Chapter 128

1K 49 0
                                    

Naglalakad kami sa may disyerto, papuntang silangan, dahil nang ipahanap ko kay <Ifrit> ang isang bayan, settlement, or village, ang una niyang nakita ay nasa silangan namin, ang proweba ay ang map na ang mga daanan ni <Ifrit> na unexplored ay naging explored area.

"Bakit hindi na lang tayo sumakay kina <Mari>?" tanong ni Mimir.

"Single reason, maaring matakot sila," sabi ko.

"Ah... <Water Cannon>!" sabi ni Mimir at mula sa kamay niya ay may lumabas na tubig na bumutas sa katawan ng isang <Krashalome>.

"Isipin mo na lang na nangongolekta tayo ng materyales," sabi ni Lyfa at nabalutan ng isang baging ang braso na inihampas niya sa isang <Krashalome> at nahati ito sa dalawa.

"Magpapalitaw uli ako," sabi ko at gumamit ng <Firebolt> at pinatama iyon sa lupa.

Sumabog ang <Firebolt> at sa ilalim ng lupa ay nagsilabasan ang sampung mga <Krashalome> na nangisay-ngisay dahil dahil sa pagkabingi mula sa pagsabog.

Agad kong pinutulan ng ulo ang isa habang nangingisay-ngisay pa ito, ganun dun si Lyfa gamit ang <Vine Cutter> at si Mimir na binutasan ang <Krashalome> at sina Lina at Lulu ang nangongolekta sa mga materyales.

"Yun na siguro lahat ano?" sabi ni Mimir.

"Oo, yun na lahat," sabi ko kaya tumulong na kami sa dismantling.

Ayon sa nabasa ko sa <Grand Archive> nagbibigay ng paralysis poison ang karne ng <Krashalome> pero may pakinabang ito bilang mga pain killer kaya nangolekta pa rin kami. Matapos naming makuha ang mga kailangan sa halimaw ay agad kaming nagpatuloy sa paglalakad, may instances na nalalamon ang isa samin ng <Earthworm> at pagnangyari iyon ay namamatay na ang <Earthworm> dahil sa kagagawan ng nasa loob. A few days later, ay napunta na kami sa isang kweba, at sa kweba na iyon ay may settlement, agad akong pumasok at agad na tinutukan nila ng mga crossbow, espada, at sibat.

"Woah, teka lang po," sabi ko at dahil naintindhan nila ay ibinaba nila ang mga sandatang hawak.

"Paumanhin manlalakbay, akala namin ay isa ka sa mga nagbabalat kayong halimaw," sabi ng isang lalaki na may hawak na palakol "ano ang inyong kailangan? Paumanhin ngunit may kakulangan kami sa pagkain kaya kung nais niyong makipagpalitan, tanging pagkain lang ang hindi namin maipapalit."

"Uhmm... may mapa po ba kayo?" tanong ko "yung detalyado."

"Mapa ha, ipinagbabawal ang pag-gawa ng isang detalyadong mapa," sabi niya habang isa-isang nagsisibalik ang mga kasama niya sa ginagawa.

"Kahit hanggang <Gringre City> lamang, at kung saan wala masyadong halimaw," sabi ko.

"<Gringre City> ha... Pero detalyado—"

"O kaya naman ay isang buong detalyadong mapa, kapalit ay ilang mga gulay na meron kami," sabi ko.

"Hindi ako ang gumawa ng mapa," sabi niya at bumalik sa loob kaya naman napa-ngiti ako.

"Sigurado ka?" tanong ni Lyfa.

"Oo, kung kumpleto na ang mapa, pwede tayong lumipad sa may <Dragon Valley> at mula doon pumunta na sa <Gringre City>," sabi ko.

"I see," sabi ni Lyfa.

Nang makabalik na ang dwarf ay naglabas na kami ng mga ilang gulay, fresh pa iyon at parang bagong ani, salamat sa <Inventory> ko, nagkaliwaan kami at nang mahawakan ko na ay nagliwanag ang mapa at ang liwanag ay pumalibot sa singsing ko at nagkaroon na ako ng buong mapa ng <Mountoria> na ayon sa world map ay nasa <Asia> continent.

"Okay, tara na," sabi ko at lumabas na, doon sa labas ay tinawag namin sina <Flamma> at agad na lumipad patungo sa may <Dragon Valley>, at dahil sa ginawa namin, may kumalat na rumours na nabuhay na uli ang <Dragon Generals> pero sa ibang kwento na iyon.

"So... ito ang <Dragon Valley>," sabi ko nang makarating na kami sa <Dragon Valley>.

"Yeah, ano, papadilim na, patuloy pa tayo?" tanong ko.

"Oo sige, hanggang sa magdilim na ng tuluyan," sabi ni Mimir.

"Mas mainam kung ipagpapabukas na natin," sabi ni Lyfa "hindi natin alam kung gaano kalakas ang mga dragon dito."

"Hmm... Mark, ano?" tanong ni Mimir.

"Majority wins," sabi ko "taas ang kamay ng gusto magpatuloy," at maliban kay Mimir wala nang nagtaas.

"Sorry, Mimir, majority," sabi ko at naghanap ng kwebang pwedeng pagpalipasan ng gabi, pero dahil wala kaming makita ay nag-ayos na kami sa pingbabaan nina <Flamma>, at bilang cover ay pina-iwan namin sina <Kuro> at <Mari> upang hindi mahalata na may nag-camp sa puwesto namin.

Ang hapunan namin ay inihaw na karne na may mga medicinal herbs. Matapos kumain ay natulog na kami, pina-ubaya kina <Kuro> at <Mari> ang pagbabantay.

The next day, agad na naglaho sina <Kuro> at <Mari> nang magising kami at sa <Status> nila ay may <Resting>. Matapos ang almusal ay agad kaming nag-ayos at umalis na papuntang <Gringre City>.

Tatlong araw ang kinailangan namin upang makarating sa <Gringre City>, luckily, wala kaming nakasalubong na dragon.

Nang makapasok kami sa <Gringre City> ay agad kaming pinagtinginan, no, pinagtinginan sina Lyfa.

'Ang sama ng pakiramdam ko dito ah,' sabi ko at pumasok kami sa isang posada.

Rumenta kami doon ng single room for 5 people at sa kwarto ay sinabi ko ang hinala ko.

"Well, considering na ang rule dito ay the strong rule, of course normal na yun," sabi ni Lyfa.

"Hmm... kaya naming protektahan ang sarili namin," sabi ni Mimir.

"Don't be conceited, delikado yun," sabi ko.

"Okay, mag-iingat kami," sabi ni Mimir.

"Kung maglilibot kayo, in pairs," sabi ko.

"Okay, tara Mimir," sabi ni Lyfa.

"Okay," sabi ni Mimir at sumunod na kay Lyfa sa paglabas na sinundan nina Lina at Lulu.

"Now, for the request of Orin," sabi ko "andito pa kaya yung pamilya niya?" tanong ko sa sarili at kinuha sa inventory ang sulat na nais ipa-abot ni Orin.

'Ang taong hahanapin ko ay... Hephaestus?' sabi ko sa isipan 'normal pala itong pangalan na ito dito.'

Agad kong binalik ang liham sa <Inventory> at lumabas ng posada at napansin na wala na ang mga sumunod samin. Dahil nag-aalala ako sa kanila ay pinadala ko si <Ifrit> sa lokasyon nila, bago ako nagtanong-tanong sa mga tao kung may kilala ba silang Hephaestus, ang akala kong matatagalan sa paghahanap ay hindi nangyari dahil kilala si Hephaestus bilang isa sa mga magagaling na panday sa siyudad.

Soria: World's GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon