Chapter 29

2.1K 130 2
                                    

"Paki-ulit nga uli ang plano," sabi ni Eriole habang nakatingin sa likuran namin kung saan naroroon ang mga nailigtas naming werebeast at ang mga nabihag naming slave hunters na madalas bugbugin ng mga kalalakihan at pinapagaling ni Lyfa para mabugbog uli sila.

"Ang plano ay iwan ang mga naligtas na werebeast sa susunod na bayan o kaya naman sa kapitolyo tapos yung mga nabihag natin ay ibibigay natin sa hari bilang kapalit dahil may mga naging alipin na hindi na makakabalik," sagot ko kay Eriole at tinignan si Lyfa at Zedrick na nag-uusap sa may unahan, paukol siguro ang topic nila doon.

"Pagtapos ng alliance na'to, ano na plano mo?" tanong ni Eriole sakin.

"Bakit?" tanong ko.

"Kasi sabi mo nung isang araw 'di ba sasama ka sakin kung hindi ka makabalik sa pagiging prinsesa' kay Lyfa,"

"Ah... Balak kong libutin ang mundo," sabi ko "sinabi ko na yun kay Lyfa nung nasa Pyr City pa kami at naghahanda sa pagpunta dito," sabi ko at tumango-tango si Eriole.

Lumipas pa ang dalawang araw ay nakarating na kami sa isang bayan at tulad inaasahan namin, pinagkaguluhan ang mga bihag namin at may mga nakikisipa na hindi kasama sa mga nailigtas namin.

"Panigurado pag-uusapan tayo," sabi ni Eriole habang namimili kami ng supplies.

"Natural," sabi ko.

Nang matapos ang pamimili namin ay agad kaming tumungo sa tarangkahan at doon, marami sa mga nailigtas namin ang nagpaalam samin at tanging naiwan ay ang mga batang walang kamag-anak.

"Paano na?" tanong ni Eriole.

"Bahala na," sabi ko at pinasakay ang mga bata sa kinuha naming cart ng mga slave hunters.

*************************************************************************************

"Ano? Nahanap na ba ang ruta ng mga slave hunter?" tanong ko sa hari, dahil iba ang ruta sa inakala naming dadaanan nila kaya naman ay hindi ko sila naparusahan.

"Paukol diyan, nakakalap kami ng balita tungkol sa isang grupo na dumakip sa mga slave hunters," sagot ng hari.

"Talaga? Sino sila?" tanong ko.

"Hindi ko kilala, ngunit tatlo sa kanila ay mga tao," sabi ng hari.

"Ano itsura?" tanong ko.

"Ayon sa mga sabi-sabi, ang mga itsura nila ay..." at sinabi na ng hari ang mga description at nang marinig ko ang description ng isa ay di ko mapigilang manginig sa takot at galit dahil andito siya, at papunta siya rito.

"Ha...hahahaha!" tawa ko upang matakpan ang takot na nararamdaman "magkikita na rin kami sa wakas, at pagnagkita kami," sabi ko at hinawakan ang pana na nasa likod ko at iniutos na maghanda ng mga sundalo dahil napagpasiyahan kong salubungin na lang siya.

*************************************************************************************

"Anong balak mo sa kanila?" tanong ni Eriole isang gabi habang nagbabantay kami.

"Ewan, may suhestiyon ka ba?" tanong ko at tinitigan ang mga batang kasalukuyang natutulog.

"Wala, pero maari kong kausapin ang ama," sagot niya at naalala kong prinsipe siya.

"Sorry," sabi ko

"Wala yun, pero may pabor akong hihingin sa'yo, kung hindi na makabalik sa pagiging prinsesa si Lyfa, ikaw na ang bahala sa kanya," sabi niya sakin.

"Bakit parang sigurado ka na hindi na siya magiging prinsesa?" tanong ko.

"Ang mga babaeng Nocturiana ay sasama sa kanilang mapapangasawa at itatapon ang kung ano mang meron sila noon," sagot niya.

"Eh..."

"Kung sakaling ikasal siya kay Zedrick na isang duke, itatapon niya ang pagiging prinsesa at magiging isang duchess," paliwanag ni Eriole.

"Lyfa," nakangiti kong tawag sa kanya kinaunagahan.

"Bakit?" tanong niya.

"Alam mong hindi ka na magiging prinsesa ano?" tanong ko at ngumiti siya kaya by instict tinaga ko ang ulo niya tulad nung ginagawa ko nung nasa pyr city pa kami pag may kalokohan siyang ginagawa.

"Aray... Masakit yun ah!" reklamo niya.

"Kasalanan mo din," sabi ko at napansing nakatingin sakin si Zedrick with rage, sadness, di ako sure dahil mixed feelings ang nakikita ko sa mata niya.

"Dun lang ako sa cart, kung may kailangan kayo tawagin niyo na lang ako," sabi ko at sumakay na sa cart kasama ang mga bata.

Nagbabasa ako ng libro nang biglang tumakbo ang isang bihag, nakawala siguro at nangahas tumakas.

"<Flame Arrow>" sabi ko at mula sa paligid ko, limang palasong yari sa apoy ang dumiretso sa tumakas na pangahas killing him instantly.

"Mamili kayo, tumakas at mamatay o manatili at maghirap?" tanong ko pero walang sumagot sa kanila "kasalanan niyo rin kasi, alam niyo na palang pinagbabawal na ang slave hunting, ginawa niyo pa rin."

"Wag mo na pagalitan, nagsisi na sila," sabi ni Adelaide.

"Dapat lang ngunit huli na," sabi ko at napansing natatakot na ang mga bata sa loob kaya nagpatuloy na ako sa pagbabasa.

Kinagabihan, habang tulog ang lahat, nagbabantay ako habang nagbabasa ng libro ay nakaramdam ako ng isang killing intent na nagmumula sa kanan ko, pinabayaan ko muna ito pero sa kanang kamay ko ay gumawa na ako ng <Mana Blade>, naghihintay na lang ng tamang pagkakataon para umatake.

Nang mag-crack ang kahoy sa apoy ay agad kong sinugod ang nagbibigay ng killing intent sakin. Napasigaw siya dahil sa bigla kong pagsulpot sa harapan niya at dahil sa sigaw na iyon ay napag-alaman kong babae siya. Mayroon siyang kakaibang pana sa kaliwang kamay and strangely enough parang pamilyar ang babae.

"Sino ka?" tanong ko at kinilabutan nang marinig magsalita ang babae.

"Hahahaha, tinatanong mo kung sino ako?" sabi niya.

"C-celine," kinakabahan kong sabi dahil ang babae ay ang kababata ko at ang pumatay sakin. Nagdilim ang paningin ko at sinubukan ko siyang saksakin pero isang palaso ang biglang tumama sa puno na nasa tabi ko kaya agad akong tumalon palayo.

"Hahahaha..." tawa ni Celine may sinabi pa siya pero hindi ko maintindihan.

"Mamatay ka!" sabay naming sigaw at susugod na sana pero isang palaso ang tumama sa lupa at biglang sumabog kaya naman nag-apoy ang ilang damuhan at nagbigay liwanag na naging dahilan upang makita ko ang mukha ng mga kasama ni Celine. Mga werebeast silang lahat at tantiya kong nasa bente sila at lahat ay mamana.

"Ayos ka lang?" tanong ni Lyfa na nasa likuran ko na kasama si P-knight at Eriole.

"Medyo," sabi ko at tinitigan ng masama si Celine.

Papanain na sana kami kanina pero napatigil ang mga mamana ng makita sina Eriole at Lyfa sa di alam na kadahilanan.

"Mga kilala ko sila, mga mamana ng palasyo," bulong sakin ni Lyfa sabay handa sa pana niya at itinutok iyon kay Celine.

"Sabihin niyo! Anong dahilan ng inyong pag-atake!" sigaw ni Eriole sa mga kasama ni Celine.


Soria: World's GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon