Chapter 126

1.1K 49 0
                                    

Isang linggo na ang lumipas, natanggap na ni Alissa ang pagkamatay at muling pagbuhay ng kaibigan niya bilang isang kalaban. Pinauwi na ang mga nabuhay sa mga pinadala naming sundalo at meron silang 2 weeks paid vacation, gayun din ang limang heneral na nauna na sa Floria kasama ang mga sundalo.

"Dito muna kami for peace talk," sabi ni Nekone.

"Okay, Celine, saan tayo magkikita sa may <Mountoria>?" tanong ko.

"Dun na lang sa may <Gringre City>, malapit lang yun sa may <Dragon Valley>," sabi ni Celine.

"Sasabay na din ako sa pagpunta dun, for the dragon hide," sabi ni Nekone.

"Hinde! Kailangan kong magpa-level," sabi ni Celine.

"<Gringre City>, okay, kita tayo doon," sabi ko "tara na <Flamma>," sabi ko at lumipad na ang pamilyar ko.

Nakarating kami sa may bahay nang padilim na at nang makapasok ako ay...

"Maligayang pagbalik, Master," sabi ng ilang mga maids na hindi ko kilala.

"... Ah... Excuse me, sino kayo?" tanong ko at gumamit ng <Mind Reader> at ang target ko ay ang mga magsasalita.

"Ah, ako po ay si Julianne Detrois, anak na babae ng Duke Detrois, pinadala po ako dito upang matuto sa etiquette." sagot niya 'sabi ni ama, maaring magkagusto sakin ang lalaking ito, sino ba siya? Sana ang kapatid ko na lang na limang taon ang pinadala niya dahil karamihan ang mga maid dito ay pawang mga bata, tch, may werebeast, alipin niya? No, ipinagbawal na ang pang-aalipin sa kanila unless may nagawa silang krimen,' basa ko sa isipan niya.

"A-anak po ni Earl Lankars, L-Lizbeth Lankars, pinadala p-po ako ng ama upang maging asa- upang maging isang katulong at mag-aral n-ng etiquette," sabi ng katabi ni Julianne 'Asawahin ko ito? Sino siya? Panigurado malaki ang inpluwensiya niya dahil malaki ang bahay niya, pero sino yung mga nasa likod niya? Papà, pagbubutihan kong maging asawa ng lalaking ito... pero sino kaya siya?'

Tinitigan ko silang lahat at ang sagot ay iisa lang, in surface, maging maid at mag-aral ng etiquette, sa loob, gawin ang lahat para maging asawa ko.

"Well, marami na akong maid..." sabi ko "Lizbeth."

"P-po!" sabi niya.

"May alam ka ba sa management?" tanong ko.

"M-meron po, madalas ko pong tulungan ang ama sa mga trabaho niya at nagsisilbi po akong sekretarya niya bago ako ipadala dito," sagot niya.

"Hmm... Then, ikaw na ang manager," sabi ko.

"Eh?" sabi niya.

"Well, ang gagawin mo lang naman ay kumuha ng mga supplier para kina Jaune, nakilala mo na ba sila?" tanong ko.

"H-hindi pa po," sagot niya.

"Okay, bukas ipapakilala kita, magandang may mabuti kayong relasyon; anyway, yun ang kukunin mo, supplier para kina Jaune at Orin, tapos ikaw din ang overseer sa mga taniman ko, 60% ng kabuuang ani nila ay akin, tapos ang mga yun, binebenta sa may SM o kaya naman ay dinideliver sa mga may hawak ng kainan dun sa may pinaka-itaas ng SM," sabi ko.

"O-okay, master," sabi niya.

"Kung kailangan mo ng tulong, kumuha ka sa mga kasama mo ngayon," sabi ko.

"O-opo," sabi niya.

"At, wala akong balak asawahin kayo, kaya sabihin niyo sa tatay niyo, wag na silang umasa," sabi ko na ikinagulat nila.

"Haah... sa kwarto lang kami, pakitawag na lang kami pag-ayos na ang hapunan," sabi ko at pumasok na kami hindi inantay ang mga sasabihin nila.

Agad kaming nagtungo sa kanya-kanya naming kwarto at doon nagpahinga or at least iyon ang plano pero kinain ko si Lyfa so hindi rin kami nakapag-pahinga.

Soria: World's GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon