Naglalakad kami sa gubat, malalakas ang mga nakakasalubong naming mga halimaw pero baliwala iyon kay F-guy na mabilis niyang napapaslang.
"Pakiramdam kong isa 'tong raid party" bulong ko nang maalala ang isang party type sa madalas kong laruing online game.
"Ano?" tanong ni Adelaide.
"Wala, may naalala lang ako," sabi ko sa kanya at sinubukang i-improvise ang <Flare Rain> pero hindi ko magawa.
"Ituro mo na sakin yung ginawa mo kay kuya," sabi niya.
"Alin doon?" tanong ko sa kanya.
"Pareho," sagot niya
"Hindi ko maituturo yung <Mana Burn> kasi dapat matutunan mo yun ng sarili mo kung paano gagawin," pagsisinungaling ko dahil hindi ko alam kung paano ituturo sa kanya ang skill ng hindi niya nalalaman ang unique title ko.
"Ah... then yung isa naman" sabi niya
"Ganito yan, isipin mo yung <Mana> mo o enerhiya ay naiipon sa palad mo, tapos naiisin mong ibigay yung <Mana> na yun sa isang tao," sagot ko
"Hindi kita maiintindihan," sabi niya kaya inulit ko uli ang explanation ko, pero sinigurado kong mas maliwanag kesa sa nakaran kong paliwanag "ah... kung gayon... isang sobrang taas na salamangka ang ginamit mo" sabi niya na sinakyan ko na lang para matapos na "then kung sakaling kailanganin ko ng <Mental Power> ikaw na ang bahala" at may binigkas siya at lumabas ang isang window na nagsasabing:
Adelaide Nightcloud asked you to join party, yes or no? Na sinagot ko ng yes sa isipan at lumabas sa ilalim ng HP/MP indicator ko ang isa pang indicator, ang indicator ni Adelaide at napansin ko ding umiilaw ang <Status> kaya binuksan ko iyon at nakitang nagkaroon ng isang tab na may nakalagay na: Party. Pinindot ko iyon at nakita ang pangalan ni Adelaide at ng isa pang lalaki base sa pangalan kaya pinindot ko ang pangalan ni Adelaide at lumabas na ang status niya.
Name: Adelaide Nightcloud
Level: 40
HP: 500/500
MP: 12000/12000
STR: 10
AGI: 100
VIT: 100
INT: 3000
TITLE: <DESCENDANT OF AN OVERSEER> <TALENTED MAGE> <KIND HEARTED> <PHARMACIST> <INTELLIGENT PERSON>
"Wow... level 40" sabi ko at bigla siyang napatingin sakin.
"Paano mo nalaman?!" gulat niyang tanong.
"Hmm... level 40 na si Adel, pwede ka na isama sa lugar ng mga halimaw na 'yun'," sabi niya.
"Ah, siya nga pala ang nakatalang pumorotekta satin, siya si..." at sinabi ni Adelaide ang pangalan niya pero hindi ko tinandaan dahil halata sa mukha niyang ayaw niya sakin.
"Pero paano mo nalaman?" tanong ni Adelaide.
"Secret, no clue," sagot ko at hindi na inintindi ang mga pagpipilit ni Adelaide.
Nang makarating kami sa isang settlement nakita kong puro <Chief Goblin> ang nandoon at karamihan sa mga shaman ay ay bungong korona or something
"Tch, maraming <Elder Shaman Goblin> kumpara nung nakaraang taon," sabi ni F-guy.
At ginamitan ko ng <Analyze> ang halimaw at lumabas ang:
<Elder Shaman Goblin>
Rank: C
Level: 20
BINABASA MO ANG
Soria: World's Guardians
FantasyMark Anthony Sevilla, your average guy, ay pinatay at napunta sa ibang mundo, at doon ay... This story is just a light-dark story with a weak storyline(?). The first chapter(book) of the Administration Series ...