga taong gusto maghiganti pero hindi na magawa dahil sa alyansa apparently, matagal na ang rebelyon pero nilihim lang ng palasyo ng Nocturia," singgit ni P-knight nang pumunta siya sa silid na tinutuluyan ko pansamantala.

"Paano nalaman?" tanong ko.

"Nang may magpunta doong adventurer na maluwag ang dila, nagkaroon ng rumor at yun na, nalaman na namin pero pinagbawalan kami nang sabihan naming magpapadala kami ng mga tauhan," sabi ni Eriole

"Pero dahil nag-aalala ang mahal na hari sa anak at apo niya roon, may pinadala siya para protektahan ang fishing village na yun, tama ako ano?" sabi ko at tumango si P-knight.

"Umupa ang palasyo ng ilang SS rank adventurer para protektahan lang yun," sagot ni P-knight "dahilan para magkulang ang mga adventurer na pumapatay sa mga halimaw nang hindi dumami ang bilang."

"Ah... kaya pala ang onti ng mga kawal sa palasyo," sabi ko "okay, alam ko na ang gagawin ko,"

"Mamumuksa ng halimaw?" tanong niya.

"Nope, sit back and enjoy, lilibutin ko na ang Floria," sabi ko at hindi ko madescribe ang expresyon ni P-knight "what, pinagbawalan tayong tumulong sa Nocturia, kulang ang info natin about sa Mountoria at Tempestoria, so, lilibutin ko na lang muna ang Floria for the time being," sabi ko at napabuntong hininga si P-knight.

"Kamusta na nga pala ang mga bata?" tanong ko tinutukoy ang mga nailigtas na elf.

"Ang iba sa kanila ay nagpapakita na ng pagbabago, nagagawa na namin silang maka-usap pero layo kami sa topic about dun," sabi ni Adelaide.

"I see..." sabi ko.

Bumisita ako sa pansamantalang tinutuluyan nila at agad sinalubong ng mga yakap mula sa mga bata, pinapakita rin nila ang mga ginawang kwintas mula sa mga beads, ay nang gamitan ko <Judge> ay mga gawa sa mga mamahaling bato ang mga beads.

"Saan galing ito?" taka kong tanong at sinabihan ako na kinausap nung representative ng Hydroria for DFA ang isang merchant guild, nagustuhan nila ang mga gawa nila at nagtratrabaho sila bilang tagagawa ng kwintas at pulseras.

Nakipaglaro ako sa mga bata hanggang sa mag-dilim, dun na rin ako naghapunan at ewan ko kung paanong ako ang naging cook, siguro dahil sa level 15 <Cooking> skill ko.

"Sabi ni Zedrick may nangyayari daw na rebelyon sa Nocturia," bungad-sabi ni Lyfa nang makabalik ako sa kwarto ko.

"Meron nga pero pinagbawalan kaming mangi-alam at lalala lang daw ang sitwasyon dahil mga may galit sa Florians ang mga kasapi nung rebelyon," sagot ko "kaya wala tayong magagawa, pinapabalik na naman doon si Celine kaya mapupuksa na siguro iyon."

"Nasa likuran ng rebelyon ang simbahan," sabi ni Mimir na nakaupo sa kama ko, binabasa yung itim na librong binili ni Lyfa noon.

"... Yung simbahang naniniwalang isa akong kaaway?" tanong ko at tumango silang dalawa "tch, pahamak na simbahan yan, pagnagkataon mababansagang peke si Celine... speaking, ano nga pala ratings ko sa simbahan," bulong ko sabay labas at pumunta sa bahay nina P-knight.

"Medyo tagilid," sagot ng tatay nila nang tanungin ko ang rating ng simbahan sakin "dahil ayon sa kanila, ang tubig ang demonyong may gawa nitong lahat kasama ang dilim, at dahil sa nakipag-alyansa ang palasyo sa Hydroria medyo tagilid ka."

"Kung sirain ko kaya ang "Fire Guardian's Faith at palitan ng relihiyon ko," biro ko.

"Pag ginawa mo iyan, tuluyan ka ng mababansagang peke, swerte nga lang at hindi ka gaanong kilala kaya hindi mo marinig ang mga sabi-sabi," sabi niya sakin.


Soria: World's GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon