"W-wag po, maawa ka po," sabi ng babae habang nagpupumilit na kumawala sakin sa isang madilim na eskinita.
"Wag ka ng pumalag, walang tutulong sayong kumawala sakin," sabi ko habang hinihihila siya papaloob.
"Wag po, maawa ka, please," umiiyak na niyang sabi.
"Okay, andito na tayo," sabi ko sabay hinto sa tapat ng isang pamilyar na bahay.
Nang sabihin ko kanina na pupuntahan namin ang bahay ng babaeng iniligtas ko ay ginamitan ko siya ng <Mind Reader>, kaya nalaman ko kung saan siya nakatira. Ayaw niyang umalis at nagpupumiglas kaya nang papadilim na ay binuhat ko siya palabas at nang nasa kalagitnaan na kami ng daan ay binaba ko na siya, sumunod naman siya pero nang malapit na kami ay doon na siya nagpumiglas uli.
"Tao po," sabi ko sabay katok sa may pinto.
May narinig akong tumakbo papunta sa may pinto at nang bumukas na ay nakita ko ang batang ginamitan ko ng <Curaga> upang mabuhay.
"Ate!" sigaw niya sabay yakap sa babaeng niligtas ko.
"A-a-Aya," tawag niya.
"Bakit ate?" tanong ng batang babae sabay tingin sa mukha ng kapatid.
Hindi na nakapagsalita ang babae at umiyak na lang siya sabay yakap sa kapatid.
Ayokong maka-istorbo sa reunion nila kaya dahan-dahan akong umalis sa lugar na iyon at bumalik sa may posada.
Kakatapos ko lang kumain at kasalukuyang binabasa ang plant encyclopedia ng <Mountoria> nang biglang may kumatok sa may pinto ko kaya agad ko iyong binuksan ng nakasimangot at kunot-noo para lang sa arte, at ang pinagbuksan ko ay ang landlord.
"M-m-may naghahanap po sa inyo, G-g-ginoo," nauutal niyang sabi, natatakot ata kaya bumuntong hininga ako.
"Susunod na ako," sabi ko at sinara ang pinto, upang maisuot ko ang mga gamit, dahil isinabit ko lang naman ang vest coat ko sa may upuan, manual ko iyong isinuot, and for weapon, barehand na lang siguro, pero nasa likod-bewang ko ang <Flame Overseer's Sword> na hindi ko nirefine dahil back-up weapon lang naman ang espada, para lang sa mga normal na tao dahil overkill kung ang <Infernus> ang gagamitin ko.
Matapos mag-ayos ay agad na akong bumaba at nakita ang babaeng niligtas, kasama niya ang kapatid at ang ama. Nanlaki ang mata ng ama niya ng makita ako at may binulong sa kapatid ng niligtas ko, Aya ata ang pangalan niya.
"So, anong kailangan mo," sabi ko sa babaeng niligtas sabay upo sa may bar stool.
"Salamat sa iyong pagligtas sakin, at paumanhin," sabi niya sabay yuko "kung hindi mo ako iniligtas at kinaladkad, malamang ay hindi ko na uli makikita ang aking kapatid."
"Wag mo na isipin," sabi ko at humakbang naman si Aya.
"Butihing ginoo, maraming salamat at iniligtas mo ang aking buhay," sabi ni Aya sabay luhod, lapat ng kamay at noo sa lupa, kung tama ang ala-ala ko, dogeza ang tawag ni Nekone sa ganitong pagluhod.
"Ayon kay ama, nawalan na siya ng pag-asa nang matapon niya ang gamot ko sa katarantahan dahil sa kumlat na ang lason sa aking katawan; at sa kanyang paghihinagpis, tinignan niya ako at nakita ikaw, butihing ginoo, na hinawakan ako mula sa labas ng bintana at katulad ng mga pari ay pinigilan ang pagkalat ng lason at upang tuluyang gumaling ay binigyan ang ama ng isa pang bulaklak na siyang aking gamot," sabi niya "utang ko sa iyo butihing ginoo ang aking buhay, kung ano man ang iyong naiisin ay aking susundin, kahit pa ito ay aking ikamatay."
"Katulad ng aking kapatid, pagmamay-ari mo na ang aking buhay, ang iyong nais ay ang aking utos, kahit pa na aking ikamatay, ako'y susunod," sabi ng babaeng niligtas ko sabay dogeza katulad ng sa kapatid.
"Dahil sa iyong pagligtas sa aking mga anak, wala na akong maibibigay pa kundi ang aking buhay, simula sa araw na ito, hawak mo na sa iyong kamay ang aming buhay, sa iyong utos, kami at susunod," sabi ng tatay nila na napansin kong naka-dogeza na rin.
"I...see..." sabi ko.
The next day...
"Welcome back," sabi ko sa grupo nina Lyfa na kakadating lang nang mapansin kong bumukas ang pinto habang nagbabasa ako.
"A-a-ano nangyari dito?" sabi ni Mimir habang nakatingin sakin, mali, sa dalawang nasa likuran ko.
"... Mark, asawa mo ako, kung gusto mo magdagdag, sabihin ko muna sakin, at gawing pangalawa si Mimir," sabi ni Lyfa samantalang sina Lina at Lulu ay hindi maintindihan ang sinabi niya.
"Hindi ko sila asawa, more like... slave, pero... hmm... paano ko ba maipapaliwanag," sabi ko.
"Iniligtas kami ni Master Anthony," sabi ng babaeng niligtas ko.
"Utang namin sa kanya ang aming buhay," sabi ni Aya "sa kanyang utos."
"Kami ay susunod, kahit pa na ikamatay namin, kami tutugon sa kanyang nais," sabi ng kapatid ni Aya "ang ngalan ko ay Iya."
"At ako naman si Aya," pakilala ni Aya.
"K-kahit na ano?" tanong ni Mimir "kahit na naisin niya kayo sa kama?"
"Kung iyan ang nais ng Master, agad kaming susunod," sabi ni Aya.
"Ahh... kaya pala," sabi ni Lyfa na naintindihan na ang mga nangyari at pumasok sa loob ng kwarto kasunod sina Mimir pati na rin ang mga pinatapon ko sa <Dragon Valley>.
"Ano ginagawa nila dito?" tanong ko at bigla silang nag-dogeza.
"PATAWAD! HINDI NA PO KAMI UULIT, HINDI NA KAMI MAG-IISIP NG KUNG ANONG MALASWA PAUKOL SA IYONG MGA ASAWA!" sabi nila kaya tinignan ko si Lyfa na gumamit ng <Connect>.
'Sinabi ko bilang proteksyon nina Lina at Lulu, mahirap na kasi,' sabi niya.
"Hmmm... right, may gamit kayo," sabi ko "anong level nila?" tanong ko.
"From left to right: 60, 40,39,70 at 55," sagot ni Mimir at naupo na sa kama.
"Eh yung sinamahan niyo?" tanong ko.
"80," sagot ni Lyfa at nahiga sa may kama.
"80, okay," sabi ko at humarap sa mga lalaki, "makaka-alis na kayo, kung may kailangan kami ipapatawag namin kayo," sabi ko.
"O-opo," sabi nung lalaking level 80, yung tinapakan ko sa ulo at tinigasan habang hinuhubaran siya ni Lulu "makikita niyo kami sa <Wyvern Scale Inn>," at tumayo na sila at umalis matapos iwan ang mga bag na dala.
"Lyfa— ah, tulog na siya," sabi ko at tumayo upang kumutan siya.
"So, Mimir, ikuwento mo sakin ang mga nangyari," sabi ko.
BINABASA MO ANG
Soria: World's Guardians
FantasyMark Anthony Sevilla, your average guy, ay pinatay at napunta sa ibang mundo, at doon ay... This story is just a light-dark story with a weak storyline(?). The first chapter(book) of the Administration Series ...