Nakatayo ako sa gitna ng <Edler Plains> nakatingin sa kalangitan, medyo madilim pa at papasikat pa lamang ang araw.
Panandalian kong pinikit ang mga mata pero idinilat iyon agad nang makarinig ng ilang yabag.
"Sabi ko mag-isa ka lang," sabi ko at hinarap ang mga bagong dating, sina Celine kasama ang isang lalaking may katandaan na, si Eriole at ilang sundalo.
"Sabi ko ikaw lang mag-isa eh," reklamo ko at nagkamot ng ulo.
"Bakit? Masisira ba ang plano mo?" tanong ni Celine.
"Hindi namam," sagot ko at inilabas mula sa inventory ang isang wand na ayon kay Luxerra ay ginawa para sa ika-apat na henerasyon, isang mago bago ako. Merong auto-cast ng fireball ang wand at tanging kailangan ko lang gawin ay iwasiwas iyon at lalabas na ang bolang apoy sa crystal na nasa dulo "pero sana sumunod ka sa one on one."
"Paano naman ako makakasiguro na ikaw lang talaga mag-isa?" tanong niya at hinawakan ang sinulid ng pana para anumang oras ay pwede na niya iyong higitin.
"May nakikita ka pa bang ibang tao maliban sakin?" tanong ko.
"Meron, may tao sa may likuran, natakpan siya ng kung ano mang mahika pero dahil mayroon akong <Scan>, baliwala ang ginawa niya," sagot niya at tumingin ako sa likuran ko.
Nagdistort ang space doon at lumitaw si Lyfa.
"Anong ginagawa mo dito?!" gulat kong tanong.
"Para manood," sabi niya at napansin kong pinigilan ni Eriole ang matanda.
"Wag kang mangingi-alam," sabi ko.
"Maliban na lang kung sumuway ang tagapangalaga ng kagubatan," sabi niya, seryosong nakatingin kay Celine na para bang gusto niya itong patayin.
"Ayos na ba?" tanong ko.
"Tagapangalaga, aatake kami sa oras na sumuway ang lalaking gumamit ng mahika upang makontrol ang anak kong si Lyfa," sabi ng matanda.
"Makontrol? Ano ang iyong pinagsasabi ama?" tanong ni Lyfa "kusa akong sumama sa kanya kahit na pinauuwi na niya kami ni kuya," sabi ni Lyfa at hinawakan ko ang buntot niya kaya napahiyaw siya "ba't mo ginawa yun?!" reklamo niya habang hawak-hawak ang buntot gamit ang isang kamay.
"Ang ingay mo kasi," sabi ni Eriole "tignan mo lahat sila, nakatingin na sakin ng masama."
"Eriole isa kang..."
"Sabi mo, gawin ko ang nararapat para sa bansa, mas nanaisin ko ang alyansa kesa sa giyera," sabi niya.
"Pero sinasakop na tayo-"
"Hindi tayo sinasakop, inutusan niya sila na protektahan ang mga baryo at mga bayan," paliwanag ni Eriole "dahilan kung bakit muntik na magkaroon ng civil war nung dinakip si Xian," paliwanag ni Eriole at tinitigan siya ng masama ni Celine.
"Wag mo titigan ng masama," saway ko "kasalanan mo dahil hindi ka nagpadala ng espiya sa kung ano ang ginagawa ng mga tauhan ko, ngayon, handa ka na ba?"
"Hanggang kamatayan," sabi ni Celine.
"Nope, first clean hit," sabi ko at susugod na sana pero nakarinig kami ng screech ng isang ibon kaya napalingon kami at nakita ang isang malaking ibon, lumilipad patungo rito.
Lumapag ang ibon isang metro ang layo mula sa amin, sumigaw uli ito at humanda sa pag-atake.
*******************************************************************************************
"Aray... Lintek na ibon," sabi ko habang paika-ikang nilakad ang kinatalsikan ng kakambal ko.
"Luxerra, umaga na gising na!" sabi ko at mahinang sinampal-sampal ang kapatid.
BINABASA MO ANG
Soria: World's Guardians
FantasyMark Anthony Sevilla, your average guy, ay pinatay at napunta sa ibang mundo, at doon ay... This story is just a light-dark story with a weak storyline(?). The first chapter(book) of the Administration Series ...