"Saan ang daan?" tanong ko kay Zedrick nang makarating kami sa isang iintersection.
Nagunsad siya ng kaunting baybayin at tumingin sa lahat ng daan at sinabing "pabalik, ang tamang daan ay sa dinaan natin," sabi niya at kahit na gusto kong mag-reklamo ay dumaan pa rin kami sa dinaan namin at nakarating kami sa isa pang intersection na dapat ay ang tarangkahan ng gubat.
Naglakad lakad kami, sinusunod ang sinasabi ni Zedrick, meron kaming nakakasalubong na mga halimaw pero agad din naming napapatay, pero nang makita namin ang isang halimaw, isang western dragon ang itsura at kulay pula ang kaliskis, may horns sa parehong buntot at ulo at pagkalalaking mga kuko, ay:
"Atras tayo," sabi ni F-guy na siyang sinang-ayunan nina Eriole.
'Bakit kaya' sabi ko sa isipan at ginamitan ng analyze ang halimaw.
<Thasalor>
Rank: SSS
Level: 500
HP : 750000/750000
MP : 600000/600000
STR: 150000
AGI: 150000
VIT: 150000
INT: 150000
"Anong halimaw yan?!" tanong ko
"King of the skies, <Thasalor> isang unique wyvern monster," sabi ni Eriole "walang lumaban diyan na nakakabalik at nabubuhay."
"Ang lolo ko, pinatay ang halimaw na yan pero namatay siya matapos ang limang araw dahil sa mga natamong sugat," sabi ni F-guy.
"Then tara," sabi ko dahil hindi ko kakayanin ang ganyang halimaw.
Agad kaming bumalik sa dinaanan kahit mali ayon kay Zedrick.
"Kakayanin mo namang makahanap ng tamang daan kahit na mali ang dadaanan natin diba?" tanong ni Lyfa.
"Of course!" sabi niyang punong-puno ng confidense and for unknown reason bigla akong kinutuban ng masama.
HOURS LATER
"Asaan na tayo?" tanong ko.
"Uhmm... naliligaw na tayo," pag-amin ni Zedrick kaya nabatukan siya ni Eriole at umiling-iling naman si Lyfa.
"Haahh..." buntong hininga ko at pinalagitik ang kamay at nag-apoy ang ilang puno sa paligid na animo'y isang trail.
"Kinutuban ako ng masama kaya nag-iwan ako ng marka sa mga dinaanan natin," paliwanag ko at kinilabutan dahil nakita kong kumikislap ang mata ni Adelaide.
"Kaya pala nasa hulihan ka," sabi ni Lyfa at tinitigan ako ni Zedrick ng masama.
"Tara na?" tanong ko.
"Bago ka magtungo diyan, ano ang tsansang maligaw pa tayo lalo?" tanong ni F-guy.
"Uhmmm... Around 99%?" patanong kong sagot at napaface-palm siya.
"Wag na, baka mas lalo pa tayong maligaw," sabi ni F-guy.
"Then... ano gagawin natin ditto?" tanong ko sabay tingala at napansing papagabi na.
"Camp," sabi niya "tutal papagabi na, mahirap ang maglakad sa gubat kapag madilim."
"Say, bakit hindi na lang natin gamitin yung <Retreat> tapos try again tayo," sabi ko bago pa man kami makapag-ayos ng camp.
BINABASA MO ANG
Soria: World's Guardians
FantasyMark Anthony Sevilla, your average guy, ay pinatay at napunta sa ibang mundo, at doon ay... This story is just a light-dark story with a weak storyline(?). The first chapter(book) of the Administration Series ...