"So... Anthony," sabi ni Celine "harem?"
"Anong pinagsasabi mo?" sabi ko.
"Kung lahat ba sila asawa mo," sabi niya "since lahat sila ay babae."
"Nagkataon lang yan," sabi ko "naghahanap pa nga ako ng tanker eh," sabi ko.
"Kung sabagay, unbalanced party mo," sabi ni Nekone.
"Nagsalita ang hinde," sabi ko "pareho kayong mage ni Lunaria diba?" tanong ko.
"Naghahanap din ako!" sabi niya.
"Okay balik na tayo sa topic," sabi Celine.
At pinag-usapan na namin ng seryoso ang mga pwedeng mangyari, specially ang <Skeletal Dragon> incident.
"Paano tayo gagalaw? Bawal magsama-sama ang mga tagapangalaga diba?" tanong ni Celine.
"By party, so I recommend," sabi ko.
"Yun din ang sasabihin ko," sabi ni Nekone "since andito si Lunaria at si Princess."
"Okay, sabi mo andito yung limang heneral?" sabi ni Celine "asaan sila?"
"Sa barracks, tawagin ko?" tanong ko.
"Hinde, bukas na lang," sabi ni Celine at bilang panapos, nilagay namin sa friend list ang isa't-isa.
"Alissa, pumunta ka sa kwarto ko mamaya," sabi ko.
"Okay," sabi niya.
Nang gabing iyon, matapos ang hapunan, nagbabasa ako ng libro at inaantay si Alissa, nang may kumatok ay agad kong pinagbuksan ang tao at nakita si Alissa.
"Hubarin mo na yung damit mo," sabi ko at nanigas ang katawan ni Alissa.
"Nandiyan din sina Lyfa at Mimir kaya wag kang matakot," sabi ko.
"Kuya!" sabi nina Lulu at Lina sabay pasok sa loob ng kwarto ko.
"Un, andito na din silang dalawa kaya hindi ka dapat matakot," sabi ko "o gusto mo lumabas muna ako habang naghuhubad ka?"
"Eh?" sambit ni Alissa.
"Bakit?" tanong ko.
"Ano po gagawin ko dito," tanong niya.
"Gagawin na kitang desipulo, at para magawa iyon, kailangan ay direct skin to skin contact hanggat maari," sabi ko.
"A-ah..." sabi niya.
"Lalabas ba muna ako?" tanong ko.
"Ah, kahit hinde na po," sabi niya at dali-daling naghubad, nabigla ako kaya by reflex ay tumalikod ako.
"Pagtapos mo dumapa ka na sa kama," sabi ko.
"Okay," sabi niya.
"Lyfa, please," sabi ko.
"Ah, okay," sabi ni Lyfa at nang marinig kong may dumapa na sa kama at ang kaluskos ng tela ay humarap na ako at nakita si Alissa, nakadapa na sa kama at natatakpan ng kumot ang lower half niya.
"Dahil sa reaksyon ni Lyfa nung nasa Hydroria kami, nakalimutan ko yung custom ng Nocturia," bulong ko habang papunta sa kama.
"Kuya, ba't biglang naghubad si Ate Alissa?" tanong ni Lulu.
"Si Lyfa o si Mimir ang tanungin niyo," sabi ko kaya sila Lyfa ang tinanong nila.
Habang pinapaliwanag ni Lyfa ang kustomarya sa Nocturia ay ginagawa ko ang descipleship kay Alissa, at nang matapos ako sa descipleship ay nagbagsak si Lulu ng nuclear.
BINABASA MO ANG
Soria: World's Guardians
FantasyMark Anthony Sevilla, your average guy, ay pinatay at napunta sa ibang mundo, at doon ay... This story is just a light-dark story with a weak storyline(?). The first chapter(book) of the Administration Series ...